Chapter 2

0 0 0
                                    

Paghahanda

"A-anong ibig mong sabihin?"nauutal na tanong ni ate Stacey kay kuya Stephen.

"Mahal kita mula noon hanggang ngayon"ulit ni kuya pero ngumiti lang ng malungkot si ate sa kanya.

"Hindi na tayo pwede..."malungkot na sabi ni ate at tumungo,nakikita ko na nangingilid ang kanyang luha.

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto ipahiwatig ni ate kay kuya.

"Bakit naman hindi alam kong mahal mo pa ako hanggang ngayon Stacey"kumbinsido na tugon ni kuya.

"Nangako tayo sa isa't-isa diba na..tatapos muna natin ang pag-aaral tapos mag-iipon tayo,tapos..."hindi naituloy ni kuya ang sasabihin niya ng may nahulog na luha sa mga mata niya.

Shit!ngayon ko lang nakita na umiyak si kuya at babae pa ang dahilan.

"Pasensya na hindi ko matutupad ang pangakong yon"tugon ni ate habang pinupunasan niya ang mga luhang nag-uunahang mahulog galing sa mga mata niya.

Naawa na ako kay kuya kaya aayain ko na sana siyang umalis pero may dumating na lalaki.

"Babe!"tawag ng lalaki kay ate Stacey at lumapit siya sa pwesto ni ate.

Boyfriend siya ni ate?

"Ba-babe?anong ginagawa mo dito?"nauutal na tanong ni ate sa boyfriend niya.

Nagulat ako ng higitin ni kuya ang braso mula sa pagkakahawak ko at umalis.

"Ahh sige ate sundan ko lang"naiilang na tugon ko at kumaway kay ate,umalis na ako doon dahil baka iwan ako ni kuya.

Hinanap ko si kuya at nakita ko siyang nakahawak sa bubong ng kotse at nakatungo.Naguilty ako dahil kung hindi ko pinasundan si ate baka hindi siya nasasaktan ng ganito.

Walang Santiago na umiiyak  at lahat ng sinasabihan ng mga Santiago ng Mahal Kita ay pinaninindigan nila iyon.

Full package na nga eh kapag maging boyfriend nila si kuya.Gwapo,makinis ang kutis,maputi,matangkad,mabait pero medyo maloko,mayaman,may sariling bahay,may sariling sasakyan,may sariling negosyo oh asan kapa hahanap ng lalaking ganyan?Sa SANTIAGO VILLAGE madami don.

Madami kaming magpamilya at nakatira lang kami sa isang Village,puro mga Santiago nakatira doon na pagmamay-ari ni Tita Eliza at Tito Jexsep.

Binalik ko ang tingin kay kuya,nakatungo parin skya at nakasabunot ang isang kamay sa buhok.

"Kuya...sorry"nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Hayaan mo na yun...sumakay kana"walang emosyong tugon niya.

Sumunod nalang ako dahil walang saysay kapag tumayo pa ako rito.Pagkasakay ko sa kotse ay lumingon siya sa exit ng grocery store dahil nakita niyang tumatakbo si ate at palinga-linga.

Anyare?

Inistart ni kuya ang kotse at handa ng umalis ng hawakan ko ang braso niya pinipigilan siyang umalis.

"Bakit?"walang emosyong tanong niya.

"Sandali lang kuya"request ko sa kaniya,gusto ko kasi malaman kung sino ang ang hinahanap ni ate.

Nagulat ako ng maupo si ate doon sa may hagdan at humagulgol ng iyak.

Fuck!anong nangyari?

"Fuck!"dinig kong mura ni kuya.Napalingon ako sa kaniya ng marinig ko na binuksan niya ang pinto sa driver seat.Nagulat ako ng bumaba siya at tumakbo sa kinaruruonan ni ate Stacey.Hala!nagulat ako kasi sumunod palabas yung lalaki na tumawag kay ate na babe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now