TBOM

46 3 1
                                    

A/N: This story contains more details about the whole story of Mac and Xeina's friendship and everything about their lives. And there's a possibility that there will be a lot of changes in the story and events that will happen. If you haven't read my two-part twitter serye about these two, it's okay because this book will give more justice about the storyline. But in the twitter serye, you can read their funny slash sweet conversations and see their social media posts (including: texts, DMs, instagram posts, IG stories, and tweets). So it's up to you if you want to read the serye first, or this book version. Btw, my twitter username is @tsinigowden. Enjoy!

PS: If there's any grammatical errors, etc., I would like to say sorry in advance. I'm not perfect (lol), I'm trying hard to improve my writing skills so yeah. Hehe.

---

"Payatot!" My classmate shouted at me. I started crying again. Palagi na lang nila akong binubully. Kaya ayokong makipagkaibigan eh.

"Hindi ako payatot! Sexy ako!" sigaw ko sa kanila habang umiiyak pa rin. Mas lalo lang nila akong pinagtawanan.

"Yuck, sexy? Mukha kang patpat!" Dumila pa sya sakin at sabay sabay silang tumawa ng iba kong kaklase. Hindi lang naman ako ang payat dito ah? Masyado silang bully.

Umiyak na lang ako nang umiyak dahil wala naman akong laban. Kung nandito lang si Mommy, mapapagalitan sila.

"Hoy, Xeina! Bakit umiiyak ka na naman?" Sigaw ng batang lalaking mas maliit naman sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, "Payatot daw ako!" Sabi ko habang humahagulgol.

"Ano? Sinong may sabi?" Mas malakas ang sigaw nya ngayon.

Tinuro ko yung kulot naming kaklase na si Kate. "Siya!"

Tumingin sa kaniya si Macmac at parang handa siyang makipagsuntukan kahit pa babae si Kate.

"Hoy ikaw, Kulot! Wala kang pakialam kung payatot si Xeina! Ikaw naman, hindi ka magaling sa Math! Hindi ka favorite ni Ma'am Gina!" Sunod sunod na sigaw ni Macmac.

Si Kate naman ngayon ang umiyak ngayon.

"Aba, bakit nagsisigawan 'tong mga anak ko?" Nagulat kami nang dumating si Ma'am Gina, adviser namin.

"Nag-aaway na naman ba kayo? Jusko naman, Grade 3 na kayo! Nasaan na ba mga magulang nyo at bakit hindi pa rin kayo sinusundo?" Tanong niya. Walang sumagot sa amin. Basta alam kong dadating si Mommy, umuulan lang kasi ngayon kaya siguro natagalan.

"Eh kasi 'tong si Kulot, palaging sinasabing payat si Xeina! Paulit ulit na lang! Inggit lang siya kasi tabachoy siya!" Sigaw na naman ni Macmac.

"Enough, kids! Gusto niyo bang ma-Guidance ha?" Pananakot nya samin. Sabay sabay kaming tumahimik at umiling.

Lumapit si Macmac sakin at bumulong, "Wag kang mag-alala, mas maganda ka pa rin kay Kate."

Tumawa ako nang bahagya at tinignan si Kate na matalim ang tingin samin. Dumila ako sa kanya at umiyak na naman siya. Buti nga sa kaniya.

---

"Ma'am, tama naman po 'yung sagot ni Xeina ah?" Sigaw ni Macmac.

Napailing naman ako sa kaniya. "Siraulo, mali nga sagot ko, 'wag ka nang sumawsaw."

"What are you trying to say, Mr. Pedrino? Mali ang method na ginamit ko at ang kay Ms. Florida ang tama?" Mataray na sabi ni Ma'am Jennica.

Nasapo ko ang noo ko. "Sorry po, Ma'am. Mali po talaga 'yung sagot ko, 'wag niyo pong pansinin 'tong si Macmac." Pinilit kong tumawa kahit nakakahiya na ginagawa ng kaibigan ko. Tumango si Ma'am.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BES Of Me (Book Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon