Muling pagkikita
Naglalakad ako dito sa tabing-dagat kung saan una kaming nagkakilala,kung saan una kong nakita yung taong nagpahalaga sakin,at hindi ko rin inaasahan na dito rin pala niya ko iiwan.
Palagi akong bumabalik dito,nagbabakasakali na babalik rin siya. Parati akong naglalakad tuwing umaga at hapon hanggang dumilim ang paligid pero ni isang beses hindi ko na siya nakitang bumalik sa dati naming tagpuan.
"Riana!!"nagising ako mula sa kalungkutan ng may tumawag sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako hinahanap kung sino yung taong tumawag sakin hanggang dumapo ang aking mga mata sa isang taong nakatayo malapit sa bakuran ng Villa na pagmamay-ari ko.
"Riana yuhooo!tao poooo!"dagdag niya pa. Hindi niya ako siguro nakita kanina sa tabing-dagat. Tiningnan ko nalang siya muna na doorbell ng doorbelle sa gate ng Villa ko.
Nakita kong lumabas yung isang katulong ko"Ayy ikaw pala yan Ma'am Angelica lumabas kasi kanina si Ma'am Riana eh hintayin niyo nalang po sa loob"pinagbuksan niya si Angelica ng gate at sinamahan si Angelica sa loob.
Si Angelica ay isa sa mga kaibigan ko dito,isa rin siya sa mga taong umalalay sakin noong nalunod ako sa kadiliman sa kadahilanang pag-iwan sakin ni Ryle.
Bumalik nako sa bahay para maligo. Uuwi ako ngayon sa Manila para magtrabaho,tapos na kasi yung 1 week na leave ko kaya kailangan ko ng magtrabaho. Iniwan ko lang ang kompanya ko sa pinsan ko nasi Freya.
"Heyy good morning Angel"bati ko kay Angelica ng makita ko siyang naka-upo sa sofa nagsicellphone doon.
"Good morning girl san ka galing?"bati din sakin ni Angelica at humalik sa pisngi ko.
"Ayy wag muna pala sagutin alam ko na kung san ka galing"dagdag niya at ngumiwi sakin. Nginitian ko nalang siya dahil tama naman siya ng iniisip eh.
"You know what it's been 3 years when he left you Riana...please give your self a break,magbakasyon ka don mo gamitin ang leave mo"sabi sakin ni Angelica at hinaplos pa ang buhok ko .
"Huling balik ko nato dito,kung babalik man ako dito yun ay bisatihan nalang kayong mga kaibigan ko."sabi ko sa kanya,nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Ngumiti naman siya sakin ng malungkot at niyakap ako.
"Mamimiss kita Riana"sabi niya habang nakayakap parin sakin at tinatapik pa niya yung likod ko.
"Me too"at kumalas na ako sa yakap niya.Nginitian ko naman siya.
"Mam ito na po yung meryenda niyo"sabi ni Manang Estella,siya yung taga-pangalaga ko dito sa Villa habang wala ako.
"Sige Manang salamat"sabi ko at inumpisahan na kumain ng pichi-pichi na niluto niya.
"Kailan alis mo sis?"tanong sakin ni Angelica habang kumakain rin ng meryenda.
"After lunch"simpleng sagot ko sa kanya.
"Ayy hindi na pala kita maihahatid sa airport kung ganon"malungkot na tugon niya sakin.
"Sige ayos lang yun"sabi ko at uminom ng juice.
Nagkwentuhan pa kami doon sa sala habang nagmemeryenda.Maya-maya ay tumunog yung phone niya at tumayo siya para sagutin yun.
"Yes...Mom pauwi na po"rinig kong sabi niya sa kabilang linya.
"Sis una nako pinapauwi na ako ni Mommy eh"sabi niya at lumapit sakin para humalik sa pisngi ko.
"Sige ingat ka pauwi...mamimiss kita gel"sabi ko at nginitian siya.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
RandomNakilala kita sa tabing-dagat pero hindi ko alam na doon mo rin pala ako iiwan -ARRIANNA Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko...