Chapter 1

12 0 0
                                    

This is it. 


The last day where all the tears will be seen in the faces of many people. The tears of joy and tears of sadness of leaving.


"Anak kunin mo na yung toga mo." 


" Oo ma, wait lang!


Si mama masyadong excited. Graduation namin kasi ngayon. Last day na namin sa pagiging high school student.  May side na masaya kasi graduate na kami, may side na malungkot kasi magkakahiwalay kayo ng mga kaibigan mo at may side na nakaka-kaba sa dibdib dahil college student na kami next year. Nakakaiyak man isipin pero syempre parte yun ng pagiging studyante. 


" Anung oras na oh? hindi yung school ang maghihintay sayo." iritadong sabi ni mama habang nakasilip sa kwarto ko.


"Ma filipino time, maghihintay lang tayo dun. Maghuhulas lang yung mga make up natin dun." naiinis na sabi ko rin sa nanay ko.


"Ay basta bilisan mo jan. Naiinis na ang uncle mo, may pupuntahan din yung tricycle niya


"Bakit ma? may date ba yung tricycle nya at may pupuntahan din yun?" pilosopo kong sabi.


"MARIA NICOLETTE BARTOLOME kung hindi mo bibilisan jan iiwanan ka namin ng uncle mo, maglalakad ka papuntang school." ayan na nga ba sinasabi ko ee. Nagiging dragon na nanay ko. Makalabas na nga baka bugahan pa ako ng apoy. Imbis may kasama akong maglalakad sa stage baka maglalakad ako ng magisa.


"Eto na eto na, masyadong highblood." kinuha ko na yung mga gamit ko kasama na ang toga at lumabas na ng kwarto.


"Kate tulungan mo naman ate mo at hindi puro cellphone ang hawak mo, Prince lika na iwanan na natin yang mga ate mo na makukupad." hila nya sa kapatid ko na walang kamuwang-muwang. 


"Eto kasing babae na to kabagal bagal kasi gumalaw, akala mo naman maganda." sabi ng kapatid ko na malaking mata daig pa ang tarsier ang laki ng mata.


"Bakit ikaw maganda ka ba? Where's the moon? Up there! " sabay turo ko sa mata niya, na sya namang napairap.


"Anu mag-aaway pa kayo jan,iiwan ko na talaga kayo! Ginigigil niyo talaga ako aa" sabi ni mama na nanlalaki na ang mata. Agad agad naman kaming lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle papuntang school.


Napakwento na ako di pa pala ako nagpapakilala. Dahil purong Pilipino ako magpapakilala ako sa wikang Tagalog. Dahil sabi nga ni Gat Jose Rizal, Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda.


Ako nga pala si Maria Nicollete Bartolome, labing limang taong gulang. Panganay sa aming tatlong magkakapatid. Yung sinasabi kong malaking mata na sa kasamang palad kapatid ko ay si Kate Bartolome, kung ano ang kinahaba ng pangalan ko sya namang kinaiksi ng pangalan niya, sobrang mahal talaga ako ng magulang ko (sarcastic tone), sya ay labing apat na taong gulang, isang taon lang ang agwat namin dahil sa kadahilanang pagiging  hayok ng mga magulang ko sa ALAM NYO NA,  nasundan ako agad.  At si Prince Bartolome ang bunso naming kapatid, ang tinatawag naming UNEXPECTED BABY, dahil di namin talaga inexpect na mabubuntis si mama, well alam niyo na kung bakit. Apat na taong gulang, sampung taon ang agwat nila nung pangalawa namin.


OPO, panganay ako. Mainit ang mata sa akin ng magulang ko. Kaya simula nung maghigh-school ako strikto na ang magulang ko. 


Ni minsan di ako pinayagan na maki-sleep over sa bahay ng classmate, kung may project man kaming gagawin ng mga classmate ko dapat alas-kwatro  ng hapon dapat nakauwi na ako kundi tatawag na sila sayo or magtetext sayo at babantaan ka na. Bahay School Bahay School daily routine ko. Minsan nakakainis kasi naiingit ako sa mga classmate ko na pinapayagan but I realize na its for safety dahil kung hindi nila ginawa yun mapapariwara ako in the near future.


So, to all High Student out there, wag kayong magagalit sa magulang niyo kung hindi kayo pinapayagan. Trust me I've been there, its for you're future naman.





THE COLLEGE GOVERNOR AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon