"Crush"

5 0 0
                                    

Matang nawawala 'pag nakangiti,
Sa maamong mukha napapangisi,
Ang masamang araw ay bumubuti,
'Pag nakita 'kang masaya palagi.

Natuwa nang ikaw ay napanaginipan,
Paggising pinatay agad ang alarma ng orasan,
Nagmamadaling pumasok sa paaralan,
Sa kadahilanang mukha mo na naman ang aking masisilayan.

Habang nagbibiyahe kasama ang haring araw,
Iniisip ko kung paano ang puso mo mapupukaw,
Ngunit sumingit ang pangyayaring pinaka-ayaw,
Ang matanggihan at hanggang tanaw.

Sulyap, tingin, silip,
Ang wangis mo na bumabakas sa aking isip,
Tila ang simoy ng hangin ay tumitigil sa pag-ihip,
Pagkat tanging ikaw lang at wala nang hihigit.

Pagmamahal ay matibay, walang titibag,
Rosas, harana, at totong pag-ibig ang maiaambag,
Dahil ang pakiramdam sayo'y panatag,
Sapagkat ang puso ay sayo lang kakalampag.

Kaya't aking sinta,
Sana'y pintig ng aking puso ay madinig mo na,
Hindi ko hinihinging mahalin ako pabalik pero sana,
Sana maging malapit tayo sa isa't isa.

~Keott_kulotzkieee✒️💌🦋

So eto na nga yung pangatlo so guys nung binabasa niyo ba yan? Naalala niyo si crush? Ayieeee awit ahahaha. Comment and vote pa rin guysue.

© All rights reserved 2020

Crush  [POEM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon