------

0 0 0
                                    

"Yes, love. I love you. Can't wait to see you soon," rinig kong sabi ni mama sa kausap niya sa phone. Ilang beses ko na bang narinig na may kausap si mama tuwing gabi? 8? 9? 10 times? Basta ang alam ko 'di si papa yung kausap niya. Alam ko kung paano niya kausapin si papa sa phone call. Ibang iba yung tono eh. Malambing yung boses niya sa kausap niya samantalang kapag kausap niya si papa parang galit.

Ang papa ay nagtatrabaho sa ibang bansa para may pantustos sa amin. Noong una hindi ko maintindihan pero kalaunan ay nagliliwanagan na ako. Mahirap lang kami at kailangan kumayod nila papa at mama. Lagi kong pinagbubutihan ang pag-aaral ko. I'm consistent honor student sa school na pinapasukan ko. Lagi akong nilalaban sa mga quiz bee regional. Taga Cebu si mama at si papa naman ay tubong Tarlac. Nagbyahe si mama dito sa Tarlac dahil namatay ang lolo niya sa kanyang ina. At doon na nagsimula ang lahat.

Dalawa kaming magkapatid, ako ang panganay. Masaya ang magulang ko sa piling ng isa't isa. Pero simula nang nagtrabaho si papa sa ibang bansa parang may nagbago. Actually, simula nang pumunta ang ibang kapatid ni mama dito sa Tarlac. Nawalan na nang komunikasyon ang mama sa ibang kapatid niya. Parang wala lang sa kanya yon noon pero nang nalaman ko ang dahilan medyo naintindihan ko. Namatay kasi yung nanay ni mama dahil sa kasakiman ng tatay niya, kaya ganoon. Parang nagtanim ng galit.

Nang nalaman ni mama ang Facebook app. Nagpagawa siya sa akin. Sabi niya hahanapin niya raw yung mga kapatid niya sa FB. And luckily, nahanap niya yung isang Tito ko. One time, narinig ko silang nag-uusap sa phone call about doon sa first love niya parang may ano sa tawa niya. Alam kong biruan lang nilang magkapatid yon pero parang may kakaiba.

"Kuya, may nabasa ako sa chats ni mama sa isang lalaki. They exchanged I love you's to each other. Sino yon?" yung kapatid ko nang sinamahan ko mag enroll for her 1st year in Highschool. Ako naman Grade 12 na.

At dahil alam ko naman ang pangalan ng first love ni mama at alam din ng kapatid ko ang password ni mama sa FB. Kinutingting namin. And totoo nga ang hinala ko. Nagloloko si mama kay papa.

"Ah biruan lang ata nila yan. Ganyan din ako sa mga kachats ko," sabi ko na lang.

Lumipas ang mga araw lagi ko ng napapansin at naririnig na may kausap si mama sa cellphone niya. Hindi ko na lang pinapansin pero parang naging harsh yung pakikitungo ko sa mama ko.

"Saan na nga gaganapin yung National Quiz Bee na kasali ka?" tanong ni mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Cebu po, ma," irap ko sa hangin.

"Sasama kami ng kapatid mo," excited niya pang sabi.

"Dadalawin natin sila Lolo at Tito, ma?" singit na tanong ng kapatid ko.

Tumango si mama. "Hmm." Sembreak na kasi kapag katapos ng contest na yon. Exempted na ako sa mga exams.

Malapit na yung contest ko. Kinakabahan ako pero hindi sa contest kundi sa ibang bagay. Sabi ni papa uuwi raw siya at sa mismong contest ko. Sabi niya sosorpresahin niya raw si mama. Ako lang ang nakakaalam na uuwi si papa. Masaya ako at hindi na inisip ang ibang bagay kundi ang mga nire-review ko lang for the quiz bee.

"Oh, okay na ba yung mga gamit niyo?" tanong ni mama.

"Opo," sagot ng kapatid kong si Carys.

"Ikaw, Kend?"

"Ayos na, ma," sagot ko.

Actually ako ang mauuna sa kanila papunta roon pero mukang mas excited pa si mama kaysa sa kin. Yung gastusin para sa flight ko ay ang gobyerno ang nagbayad. Syempre dala ko ang lugar namin eh.

Magsisimula na ang quiz bee nang dumating sina mama at Carys. Si papa baka mamayang hapon pa yon darating. Nitext ko kung nasaan kami. Nagulat ako nang dumating yung mga kaibigan ko sa internet. Halos lahat sila taga-rito eh. Hindi lang ako makapaniwala na andito sila. Sinabi ko lang na may contest ako rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Father's Day SpecialWhere stories live. Discover now