Kabanata II

44 0 3
                                    

Sinasakop ng pangyayari kanina ang isip ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa MPC Publishing House. Dapat nga, siya itong managot dahil siya ang nasa maling lane. Bakit ako ang nanghihilakbot ng ganito? May isang parte sa isip ko na nagsasabing sana ay hindi ko na kailanman makita ang lalaking iyon. Ngunit sa kasuluk-sulukan ng utak ko, na hindi ko alam kung saan nanggaling, siguro ay doon sa nabubulok na parte, ay nagsasabing pwede rin namang makita ko pa siya ng isa pang beses. Iyon ay dahil para masigawan siya sa ginawa niyang pananakot sayo at para masabi mo sa mukha niya na ikaw ang tama at mali siya! Napatango ako sa mabuti kong konsensya. Tama. Hindi sa lahat ng oras, tama ang mga mayayaman. Hindi naman nila kayang bilhin ang katotohanan.

Ipinarada ko ng maayos ang tow van kong medyo nayupi ang harap. Naku. Pang-ilang yupi na ba ito? Kung tao itong tow van ko, malamang patay na to sa dami ng bugbog. Buti na lang, sasakyan siya. Tiningala ko ang mataas na building ng MPC Publishing bago ko pinatay ang makina ni Towy, ang pangalan ng aking tow van. Wow! Sabay kaming namangha ng good conscience ko. Sumasalamin ang buong syudad sa all glass wall nito at isinisigaw ng napakalaking MPC logo ang karangyaan at katagumpayan na narating nito.

Lalo kang hindi matatanggap diyan, George. Bumulong bulong ang nakakairita kong bad conscience. Hindi ko ito pinansin at kinalas ko na ang seatbelt ko. Pag-baba ko ng sasakyan, lalo ko lang napagtanto kung gaano ako kaliit para sa kompanyang ito. Sa naabot kong 3rd year college, kaunting karanasan sa iba pang klase ng trabaho, at lalo pa sa itsura kong ito, luluhod ako sa tuktok ng Mount Everest kung matatanggap ako. Well, dahil ang matanggap ako ay napakaimposible. Kaya hindi din kami magkikita ng Mount Everest.

Pinagpag ko ang medyo nagusot kong damit pang-itaas at inunat unat ito. Sinuklay suklay ko ang magulo at napaliguan ng pawis na buhok. Bago ko hinila ng bahagya ang pencil cut skirt na suot ko na ipinahiram lang naman ni Ayah sa akin. Kinuskos ko ang takong ng pumps ko na may bahagyang taas. Kaaway ko ang ganitong klase ng damit. Nakakairita sa pakiramdam at hindi ako makakilos ng gusto ko. Kung hindi lang ako desperadong makahanap ng trabaho ngayong araw, e'di sana ay suot suot ko ang bestfriend kong jeans at t-shirt, pati na ang rubber shoes ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga ito sa pag-asang makakakuha ako ng sapat na lakas ng loob. Humakbang na ako at tuluyan ng pumasok. Nakikinita ang disiplina kung paano ako batiin ng mga taong nakapupuna sa akin. Ang lobby ng MPCPH ay napakalinis. Sobrang linis nito na nakikita ko ang sarili ko bilang dumi dahil umapak ako dito. Sobrang ganda dito! Maganda na iyan sayo dahil ngayon ka lang naman nakapasok sa magandang kompanya! Pinilit kong alisin sa sistema ko ang nakapanlulumong sigaw ng masama kong konsensya. Tama nga naman. Ang mga trabahong pinanggalingan ko ay pagdedeliver, pero trak ang madalas kong gamit. Nasubukan ko na din ang pagiging assistant editor noong nag-aaral pa ako pero sa maliit na opisina lang ng pampublikong paaralan namin. Siyempre ang huli, ay ang pagiging cashier sa isang fast food. Ah! Nakakapagod alalahanin ang mga pinagdaanan ko.

"Goodafternoon Ma'am." Sumilay ang mapuputing ngipin ng babae sa front desk nang ngumiti siya. Nakamalinis na bun ang buhok niya at parang pinlantsa ng isang araw ang damit niya sa sobrang ayos nito. Nanliliit ako. Masyadong pormal ang mga tao dito. Hindi ata nababagay ang ugali ko.

"Goodafternoon." Yumuko ako at nginitian siya ng maliit na ngiti. Nakalimutan kong icheck ang hininga ko bago ako pumasok. Tanga talaga! Tinignan ako ng babae na tila nag-aantay ng susunod kong sasabihin. Shit! Natataranta ako. Tumikhim ako at muling nag-salita.

"Ah. I saw an ad na may hiring kayo this week and open positions. I am here to apply for any possible job." Nginitian ko siya. Nararamdaman ko ang unti unting pagyakap sa akin ng confidence ko. Go, George! Magaling ka! Nginitian ko ang good conscience ko sa isip ko sa pagchicheer niya sa akin.

Behind (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon