Flash Back

133 3 1
                                    

FLASH BACK*

Tatlong taon na ang nakaraan nang nangyari ang lahat lahat.

Ako nga pala si Raah isang masipag na Radiologic Technologist sa isang hospital na malapit sa Call Center Building, halos mag katabi lang ito.

Isang araw na aksidente si Ivan , nabanga ng sasakyan at dinala sa Hospital kung saan ako nag tatrabaho dito ko siya nakilala isa siyang matangkad na lalaki, may itsura at astig.

Makalipas ang dalawang buwan bumalik siya para mag pa X-ray.

“ Miss ako na po ba ang next? “ tanong niya sakin.

“ Uhmm. Wait lang sir titignan ko name mo dito sa listahan ko. Ay, opo ikaw na next. “ sagot ko naman sa kanya.

“Salamat naman at ako na” sagot naman niya sakin.

Di kalaunan ay siya na ang i-Xrayin, pero bago siya pumasok ay tinanong niya kung ano pangalan ko at kung pwede daw ba niyang makuha ang number ko.

Dahil may pag tingin ako sa kanya, binigay ko yung number ko. Naging mag textmate kami at madalas na siyang dumadalaw kung saan ako nag tatrabaho, hinahatid niya ako pauwi at papasok.

“ Nanliligaw ka ba sakin” tanong ko sa kanya.

“ Pwede ba akong manligaw? “ sabay inabot niya ang kulay pink na roses.

 “ Oo, pwede. “ nahihiyang sagot ko sa kanya.

Ang trahabo ni Ivan ay co-manager ng isang sikat na Apartment, at katabi lang 'to ng Hospital na tinatrabahuan ni Raah.

Isang araw nakita ng Manager ni Ivan na kasama ang kasintahan niyang si Raah.

“ Uy, Ivan sino siya? “ tanong nang manager niya. 

“ Si Raah nga pala Ms. Jessi kasintahan ko. “ sagot niya kay Jessi.

“ Ahh. Enjoy!!!” sagot ni Jessi nang pabalang.

Si Jessi ay isang manager sa Apartment na tinatrabahuan ni Ivan.

“ Mukang may pagtingin sayo ang Manager niyo ah! “ paselos kong sinabi sa kanya.

“ Tch.. Ayun ba, wala yon di ko naman pinapansin yun eh. “ masigasig niyang sinabi sakin.

Nag dedate kami sa isang Mall na sikat, masasabi kong malaki ito at malapit sa dagat.

“ Ang ganda naman dito! “ Masaya kong sinabi sa kanya.

“ Talaga? Dito kita igagawa ng bahay. “ sagot naman niya sakin.

“Baliw ka, mall kaya ‘to! “ patawa kong sinabi sa kanya. 

Makalipas ang ilang buwan, madalas na kaming di nag kikita ni Ivan, ni call at text wala na din. Pinuntahan ko siya sa tinatrabahuan niya pero laging si Jessi ang nakikipag kita sakin at lagi niyang sinasabi na hindi pwedeng mag breaktime si Ivan. Pinaabot ko ang sulat na ginawa ko para kay Ivan, kasi First Anniversary naming ngayon.

Makalipas ang ilang araw nakita ko si Ivan sa Mall na madalas naming puntahan.

“ Hey, Ivan…” Bigla akong nawalan nang gana tawagin siya nang nakita kong lumapit si Jessi sa kanya. 

Tumakbo ako papunta sa C.R. at nag kulong sa cubicle at umiyak,

“ Hinding hindi magagagawa sakin ni Ivan yun. “ Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Lumbas ako nang mall at dumiretso sa Apartment at pag dating ko sa Apartment ay dali-dali kong kinuha yung lubid. *Hawak ang lubid* 

“ Di ko na kaya ang ginagawa sakin ni Ivan, di ko na ‘to kaya!” Pasigaw kong sabi sa sarili ko. "

-To be continue..

The ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon