III.LIST

13 8 0
                                    

It's been a week.
At ito kami ngayon abala,dahil sa gaganaping outing ngayong araw.My little sisters told me na,ito daw yata yung pa'welcome nila sakin,but I know hindi.
Bakit naman nila ako iwewelcome?
Alam ko naman ang okasyon ehh,kung bakit nagpakatay ng kambing at kung bakit busy kaming lahat ngayon.
It's My Tito Paul and Tita Eliza's Wedding Anniversary,nagkataon lang na kakauwi ko lang din kaya siguro sinabi nila na pawelcome to sa akin.

Siya ang taga luto ng lahat ng putahe ,out of the chevon.

He's really good at cooking.

I admit it.
Masarap naman talaga siya magluto,lalo na pag ulam.Kaya nga noon tinatawag silang dalawa ni Mama na best duo,pagdating sa pagluluto,siya sa ulam ,si Mama naman sa desserts at kakanin.Pero noon iyon.That was a sweet mem'ry of the past.

Hays.

Kung tinatanong niyo kung anong papel ko dito,eh, taga hiwa lang ako ng mga rekado,kahit na marunong akong magluto ehh,ayoko naman makisali sa kanila,kaya tama na sakin ang maghiwa ng sibuyas,bawang,luya at kamatis.

Kanina pang madaling araw sila nagluluto kaya maaga din natapos.
Around 8 AM ay luto na lahat at ready na para sa outing.Ang iba nga ay nauna na sa dagat para makapagpareserve ng cottage na magkakasya saming lahat.

Ang totoo ay wala ako ngayon sa hulog.Wala ako sa mood.Kung pwede lang sana na hindi sumama ay gagawin ko,pero hindi pwede,family outing ito.Angkan ng Estrella ang makakasama ko,the family circle.Kaya hindi ako pwedeng mawala lalo pa't alam na ng lahat na nakauwi na ako,I'm sure they are looking forward to see me and to interrogate me of course.

As for him,hindi pa talaga kami nakakapag usap ng masinsinan.I don't even know kung alam niya ba ang dahilan ng biglaang pag uwi ko.Hindi ko naman kasi sinabi sakaya ang detalye,I just told him I'm going home and he agreed.

Minutes after ay nag byahe na kami papunta sa kung nasaan ang dagat.
Miss ko na ang dagat kaya naman,naexcite na ako.I can't wait too see and hear the waves.I love the ocean/sea but at the same time I am also scared of it.The fact that I don't know how to swim is an enough reason,kung bakit ako takot sa dagat.

We only took 10 minutes,para makarating sa dagat.Andoon na ang lahat at kami na lang ang hinihintay.Parang nagkaroon tuloy kami ng Grand Entrance.

Great!Just great!

Halos kumpleto kaming lahat,maliban kay Mama,sa isa kong kapatid na babae,si Ante Bea,at Ante Wendy na kapwang nasa ibang bansa,at ang mga pinsan ko na pawang nasa Bicol.

I feel odd.
Feels like I don't belong here.
Pakiramdam ko ay isinisiksik ko ng sarili ko sa pamilyang ito.

Why do I feel this way?

We prayed first before having our meal.Of course,magdadasal muna talaga,knowing them and their religion.At kahit naman hindi nila kareligion ehh,prayer is a must hindi ba?

Ang daming pagkain.I took some pictures of it and I send it to Mama,with the caption: "Wish you're here,Ma.Imy:'(".

Pag ganito talagang may okasyon at sila ang kasama ay na-a-out of place ako.Hindi kasi ako makarelate sa mga pinag uusapan nila.Magsasalita at sasagot lang ako if they asks me questions that I am capable to answer,other than that ay tahimik na ako.

After eating ay nagpaalam ako sakanila na maglalakad lakad muna ako.

I miss the waves,and the vibes it gives me.

