I really love to watch the city lights.The different colors of the lights coming from the different kinds of transportations.
The different colors of the lights coming from the skyscrapers.
How I love the breathtakingly view plus the stars in the sky.
Seeing the lights makes me calm and make me feel better.
But suddenly, seeing the lights makes me cry.
Makes my heart break into pieces.
Who would have thought that the place I love the most is now the place I hate the most.
Ang lugar kung saan ako nadapa at kung saan din ako bumangon at nadapa ulit.
Can someone take me back the times that I can truly smile.
Cause I'm tired pretending to be okay and smile without knowing that I'm badly crying inside.
"Grabe mama, ang ganda talaga dito." sabi ko kay mama.
Nandito kami sa dulo nang park at nakatingin sa city lights. Itong park na to ang pinaka favorite kong lugar kasi nasa tuktok siya kaya super refreshing ang hangin at kita mula dito ang halos buong city.
" Anak, promise mo sakin palagi mo dadalhin yang ngiting yan ha." aniya saka ngumiti sakin. Medyo naweirdohan na ako lately kay mama. Kung ano-ano nalang ang pinagsasabi niya.
"Ma! Ano ka ba, oo naman. Palagi naman ako ngumingiti ah." sabi ko saka binaling muli ang atensiyon sa city lights.
"Pag malungkot ka, pumunta ka lang dito at tingnan ang mga ilaw na yan at alalahanin mo lahat nang masasayang pangyayari sa buhay mo. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan." sabi ni Mama na nagpataas nang kilay ko.
"Ano ba Ma! You're creeping me out. Pinagsasabi mo. Alam mo napapansin na kita Ma ah. Lately, nagiging weird ka. May problema ba Ma?" tanong ko kay Mama at ginantihan niya lang ako nang ngiti.
Lately talaga ay nagiging weird si Mama. Working student kasi ako tas kada dating ko sa bahay ay yakap agad ang salubong sakin ni Mama at paulit-ulit niyang sasabihin kung gaano niya ko kamahal. Araw-araw siyang ganon tas palagi niya sinasabi na hindi dapat nagsasayang nang oras kaya sulitin daw namin ang oras together. Medyo naweirduhan ako sa part na yun. Kung ano-ano nalang ang pumasok sa isip ko tuloy.
Inaya ko na si Mama na umuwi at nang akmang hahawak na ako sa braso niya ay bigla nalang siya natumba at buti nalang ay mabilis ko siya nasalo. Bumilis ng bumilis ang tibok nang puso ko at isa-isang nagtuluan ang mga luha ko habang tinatapik-tapik ang pisngi ni Mama.
"Mama! Gumising ka, please. Mama! Ano ba! Uuwi na tayo, Mama."
Nagsilapitan na ang mga tao samin at binuhat si Mama papunta sa ambulansiya. Hindi ko alam kung sino ang tumawag nang ambulance pero thank you nalang sakanya. Malapit lang naman ang hospital sa park na to kaya dumating kami kaagad at dinala si Mama sa emergency room.
" Hindi tayo dapat nagsasayang nang oras. Hiram lang ang buhay natin kaya dapat sulitin."
" Anak, promise mo sakin palagi mo dadalhin yang ngiting yan ha."
" Mahal na mahal kita, tandaan mo yan."
Napahagulgol nalang ako ng iyak nang maalala ang mga sinasabi ni Mama sakin noon. Bakit ba ang bobo ko at hindi napansin na nagpapahiwatig na si Mama sakin. Pero hindi parin kaya tanggapin nang sistema ko ang pwedeng mangyari kay Mama. Hindi pa ako handa.
YOU ARE READING
City Lights (ONE SHOT)
Short StoryLaureen, a girl who loves the city lights. But she never expected that one day everything will change.