ANGELA'S POV
"GOOD MORNING MONDAY!!!!!" bati ko ngayong umaga sa napakagandang sikat ng araw at tunay namang nakaka-excite dahil first day of school namin.
Hindi ko hahayaan na may maka sira ng araw ko. Hangga't maaari, stay positive lang tayo. This is my first day of school and it should be perfect.
Well wag nyoko i-judge alam kong nobody is perfect pero kanyang kanyang trip lang yan HAHA.
Oh, I forgot. Ako nga pala si Angela Samantha dela Cruz. Yan ang full name ko ^_^
And welcome to my life!!!
TIME CHECK, 5:30 ng umaga.
Malapit lang din kasi yung bago kong nilipatan na school sa bahay namin. Pati may sasakyan naman ako kaya mas madaling pumunta ng school ng walang kahirap hirap. Hindi rin naman ako mabagal kumilos kaya ganitong tipo ng bangon ay saktuhan lang para sakin.
Ngayon ang first day namin sa University of Batangas at mas pinili kong dito pumasok ngayong Senior High School dahil sa iisa lamang dahilan.
Sanay ako sa pinasukan kong public school noong Junior High School. Pero kahit kailan hindi ko naipakita sa karamihan kung ano ang kaya kong gawin. Kung ano ang kaya kong ipakita sa nakakarami.
Noong mga panahong andon lang sya naggawa ko ang lahat....
Dahil siguro hindi ko na ulit kayang makipag sabayan sa ibang tao. Eto kasi ako, mataba, maitim at di nakikitaan ng ganda sa sarili. Hindi katulad ng iba kahit wala silang ayos sa mukha, kaya nilang ipagmalaki ang sarili nila.
at dahil siguro sa hindi ko maikwentong pangyayari
Hindi naman kasi ako katulad ng nakakarami na ang daling maipakita sa iba kung ano ang kaya nilang gawin, kumbaga kulang ako sa SELF-CONFIDENCE. Siguro nung umulan ng pagkakaroon ng self-confidence, tulog na tulog ako. AHHHH E BASTA HINDI AKO GANON E ANO BANG MAGAGGAWA KO??!
Isang tao lang ang naaalala kong kaya kong pakitaan kung ano talaga ako.
Iisang tao ang kayang makapag paggawa sakin ang lahat nang iyon. Pero wala na sya, pinaka ayoko ay yung nauungkat ang nakaraan lalo na yung tungkol sa kanya, sya ang kahinaan ko.
Sooo, eto na humarap ako sa salamin ng kwarto ko. Hilig kong mag suklay ng buhok bago ako dumeretsyo sa cr at lumigo. Wala lang, nakasanayan ko na lang din siguro. Ayoko kasing nakikita yung itsura ko sa salimin na parang bruha na hindi mo maintindihan.
Pumasok na ako sa loob ng cr na nasa loob din ng kwarto ko at naligo.
*pagkatapos maligo*
Nag bihis ako ng mabilis at alam kong hinihintay na ako sa baba ng mga magulang ko.
Pagbaba ko ng hagdan agad akong pumunta sa may refrigerator namin at uminom ng tubig bago ako pumunta kay Mommy na abala sa paghahanda ng pagkain katulong si Yaya Maria at si Daddy naman ay abala sa pagbabasa ng dyaryo.
"Hi Mom, Good morning." nakangiting bati ko sa kanya.
"How's your sleep baby girl?" habang abalang abala parin sa pag tulong kay Yaya si Mom.
"Mom?! Hindi na ako bata para tawagin nyong baby!" naiinis na tugon ko sa kanya.
Hay nako Mom!
Sya yung Mom ko, si Mommy Camille. Sobrang sweet nyang tao at napakamapagbigay. Hindi ko pa pala nabanggit sa inyo, isa syang Doctora sa ibang bansa, at tuwang tuwa naman akong andito sila sa first day of school ko. Para kahit papaano ay may dahilan ako para magkaroon ng gana sa pagpasok.

YOU ARE READING
UNEXPECTED
RandomPaano kung ang taong matagal mo na palang hinahanap ay andyan lang pala? Ang unang pag mamahal na walang pumantay sa kahit kanino man. Taong kailanman ay hindi pinaramdam sa akin ang kalungkutan. Taong kahit kailan ay walang ginawa sa akin kundi ang...