Chapter 17: "The Past"

8 0 0
                                    


OLIVIA'S POV

"Mam, nandito na po yung papers galing sa private investigators." saad ng secretary ko at sabay lahad ng mga papel at litrato.

Pinaimbestigahan ko sila Alyanna at Carlo. Sila pala yung mga kaibigan ni Mikaela. May anak na naiwan si Mikaela, na si Micheal at nag aaral din sa eskwelahan ng anak ko. Napakaliit talaga ng mundo, bakit ngayon pa kung kailan maayos na ang takbo ng buhay ng pamilya ko ay ngayon ko pa nalaman. Hindi pwede malaman ito ni Airiesh at Alfredo.

"Mam may bisita po kayo si Thalia po, papasukin ko po ba?" tanong ng sekretarya ko.

"Sige papasukin mo." sagot ko.

"Oh ano ang kailangan mo?" bungad na tanong ko kay Thalia.

"Alam mo na ba kung ano ang ibig sabihin ng hula ko sayo?" mahinang saad ni Thalia na parang may kinakatakutang bagay.

"Ano ang pinagsasabi mo?" inis kong sagot kay Thalia.

"Hindi ba pinaimbestigahan mo si Mikaela? Ang babaeng sinumpa mo? Nakita mo di ba ang itsura nya.?" sunod sunod na tanong ni Thalia.

Napaisip bigla ako kung bakit naging ganito ang itsura ni Mikaela. Mukha syang patay na kahoy pati ang mga balat nya ay ganun din ang itsura. Pero noong nakita ko ito napaka ganda nya, noong pinuntahan ko sya sa Cavite. Nagiisip ako maigi kung paano nangyari sa kanya ang ganon.

"Iniisip mo pa? hindi mo na ba naaalala yung araw kung kailan na galit na galit ka?" pagpapaliwanag ni Thalia.

"Hindi ko sya kilala, wala akong ki-----," biglang napatigil ako ng pumasok sa isip ko ang ginawa kong pagsumpa sa puno. Naalala ko na yung punong nadoon sa cavite ung time na naaksidente ako. Galit na galit ako nung araw na yon dahil sa pambabae ni Alfredo.

"So naalala mo na.? pati ang batang babae ay nadamay din sa sumpa mo. Galit at poot ang nagpalakas sa itim na kapangyarihan nyon at sinamantala naman ng masamang bagay na yun. Kaya habang maaga Olivia ay bawiin mo na ang sumpa na yun, habang hindi ka pa nababago ng itim na kapangyarihan.

Nangangamba ako sa mga sinabi ni Thalia, dahil babaguhin daw ako ng itim na kapangyarihan daw.

"Mam may incoming call po kayo from school regarding for Airiesh". saad ng aking sekretarya.

"Ok sige thank you!", sagot ko.

"Good Morning Mrs. Castillo, secretay po ako ng principal dito DMIS, iniimbitahan po kayo ngayong hapon regarding po sa problem ng daughter nyo. Thank You." saad sa kabilang linya.

"Ok!" tipid na sagot ko.

AIRIESH'S POV

"Mr. Castillo, pinapatawag ka sa principal's office." sabi sa akin ng stundent council.

"Girl, pano yan? Nalaman na ata nila na ikaw ang nagplano sa nangyari nung saturday. Tiyak madadamay kami. " saad ni Vince

"Don't worry girl I can handle this. Ako pa ba?" mayabang na sagot ko kay Vince.

Nagpunta ako sa office, napatigil kasi ako dahil kinabahan ako, nawala yung tapang ko kanina. Pero dinedma ko lang yung kaba ko.

Bigla ako napatigil sa pinto ng makita ko si Mommy sa loob at nakaupo, naramdaman ata nila na nandito ako kaya lumingon sila sa akin.

"Have a sit Mr. Castillo". sabi ni principal.

"Mam, pinatawag ko po kayo dahil may reklamo po sa anak nyo sya po ang nagplano sa pang bubully kay Mr. Perez at nagkalat ng video. " paliwanag ni principal.

"Artificial Flower"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon