CHAPTER19♡

0 0 0
                                    

Calistine POV:

"Goodmorning Tin"bati ni Yassi ng makarating

"Morning" bati ko

"Wala pa si Rose at Rain?"

"Wala pa"sabi ko "tinawagan mo si Luhan kanina?"halatang nagulat siya

"Ahh yeahh pero wag kang mag selos may tinanong lang ako sakanya"

"Ano naman yun?"nakataas ang kilay ko

"Ehh kasi"nahihiya niya ako tinignan
"Wag mo tong sasabihin sa dalawa dahil aasarin nila ako"

"Sabihin muna"atat kong sabi

"MaycrushakokayLiam" mabilis niyang sabi pero naintindihan ko naman atsaka ngumisi "hoy wag mo akong asarin kaya ayaw kong sabihin ehh"parang bata niyang sabi

"Alam ba ni Liam yan?"

"Hindi"

"Umamin kana gusto karin naman nung tao"

"Saka na" atsaka sinenyasan niya akong manahimik dahil paparating na yung dalawa

"Heyoww good morning"masiglang sabi ni Rose na may hawak na burger

"Goodmorning"bati ni Rain

"Morning"bati ko

"Goodmorning"

"Yassi nag review kaba?"

"Bakit? Kokopya ka Rose?"

"Hindi ahh,nag review kaya ako"taas nooong sabi ni Rose

"Tin nag review ka?"tinignan ko si Rose atsaka tumango

"Pusta ako perfect yan"nang aasar na tinig ni Yassi

"Bakit?" Takang tanong ni Rain

"Basta perfect yan"inirapan kuna lang siya
Nakita naming pumasok si Pinangkyutan

"Good morning"mataray nanaman ang mukha

"Goodmorning"bati nila maliban samin apat

"Oh Morgos may maisasagot kana ba sa quiz ko?"mataray niyang sabi kay Rose

"Meron ma'am"taas noo niyang sabi atsaka siya bumaling saken

"Ikaw maipapasa muba ang quiz ko?"mataray niyang sabi tinignan kulang siya ng blangko

"Ilan ba gusto mong score ko?"maangas kong sabi

"Perfect pero mukhang hindi mo naman yun makakaya"nangiisulto niyang sabi

"Well tignan natin"

"Tandaan mo Calistine hindi kana pwedeng palampasin kinausap na kami ng mommy mo na ibagsak ka kung bagsak ka"

"Magsimula kana mauubusan tayo ng oras sa kadal dalan mo"sumama naman ang mukha niya atsaka umirap

"Ok lets start kumuha kayo ng one whole"kumuha ako at hinintay na ang tanong

Pinass ko ang papel ko kay Sheila

"Ako mag che-cheack dito bukas niyo makukuha goodbye"mataray niyang sabi at umalis

"Tangina dumugo ang utak ko"

"Para ka namang may na answer dun Yassi"pang iinis sakanya ni Rain

"Tumahimik ka Ulan may laman to hindi sayo puro hangin"sagot naman sakanya ni Yassi nag simula nanaman sila ako naman ay pumikit may second subject pa kami bago ko makita si Luhan gusto  kuna makita si Luhan

"Hoyyy mas mataas ang grades ko sayo"sigaw ni Rain

"Tumahimik nga kayo"awat sakanila ni Rose tumahimik naman sila

The Bad Girl Inl♡veWhere stories live. Discover now