Episode 9

215 4 0
                                    

Lee: Wala namang panyo dito.

Sara: Alam ko.

Lee: Eh bakit ka pa bumalik kung wala naman pala? Praning ka ba?

Sara: Gusto ko lang sana magpasalamat ulit.

Lee: Wala yun. Sige. Pasok na ako.

Sara: Teka. Anong ibig mong sabihin?

Lee: Hmm. Pasok. In english, enter. I will enter the dragon, este house pala.

Sara: (Seryosong mukha) Anong ibig sabihin ng pag-tango mo sa tanong ni Apple?

Lee: Kalimutan mo na yun.

Sara: Ibabalik ko sa’yo ang tanong mo kanina. Praning ka ba?

Lee: Eh ano bang gusto mong makuhang sagot?

Sara: Yung totoo.

Lee: Walang totoo. Hindi nag e-exist ang katotohanan. Lahat ng bagay ay reaksyon lamang sa isang naunang sitwasyon o pangyayari.

Sara: So, philosophy major ka na ngayon? Ganun?

Lee: Umuwi ka na. Baka pagdating mo sa bahay, andun na si Noel para makipagbalikan sayo.

Sara: Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka sumasagot.

Lee: Ok. Gusto mo ba ng katol? O kulambo? Malamok na dito mamaya.

Sara: (Hindi umimik)

Lee: (Pilit na ngiti) Kung ano man ang narinig o nakita mo, kalimutan mo na lang.

Sara: May gusto ka ba sa akin?

Lee: May gusto ako.

Sara: Sa akin?

Lee: Gusto kong umuwi ka na.

Para saan ba ang mga ganitong klaseng tanong? Gaya ng ‘mabaho ba?’ kahit na alam naman niyang jerbaks ng aso ang nakalatag sa kalsada, ‘nabasa ka?’ kahit pa obvious naman dahil sa itsura mong tila bagong gamit na scotch brite at ang saksakan ng kamoteng ‘okey ka lang ba?’ kahit pa mukha kang nilukot na sampung pisong papel noon dahil sa sakit. ‘May gusto ka ba sa akin?’. Ano ‘to lokohan? Narinig niya ang mga salitang binitiwan. Nakita niya ang walang kalaban-laban kong pag-amin. Sabihin na nating wala sa script na nadoon siya. Pero wala na naman akong magagawa. Sana lang wag na niya akong ibaon pa. Wag na sana niyang idikdik sa mumurahin kong pride na sumuko na ako at umamin. Pareho na naman naming alam. Hindi naman na siguro kailangan pang iguhit sa manipis na mga minutong ito kung anong ka-lechehang pag-ibig ang itinatago ko para sa kanya.

Sara: Hindi talaga ako aalis dito.

Lee: Eh di wag. Hindi naman kita pipiliting umuwi kung ayaw mo. Wag ka nga lang manghingi ng hapunan. Wala akong ulam. Pancit canton, meron. Pero sapat lang sa akin. Hindi ako madamot. Gutom lang talaga.

Sara: Alam mo, dati, akala ko, kaya walang babaeng sumagot sa’yo eh dahil kulang ka lang sa diskarte o sadyang torpe ka lang. Ngayon alam ko na.

Lee: Na ano?

Sara: Duwag ka.

Lee: Wow. Isa ba ‘to sa mga psychological ploy na nakuha mo sa kakapanood ng mga pelikula kung saan pasusukuin mo sa gusto mo ang isang tao by calling out his bluff? Very original. Bakit di ka mag-apply sa channel 2? Para maiba naman ang takbo ng mga teleserye sa TV?

How To Save ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon