May naririnig akong yapak ng paa palapit sa akin kung hindi ako nagkakamali si momma siguro to.
"Anak gising na mag tatanghali na, kakain na ikaw ng almusal." sabi ni momma.
hindi talaga ako nagkamali, si momma talaga yung parating dahil wala namang ibang papasok sa kwarto ko dahil wala akong mga kaibigan at dalawa lang kami ng nanay ko rito.
"Mooooommaa, inaantok pa po ako eh" humihikab pa ko. "pwede po bang mamaya na ho?" dugtong ko.
" hindi pwede! diba sabi mo kagabi marami kang gagawin ngayon?!tapos magtatanghali na!hindi ka parin ba babangon?!" malakas na sigaw ni momma.
napabalikwas naman ako kaagad dahil sa sigaw ni momma, ay di ko pa nakwekwento sa inyo na ang bunganga ni nanay ay malakas pa kaysa sa mikropono.
"ito na nga po ma, babangon na hinintay ko lang ho talaga ang sigaw nyo." patawa kong sabi. "hindi gaganda ang araw ko kung hindi ko naririnig ang sigaw nyo sa umaga." mahina kong bulong.
"may sinasabi ka ba?" humarap ulit si momma.
"Ho? wala naman akong sinasabi ah." seryoso kong sabi kay momma para hindi mapaghalataan.HAHAHAHAHA
grabe halos araw-araw ganyan ang sinasabi ni momma kapag weekends hindi ko naman sya sinasabihan na may gagawin. hindi ko nalang pinapansin. ewan ko ba jan kay momma may problema ata.
Ang sarap talaga ng mga luto ni momma kaya hindi talaga ako magsasawa sa ulam namin kahit araw-arawin pa namin. alam nyo anong ulam namin? sardinas na may itlog! hmm sarap kaya neto gusto nyo ba? padalhan ko kayo.
habang kumakain ako si momma naman ay naglalaba sa mga damit ko at sa kanya syempre.
parang may kakaiba kay nanay parang ang tamlay nya kase kumilos. kaya pinuntahan ko sya.
"Momma, magpahinga ka nalang ma. ako nalang ho magtatapos nito parang araw-araw na kase kayo naglalaba." sabi ko sabay kuha sa mga damit.
"okay lang nak, kailangan ko kasi maglaba araw-araw para may pera. ano nalang ang kakainin natin." kinuha naman ni momma ang mga damit sa mga kamay ko.
"ha? sorry ma kung nahihirapan kana. promise ho tutulong po ako. maghahanap ako ng trabaho kahit highschool lang ang natapos ko." sabi ko sabay lapit kay momma at niyakap.
nasaan kaya si kuya?
"nga pala ma, asan si kuya?" tanong ko kay nanay.
humarap naman si momma na may pilit na ngiti. "ewan ko ba dun baka naghahanap rin ng trabaho."
ganun na ba kami kahirap?
napaisip naman ako kaya pala araw-araw naglalaba si nanay. akala ko pa naman sa amin lang lahat yung nilalaba ni nanay.
"aaaahhh!!! a-aang s-sakit!" nagulat ako ng sumigaw ni momma. kaya dali-dali akong pumunta sa may CR namin at nakita ko si..
"M-MOOMA! anong nangyayari sa inyo! naririnig nyo pa po ba ako? NAY! gising naman ho kayo" naiiyak ko nang sabi o sigaw na ba yun.
hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. natataranta na ako dito. tama hihingi ng tulong!
"tulong!tulong!tulong!" paulit-ulit kong sigaw para may makatulong sakin.
hindi na ako naninibago kung bakit walang tumulong sa amin dahil lahat ng mga tao rito sa amin ay hindi kami gusto.
hanggang sa may dumating na tricycle mahigpit kong yakap si nanay at pinara ko ang tricycle kaya tinulungan ako ni manong driver.
pero hindi ko alam kung saang hospital ko dadalhin si nanay. eh kasi naman ang mamahal kaya nang mga bill ng mga hospital rito. ah bahala na hahanap nalang akong pambayad dun ang importante maayos ang kalagayan ni momma.
"Manong, dalhin nyo po kami sa pinakamurang hospital sa bayan natin." sabi ko kay manong.
"sige po." maikling sagot ni manong driver.
ano kaya ang nangyari kay momma bakit sya nahimatay at makakaya naman siguro ni nanay ang nararamdaman niyang sakit.
huwag naman sana maging masyado ang sakit ni momma naghihirap pa kami, walang mag-aalaga sakin..huhuhuhuhu
"Lord, sana hindi maging seryoso ang sakit ni momma. dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ayaw ko pa hong mahiwalay sa kaniya, gabayan nyo po sana sya." mahinang dasal ko.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Encounter
RomanceMay ari sya ng isang lugar, Ako wala Mayaman siya at marangya, Ako pulubi Matangkad,Gwapo at Mestizo nasa kanya na ang lahat... Ngunit isa lang ang wala siya.. MAID dahil walang tumatagal sa kanyang tabi dahil sa kasungitan at kayabangan, you FIRED...