Tinawag ko ang mga kapatid ko,and we took selfies and groupies with the ocean on our background,tsaka ko iyon sinend kay Mama,para naman mafeel niya 'yung presence ng tatlong makukulit na prinsesa.

We build sand castle,then suddenly our youngest princess asks question.

"Ate,hain hi Mama?Diri hiya mauli?"
I froze for a moment.
How will I answer such question from an innocent kid?

(TRANSLATION:" Ate,nasaan si Mama?Hindi ba siya uuwi?")

I motioned my hand,kaya naman lumapit siya sa akin.

"Bakit,Baby?Miss mo na si Mama?"

"Opo,maiha ko na hiya waray hikit'i.Makanhi hiya?"

Her questions saddens me.

(TRANSLATION:" Opo,matagal ko na siyang hindi nakikita ehh,pupunta ba siya dito?")

I hugged her.Muntik na nga ako maiyak kung hindi ko lang narinig ang mga salitang binitawan ng isa ko pang kapatid.

"Ayaw na pagpinamilinga it waray dinhi,iya ngan kita gin bayaan.Asya diri na ito hiya mabalik!" sigaw niya.
(TRANSLATION:"Huwag mo ng hanapin ang wala rito,iniwan nga tayo eh,kaya hindi na iyon babalik!")

My blood boil because of that.Paano niya iyon nasabi?Ang bata pa niya to know things.Ganito ba ang sinasabi niya sa mga kapatid ko?

Agad ko siya nilapitan at hinawakan sa balikat.I want to clear things up,dahil sa mga sinabi niya ay lumalabas na ang sama ni Mama.
Oo,totoong nangiwan si Mama,pero she has her own reasons,na kahit anong gawin kong paliwanag sa kanila ay hindi pa nila maiintindihan.

I hugged the three of them.

"Ito ang tatandaan niyo ha,mahal na mahal kayo ni Mama.May rason kung bakit wala siya dito ngayon.You'll know it when the right time comes" I said to them while looking at their eyes intently.

Natapos ang araw na puno ako ng lungkot samantalang sila ay napuno ng kasiyahan at kagalakan dahil sa okasyong naganap.

Pagkauwi sa bahay ay bagsak na agad sila.Pati na siya,dahil ilang bote rin ng beer ang naubos nila doon.Kaya naman ako na ang nagligpit ng mga ginamit namin kanina sa dagat,mula sa mga utensils,kaldero ,tupperwares at sa mga basang damit,ay inayos ko,para bukas ehh,maayos naman tingnan ang bahay at para walang masabi sakin.

Pagkatapps kung hugasan ang mga plato't mga baonan ay saka ko inasikaso ang sarili ko.
Nag half bath ako dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko.After that ay ginawa ko na ang aking evening skin care ritual.Hindi ako maganda but I do care sa pagmumukha ko.Pagkatapos ko nun eh,humiga na ako.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi parin ako inaantok.

Dear Insomia,
Please let me rest.

Kinuha ko na muna ang cp ko saka ako nag log in sa IG ko.Napansin ko kaagad ang notification bar ko.

Someone followed me a week ago.

Hmmmmmm.

And to my surprise,it was him.

Pero teka!Hindi niya naman alam ang pangalan ko ahh?Kaya paano niya nalaman ang IG ko.
Teka nagka amnesia ba ako?Dahil hindi ko talaga matandaan na sinabi ko ng pangalan ko sakanya.

I stalk him.

45 posts.200 following.4,555 followers

Wow.Fame si Mr.Caramel.

After browsing his account ay maglolog out na sana ako ng biglang may nag pop out na message sa screen.

CyyyyRoooNn:hey,Sleepy doll:)

"What the fish...."I utter.

Bago pa ako makapagreply sa kanya ay nag log out na ako.

My hands are trembling.

Stalker ba iyon??
Creepy.

How did you find me,Mr. Caramel?

____________________________________________________________________

:)

LISTWhere stories live. Discover now