PAUL'S POV
Hindi ko napansin na masyado na pala akong natutulala habang nag lalakad papuntang canteen. Hindi ko maiwasang hindi maisip si Bel lalo na't marami akong nakikita na mga couple na ang sasaya.
Eto yung pangarap namin ni Bel e, yung unti unting mabuo yung mga pangarap namin na mag kasama. Pero sa isang iglap, bigla na lang mag babago ang lahat.
WALA NAMAN TALAGA ANG MAY GUSTO SA NANGYARE E, PERO LAHAT KAMI APEKTADO.
"Tol! Ano na?!" sigaw sakin ni Louise habang ako naman, hindi ko napansin na napatigil ako at patuloy na tumitingin sa mga tao sa paligid ko.
"Ahh—oo! Tara na" palusot kong sagot sa kanya.
Nakakahiya!
Nakakahiya!
Nakakahiya!
Nakakahiya!
Hayyyy! Ano bang ginagawa mo Paul? Palagi ka na lang ganyan! Kailangan mong mag move on! Kailangan mong kalimutan para sa ganon ay hindi maapektuhan ang mga tao sa paligid mo!
Si Louise na lang palagi ang nakakahuli sayo! Hindi ka ba nahihiya sa tao ha? Kung sya nga nakaka move on na kahit papaano, hanggang ngayon ba ikaw hindi parin?!
Hindi ko napansin na nasa canteen na kami ngayon and sobrang dami ng tao dito. Halos lahat din ng mga students andito. Siguro nga dahil sobrang daming tao sa gym kaya dito na lang sila nag stay.
"Kakain ba kayo? Baka naman pwede kang manlibre dyan!" tanong ko kay Jenon habang nag mamasid masid sa paligid.
"Bakit ako? Ang yaman yaman mo!" pagdedepensya nya sa sinabi ko.
"Tumigil ka nga, ikaw nga may ari ng lupa na tinatapakan natin, sasabihin mo ako ang mayaman? Wake up bro! Kahit kelan talaga ang kuripot mo! HAHA" pagbibiro ko sa kanya.
Kilala sina Jenon sa isa sa pinaka mayamang tao dito sa Batangas. Buti na lang tropa ko yan, kung hindi baka nasumbi ko na yan e! HAHA
"At sakin ka pa talaga nag palibre ah? Sakin talaga" pag mamayabang naman nya sakin.
"Eh bakit, sino pa ba ha? Etong si Louise?" tumingin ako kay Louise na patuloy namang ang paglingon lingon sa mga taong katabi namin.
Sigurado nag hahanap to ng chix HAHA!
"Hoy! Ano? May nahanap ka na ba? Tol dimo na kailangan maghanap ng babae, dahil sa sobrang lakas ng hangin—este ng dating mo ay sila na ang maghahabol sayo!" panggagalaw ko sa kanya HAHA!
LOUISE'S POV
Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit sakin na lang mainit ang ulo! E sa gusto kong maghanap ng babae e! Bakit ba diba ang ganda kung first day of school, may mattrip na kaagad.
Well, it's me. Kadalasan sa mga babae, pinagttripan ko lang HAHA. Siguro mas maganda yung kung sino yung babaeng mag sstay sakin for long time, baka sya na. Hindi ko pa nakikita katapat ko e.
Ilang babae na rin yung naging girlfriend ko pero ni isa sa kanila, hindi man lang nagtagal sakin. Baka hindi nila nakikita yung tunay na halaga ko. Or baka hindi pa talaga sila ang para sakin.
Naniniwala ako na kahit na nasasaktan ka o nahihirapan, at kahit hindi mo sya nakikita. Kung mahal ka may sstay yan sayo.

YOU ARE READING
UNEXPECTED
De TodoPaano kung ang taong matagal mo na palang hinahanap ay andyan lang pala? Ang unang pag mamahal na walang pumantay sa kahit kanino man. Taong kailanman ay hindi pinaramdam sa akin ang kalungkutan. Taong kahit kailan ay walang ginawa sa akin kundi ang...