PROLOGUE

48 5 20
                                    


A/N: 

Hi! This is my first ever story (kung papalarin na matapos) lol, so please bear with me :>



"That's all." Awtomatikong nagising ang diwa ko ng marinig ko ang salitang iyan. Dali dali kong inayos ang gamit ko para makaalis na sa nakakaantok na meeting na ito. Tiningnan ko ang kasama ko at napairap na lang ako ng makitang ang himbing ng tulog nya sa tabi ko.


"Aray!" Sigaw nya matapos ko siyang sipain sa paa. Hindi ko na siya pinansin pa at hinanap na agad ng mga mata ko ang exit sa room na ito. Nagdire-diretso ako sa paglalakad pero tumigil din ng marinig ko ang sinabi niya.


"Teka naman hoy! May lakad ka ba ha?" Bakit parang siya pa ang galit?


Kinalma ko muna ang sarili ko at nagpakawala ng malakas na buntong hininga bago humarap sa kaniya.


"Nakalimutan mo na ba?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.


Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan sa calendars niya kung anong mayroon ngayong araw.


"Shit! I'm sorry!" Hindi siya makatingin sa akin ng ayos at parang naguilty siya kasi nakalimutan niya nga.


"It's okay, I know na we're both busy sa dami ng problema natin ngayon." Nginitian ko na lang siya. Naiintindihan ko naman siya. We have our own life now, hindi katulad ng dati. We are both clouded by our own problems kaya siguro nakalimutan nya nga. Pero I'm still thankful pa din kasi kahit anong pagsubok na ang napagdaanan namin, hindi niya ako hinayaang mag-isa. Na kahit inayawan na ako ng lahat, nanatili pa rin siya.


"Teka." Pigil niya sa akin nang akmang tatalikuran ko na siya.


"Oh?"


"Sabay na tayong pumunta."


"Sige, tara na." Bago pa man kami makalabas ay marami ng bumati sa amin.


"Good Afternoon Ma'm."


"Good Noon po Ms. Cha at Mrs. Cat."


I ignored them all at nagdire-diretso lang sa paglalakad. Samantalang itong kasama ko ay panay ngiti sa bawat bumabati sa amin.


"Hoy ang sungit mo ha, meron ka 'no?" Tanong na naman niya. Ang kulit kulit talaga neto.


Pumasok na kami't lahat sa elevator ay hindi pa rin siya tumitigil sa kakatanong sa akin. Sa halip na sagutin ni isa sa mga tanong niya ay binuksan ko na lang ang phone ko. Maraming messages and missed calls pero wala akong tiningnan. Wala naman kasing bago. Naalala ko na naman siya.


"Hoy Lemonade!" Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang elevator at nasa labas na itong kasama ko. Naramdaman ko rin na basa ang pisngi ko kaya pasimple ko itong pinunasan gamit ang aking kanang kamay.


"Ang ingay mo, tara na nga." Dinilaan niya lang ako at palihim na natatawa.


Dumiretso kami sa parking lot at binuksan ko na ang aking sasakyan pero nagulat ako ng kunin niya sa akin ang susi nito.


"Let me drive your car, Lemonade. Ayoko pang mamatay, madami pa akong pangarap sa buhay." Pang-aasar niya sa akin.


I just raised my middle finger on her at pumasok na sa shot gun seat.


"Gisingin mo na lang ako kapag nandun na tayo." I murmured and I just found myself in a deep sleep.


"Kung magkaroon tayo ng baby, anong gusto mong ipangalan?" I suddenly asked him.


"Hmm. If it is a baby girl, I think Fiorella will be the best name for her?"


Fiorella.




Chapter 1 will be posted next week :> Thank you for reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Undying WeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon