Ibinagsak ni Angelina ang katawan sa ibabaw ng kama, hapong hapo sya hindi nya malaman kung ano ang magiging desisyon nya sa araw na ito. uuwi ba ng Pilipinas o mananatili nalang dito sa America? Limang taon narin ang lumipas ng huli syang bumisita sa bayang sinilangan na kung nanaisin nya ay hindi na sana sya babalik, ayaw nyang balikan ang masamang alala na naiwan nya doon. Pero wala syang magagawa. Kailangan niyang umuwi para sa pamanang naiwan ng kanyang umaong mga magulang.
"Papa' mama" pahikbi nyang sambit. Tatlong taon na ang nakakalipas ng mamatay sa isang aksidente ang kanyang mga magulang. Car accident, bumangga ang sinasakyan ng mga ito sa isang malaking puno na sanhi ng pagkakabagok ng ulo at di nagkamalay pa, na kung tutuusin ay kasama sana sya sa aksidente dahil family field trip nila yon. pero dahil masakit na masakit ang kanyang ulo at tila ay tatrangkasuhin sya ay hindi na sya pinilit ng mga magulang na isama pa. Sa di malamang dahilan ay sinisisi nya ang kanyang sarili dahil wala manlang syang nagawa para mailigtas ang mga ito.
Nag iisang anak sya ng mag asawang Montenegro. Ang kanyang mga magulang ang nag mamayari ng malaking piggery sa kanilang bayan sa Nueve Ecija at ang kanyang ina ay isang tanyag na modelo,
half american sya ang nanay nya ay isang americana
sa mama nya nakuha ang magandang buhok na itim na itim kakulay ng isang gabi, mapungay ang mga mata at matangos ang ilong may katangkaran 5'6 sa edad na 21
Makinis ang balat na akala mo hindi nasayarang kahit na anong insekto
BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryAngelina and Brad short story Ps: Kinuha ko lang po ang name nila pero malayonsa totoong kwento