Ideal Girlfriend It Is.

1 0 0
                                    

Pia

Today's our anniversary with my boyfriend Sebastian.

Sebastian is a gamer. Mahilig siyang maglaro ng mga online games like ML, COC, Call Of Duty, at iba pa. Adik din siya at ng mga barkada niya sa DOTA kaya naman halos magdamag nang nasa computer shop.

Papasok na ako sa classroom. Maaga pa kaya dumeretso muna ako sa upuan ko at yumukyok.

Nilagay ko muna pala yung regalo ko kay Sebastian sa upuan niya since late naman yun palagi.

Masakit talaga ulo kasi pinagpuyatan ko yung regalo ko kay Seb. 'Di naman kasi ako artistic eh. Tapos di ako mahilig magdesign-design. Kaya naman pinag puyatan ko talaga yung paggawa ng box.

HAHAHAHA box lang siyempre kasi 'di naman ginagawa yung laman ng gift ko sa kanya.

Alam ko namang di 'din siya artistic. Ganun din naman ako so, I feel him.

Di na ako nag-abalang umupo ng maayos ng dumating yung teacher namin sa AP.

Magbibigay lang naman yan ng activity na napakahaba tapos bukas na ipapass. HAHAHAHA

Magtatanong na lang ako sa mga classmate ko mamaya kung anong sasagutan.

Kailangan ko talaga ng tulog kasi di ako makakapag-focus sa klase mamaya kung masakit ulo ko.

Di ko naman hobby yung pagtulog sa classroom kasi di naman ako ganung estudyante.

Nakakatulog lang ako sa clasroom pag tapos na akong kumain ng lunch or pag puyat ako. Yung tipong two hours lang tulog ko.

Nagising ako ng math time na. Second subject namin yun kaya mas lalong nakaka-stress.

Charrr

Di ko naman talaga masasabing bobo ako sa math. Infact, madali lang talaga ako makagets ng topic.

Kasooo...... Di ko na maalala yung mga lesson namin pagkabukas or sa mga susunod na araw.

Yun talaga ang main problem ko. Feeling ko nga, madali lang talaga ang highschool lesson kung madali ka lang makakaalala. Kasi wala ng problema pag naaalala mo yung nga tinuro sayo.

Well, except sa projects or roleplay.

Anyways, nung tinignan ko si Sebastian, nakatingin siya sakin.

Tapos sumenyas siya na nasa bag na daw niya yung gift ko.

" Thank you Iya" he mouthed and playfully winked.

Napatawa na lang ako sa kalokohan niya.

Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay yung playful attitude niya. Madali niya 'kong napapatawa kapag badtrip ako. Yung tipong isang killer smile lang natatawa na ako.HAHAHAHA

Sinabi ko lang na welcome kay seb tapos bumalik na ang tingin ko kay Maam.

Okay lang naman sakin kung wala siya gift. Di naman kasi ako mababaw na girlfriend. Like yung tipong 'di ka lang nireplayan, totoyohin na. Mga ganung example ng kababawan.

Di naman sa nangjujudge ako, eh kaso, I just find it immature kasi.

Yung tipong ipapadelete yung ML app ng boyfriend kasi nawawalan na ng oras sayo o trip mo lang talagang ipadelete kasi tinopak ka?

That's not reasonable girls.

Isipin niyo naman ang mararamdaman ng mga boyfriend niyo kung ipapadelete mo yung ML app nila.

Mapapa-oo na lang sila kasi wala silang magawa kasi mahal nila tayong mga gf nila.

Sa sitwasyon na yun, di ba kayo naguiguilty??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ideal Girlfriend it is. (OneShot Story)Where stories live. Discover now