"Kalalaki mong tao iyakin ka?" Napayuko ako ng sabihin sakin ng isang matangkad na lalaki iyon. Kilala ko siya, Siya yung captain leader ng basketball. Sikat siya sa school pero mas sikat ako sa kanya dahil sa kayamanan at kayabangan ng pamilya ko na ikinakahiya ko dahil sa sobrang angat ng tingin nila sa sarili nila ay nakalimutan na nila ang bawat tao ay may puso.
"Tumayo ka diyan, lumaban ka! Oh ano? Ano? Wala ka pala eh, Bakla! Lampa!" Tinulak tulak pa ako nung captain ng basketball pero natigilan siya nung tumama ang bola na matigas sa panga niya.
"Aray ko puta! Sino nag bato?!"
Sigaw niya."Ako baket? Papalag ka? Sabihin mo lang" Dahan dahan ko inangat ang paningin ko sa isang babae na nakasuot ng jersey na panglalaki at nakapameywang sa harapan nung lalaki na binubully ako kanina.
"Ikaw pala Kianna, ang sakit nung bato mo ah"
"Gago! Umalis ka diyan" tinulak niya yung matangkad na lalaki at dumiretso sa pwesto ko.
"Tayo ka diyan" utos niya na agad kong sinunod. Pinagpagan ko pa ang uniform kong nagusot panigurado pagagalitan nanaman ako ni mommy mamaya dahil sa uniform kong marungis.
"Pumasok ka na sa room niyo" kinuha ko ang bag ko saka tumakbo papasok ng building kung saan naroon ang room ko.
Napabuntong hininga na lang ako nung makitang nagsisimula na ang klase ni mrs. Raga. Umupo na lang ako sa gilid at gamit ang panyo ko na bench ay pinunasan ang mga lupang nadikit sa balat ko. May bago nanaman pala akong sugat siguro nakuha ko ito nung tinulak ako nung lalaki.
Naglalakad lang kasi ako kanina sa court at gumulong sakin yung bola pinapakuha sakin nung captain pero tinitigan ko lang ito kaya napikon sakin yung captain. Turo kasi sakin ni mommy, hindi daw dapat ako ang inuutusan dapat ako daw ang nag uutos.
Hindi ako ganung tao kaya nagdalawang isip ako kung susundin ko ba o hindi, baka kasi makarating kay mommy na inuutusan lang ako at pati na din iyong binubully ako, maaaring isarado ang buong university pagnagkataon na malaman niya.
"Oy Briones!" Tiningala ko ang estudyanteng tumawag sa pangalan ko.
"Bakit?" Mahinhin kong tawag.
"Binully ka nanaman ba nila?" Siya si kerl, isa sa mga kaklase ko palagi niya akong tinatanong kapag sa tuwing nakikita niyang madumi ang uniporme ko.
Tumango ako at pinunasan ulit ang braso ko.
"Halika! May extra uniform ako sa locker ko sayo na lang"
"Ha? H-huwag na, nakakahiya naman"
"Huwag ka na mahiya, Papagalitan ka ng mommy mo kapag nakita ka niyang madumi ang uniform mo"
Tumayo ako para sumunod sa kanya patungong locker.
"Anong ginagawa mo sa labas?"
Tanong niya sakin habang kinukuha ang uniform. Nakakainggit ang tangkad niya sana ganun din ako katangkad."Late na kasi ako"
"Pwede ka naman pumasok sa loob kahit late ka"
"Ayoko, mapapahiya lang ako"
Binigay niya sakin ang uniform saka sinamahan sa cr.
"Alam mo, Pwede tayo maging kaibigan Kung gugustuhin mo"
"Actually, gusto ko magkaroon ng kaibigan pero sa tuwing iisipin ko na yung sinasabi ng mommy ko natatakot ako"
"Mommy's boy" aniya saka ako tinawanan.
"Huwag mo kasi isipin ang mga sinasabi ng mommy mo, minsan kailangan mo lumabag para sa ikasasaya mo"
Lumabas ako ng cubicle saka siya hinarap.
"Paano mo masasabi na masunurin kang anak kung lalabag ka?" Inosente kong tanong. Ngayon lang ako nakarinig ng ganung kasabihan na kailangan pang lumabag para lang sumaya.
Tumawa ulit siya saka ako inakbayan papalabas ng cr.
"nakakatawa ka din minsan noh? Alam mo pare, hindi lahat ng anak kailangan maging masunurin sa lahat ng utos ng magulang para lang masabing mabuti ka, Kailangan mo din mag lihim sa kanila para maging masaya ka"
Isang linggo na palaisipan ko ang sinabing iyon ni Kerl, Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya na sila Denver, Miguel, At iba pa. Grabe ang pagkamangha ko nung makilala ang anak ng nagmamay ari ng Hillton University na si Ace Renz, Hindi naman siya snob sadyang pinipili niya lang ang kinakausap niya.
Masaya naman ang naging samahan namin sa isang linggo na iyon pero hindi pa din nawawala sakin ang pangambang baka malaman ng mommy ko ito at palayuin ako sa kanila. Hindi pa man nangyayari ay tumututol na ang kaisipan ko sa bagay na iyon. Ayoko nang mahiwalay pa sa mga naituturing ko ng kaibigan dahil unti unti ko ng nararanasan kung paano sumaya.
"How's your school, Adam Vaughn?" Istriktong tanong ni mommy. Habang kumakain kami ng gabihan namin sa isang mamahaling restaurant.
"It's good, mom"
"Do you have any friends?"
Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kila kerl o hindi. Sa huli ay pinili ko ang panghuli na sagot. Mas magandang ilihim ko na lang ito kaysa naman mawala sakin ang mga tinuturing kong kaibigan.
"No, I don't have" pinigilan ko mautal baka kasi mahuli niya ako magaling pa man din siya kumilatis.
"Good, Because Friends can break your trust, And they only befriending you because you have money"
Yumuko na lang ako at inalis sa isipan ko ang salitang binibintang ni mommy. Kahit isang linggo pa lang ang pagsasamahan namin nila kerl alam kong hindi sila ganung tao. Naa amaze pa nga ako sa kanila dahil kung titignan ay mas sila pa ang mayaman kaysa sakin. Kase nagbabaon na sila ng pera sa edad na trese samantalang sakin, Binabaunan pa din ako ng lunchbox hanggang ngayon.
Pero hindi nila ako hinusgahan sa totoo nga ay nag she share kami ng mga baon.
"Malapit na ang 1st exam niyo dapat nag re review ka dahil kailangan maging Rank 1 ka, Hindi ka pwede bumaba sa Number 1 dahil nakakahiya"
Huling sabi ni mommy bago ako iwanan sa kuwarto ko. Napabuntong ako at tinitigan ang libro ng mga module namin na dapat kong basahin para ma perfect ang mga scores. Nakakasakal ang ganitong klase ng buhay mas pipiliin ko na lang maging kapos palad kaysa sa kinokontrol ang bawat kilos mo saan mang anggulo. Dinaig pa ng martial law ang mga batas ng sarili kong ina.
Hi? Handa na ba kayo tuklasin ang kwento ng mga magulang ni Kiesha Leigh? This is a short story and advance sorry dahil male late palagi ang update nito but stay tune! I hope I can finish this story ngayong year!
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Short StoryBrotherhood series #1 He was born to become heir of Briones Family. So he has to be a Better son. Everything He does it will depends on his parent's order. He has no Freedom. He looks like prisoner in jail because of his parent's harshness. But One...