Kabanata 31

91 15 0
                                    

"Kapal ng mukha niya," inis kong singhal.

Kasama ko sa isang sofa naupo si Thea at nasa kabila mag-isa si Hannan. Ewan ko kung bakit sila nandito at sobra kaaga pa kung may iniisip na naman ang mga itong gumala.

"Bakit inis ka? Eh diba sabi mo nasa sa'yo ang huling salita?" si Thea.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari noong huling pag-uusap namin ni Kevin.

"Oo nga pero nakakainis," pagpapatuloy ko.

"Bakit naman sobrang affected ka? May feelings ka ba sa kan'ya?" tanong ni Hannan.

"Wala," agap ko at sinamaan pa ang tingin sa kaibigan.

"Eh bakit sobrang epektado ka? Ibig sabihin niyan meron pa. O baka naman nagseselos ka kasi sa paraang pagkakasabi niya eh hindi lang ikaw ang babaeng dinadate niya," she continued.

"Excuse me? That wasn't a date. And I'm not jealous!"

She rolled her eyes and shrugged. As if she doesn't believe me.

"Stop being so paranoid. Nagmumukha tuloy na may feelings ka," si Thea at tumayo sa pagkakaupo sa sofa.

"Kahit meron naman," dugtong ni Hannan saka tumawa.

Sinamaan ko ito ng tingin pero agad ding tumayo katulad ni Thea at sinalubong ang anak kong kakalabas lang galing sa loob.

"Good morning, Dion," Thea greeted and carried him. "Ako na muna, Hana. Minsan lang kami magkita ni Dion eh." dagdag niya pa ng subukan ni Hannan na lumapit.

Weekend ngayon kaya siguro'y plano ng dalawa na ipasyal ito. Mga walang hiya, wala man lang paalam sa may gawa.

"Stop arguing guys. Why don't you make your own?" sabi ko at lumapit sa kanila.

Kunot noo lang nakamasid si Dion na nasa bisig ni Thea at buhat siya. Kakagising lang nito at alam kong wala ito sa mood.

"Tanungin ko muna si Adrian. Gusto ko kambal tapos iregalo ko na lang 'yung isa kay Thea, wawa naman eh. La jowa," humalakhak si Hannan kaya inis na tinapunan ni Thea ng masamang tingin.

"Umalis ka sa harapan ko, Harriel! Pasmado," inis na sabi ni Thea.

Ngumisi lang si Hannan bago lumayo. Bumalik siya sa sofa at pinwesto ang cam nito sa coffee table. Umiling na lang ako at nilingon si Dion na buhat buhat ni Thea.

"Akin na muna, Thea. Hindi pa naliligo 'yan," sabi ko at sinubukang kunin kay Thea ang anak.

"Ang bango bango niya, Eunice. Maya na lang," inamoy amoy ni Thea ang anak ko at kunot noo lang umiiwas si Dion.

"Thea, mamimili pa ako ng school supplies niya. Akin na at paliliguan ko pa."

I enrolled him yesterday together with Grazelda. Nasa private school sila at kadalasan naman, online. Tatlong araw ang klase nila and then the rest is online na.

Mabuti narin 'yun at para hindi naman masyadong maexpose sa labas ang anak ko.

"Tita Thea, I wanna go shower first," Dion still in a sleepy voice towards my friend.

"Okay, Dion. Later then," nilapag ni Thea ang anak ko bago tumingin sa'kin. "Lalaking maarte 'yang anak mo."

Napatingin ako kay Dion na nakayakap na sa binti ko. Binuhat ko 'yun at inayos ang magulong buhok.

"Kasalanan naman ni Hannan kung bakit maarte 'to," sagot ko.

"Hala. Anong backstab ginagawa niyo sa'kin?" si Hannan sa malayo at rinig yata ang sinabi ko. "Hala guys oh! Binabackstab ako ng mga kaibigan ko."

Chasing the Hurricane (GSC SERIES #1) EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon