Apartment

239 5 4
                                    

Ako nga pala si Anni, isa akong call center agent sa isang sikat na company, mga tatlong taon na akong nag tatrabaho sa company na'to, halos kilala ko na lahat empliyado dito. Si Maria Isabel ay isa kong matalik na kaibigan, lagi kaming mag kasama tuwing uwian, gimikan at mga party.

Isang araw niyaya niya akong mag party o mag saya kasama ang mga Highschool friends niya, dito ka nakilala si Micheal Hilario or mas kilala siya sa pangalang " M. H. " Habang nag iinuman kami tingin siya ng tingin sakin at nilapitan niya ako at nag pakilala sakin hiningi ang aking cellphone number, at buong gabi kami nagsaya, sa sobra saya ko ay nalasing ako, at dahil dito di ko na mapigilan ang sarili ko.

Bago kami umuwi ay nag CR muna ako, pag pasok ko ng cubicle may naririnig akong umiiyak na babae sa katabi kong cubicle. At dahil lasing nga ako di ko na pinansin, pag labas ko ng cubicle diretso hilamos ako at pag ahon ko ng ulo ko nagulat ako, sa pagharap ko sa salamin may babaeng lumuluha ng dugo at naliligo sa sarili niyang dugo.

Dahil sa sobrang kalasingan ko nagawa ko pang mag salita

" Anong nangyari sayo? " habang nanginginig ako sa takot.

Hindi siya nag sasalita tinititigan niya lang ako, sa sobrang takot ko ay tumakbo na ako palabas habang tumitili. Nagulat ang mga kasama ko na parang tinatawanan pa ako, sabay tanong sakin ni Maria Isabel

" Anung nangyari? Para kang nakakita ng multo!! " habang tumatawa.

Dahil sa sobrang takot ko, kinuha ko yung wallet ko at nag abot ng pamangbag para sa kanila at nag madali akong lumabas, dahil sa sobra kong kalasingan na tumba ako habang palabas ng Bar. Lumapit sakin si MH sabay sabi na

" Ayos ka lang? Gusto mo hatid na lang kita? "

Dahil nga lasing na ako ng sobra wala na akong choice, pumara siya ng taxi, at habang nasa byahe kami ay tumigil ang taxi at pagtingin ko sa bintana ay may mabilis na muka ang bumuluga sa akin na duguan, at sabay biglang niyang hinawakan ang salamin ng bintana at sabay sabi na

" Tulungan mo ako! " Dahil sa sobrang gulat at takot ko napasigaw ako at nawalan ako ng malay.

Pag gising ko nagtaka ako kasi wala ako sa apartment ko dali-dali kong hinahanap si MH na nagluluto pala ng pagkain at nag iinit ng tubig, tinanong ko siya kung asan ako at sabi niya nasa apartment daw niya ako, tinatanong ko siya kung anong nangyari kagabi pero ang sinasabi lang niya sakin ay

" Basta lasing ka ng sobra kagabi "

Pag katapos naming kumain umuwi na ako, at nung nasa elevator na ako bigla na lang ako may naramdaman na malamig na hangin mula sa likudan ko. Di ko maiwasang lumingon sa likuran ko, at paglingon ko nakita ko nanaman siya, pero sa sitwasyon na'to disente na siya.

Masasabi kong may itsura siya, maganda, maputi at sexy.

Bigla niyang hinawakan ang balikat ko sabay sabi sakin na

" Wag kang magtitiwala sa kanya!! "

At sumigaw siya, sa sobrang lakas ng pag sigaw niya tinakpan ko ang aking mga tenga at umupo ako sa sobra takot. At pagbukas ng pintuan ng elevator tumakbo ako ng mabilis palabas ng apartment.

At pag dating ko sa apartment ko, nag mamadali ako at di ko na pansin ang sign na sira pala ang elevator pero di pa rin ako tumtitigil sa pag pindot ng button, na pansin ako ng Janitor at pinapakalma ako at dinala niya ako sa lobby tinatanong kung hindi ko daw ba nabasa yung sign na sira ang elevator.

The ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon