Till Next Time, My Love

7 0 0
                                    

Dali dali akong pumunta sa kotse at dali dali itong minaneho. Hindi ko na alam kung gaano kabilis yung pagpapatakbo dahil iisa lang ang nasa isip ko nung mga panahon na yon.

Yun ay ang makita siya. Yun ay ang maabutan pa siyang humihinga.

Sa palagay ko habang nagmamaneho, di na ako makahinga ng ayos sa sobrang pananakip ng dibdib ko. Bawat tibok ng didbib ko, rinig na rinig ko. Damang dama ko. Di ko masabi yung nararamdaman ko, di ko maexplain. Hirap na hirap akong ilabas lahat ng nararamdaman ko gamit ang mga salita.

Sa sobrang pagmamadali ko sa pagpapatakbo ng sasakyan, di ko namalayan na may kasalubong na akong truck. Sa sobrang pangingilid na ng luha ko ay di ko napansin na may truck na pala akong kasalubong.

Bago pa man ako tuluyang sumalpok sa truck ay naiiwas ko na agad ang sasakyan ko. Muntik pa akong tumama sa puno. Ilang minuto akong napatitig sa nasa harapan ko. Naramdaman ko na lang ang ulo kong ibinagsak sa manibela ng kotse. Kung kanina ay grabe na ang kabog ng dibdib ko, ngayon ay nag triple pa ang kabog nito. Nanakit na ang lalamunan ko sa pagpigil ng nagbabadyang luha.

Putangina.

Hindi ako pwedeng mamatay ng ganon ganon nalang. Hindi pa pwede, kailangan ko pa syang makita. Hindi ko kakayanin na hindi ko sya makikita. Bangungot iyon sakin, ang hindi siya makita sa huling sandali niya.

"Putangina! Ang gago! Ang gago gago! Napakagago mo!" sigaw ko habang panay ang pagsuntok sa manibela ng sinasakyan kong kotse.

Nanginginig man ay nagawa kong istart muli ang kotse. Sa halos ilang oras kong nasa byahe ay iisa lang ang nasa isip ko noong mga oras na yon.

Yun ay ang makasama siya, mahalikan at mayakap. Tangina, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam. Bullshit!

Napahigpit ang kapit ko sa manibela. Ilang minuto pa ay nakarating agad ako sa hospital kung saan nandon siya. Nadatnan ko ang best friend niya, si Kayla. Base sa nakikita ko, mukhang galing sya sa pag iyak. Nang makita niya ako ay dali daling siyang pumunta sakin.

"Asan siya?" tanong ko kay Kayla ngunit tanging sampal ang sinagot niya sakin. Nakatingin lang siya sakin. Ilang ulit pa akong nakatanggap ng sampal galing sakanya pero ayos lang yon. I deserve this, I deserve all this.

Pinunasan ni Kayla ang luhang tumutulo parin sa mga mata niya, "Ang tagal ka niyang hinintay, Shaun! Ang tagal niyang naghintay sayo! Naiintindihan mo?! Hinintay ka niya kahit ikaw mismo pinagtulakan siya palayo!" sigaw niya sakin habang patuloy din ang pagpunas ng luha niya.

Napayuko ako. Sinasalo bawat salita, bawat sampal. Sino ba naman kasing gago ang iiwan ang taong pinakaminamahal niya, ang taong tumulong sakanya para mabuo ulit, ang taong nagmahal sakanya kahit halos lahat ay kinamumuhian siya para sa taong dating nagdulot sakanya ng sakit?

Sinubukan kong magsalita ngunit walang salita na lumabas sa bibig ko.

"Shaun, ano bang kasalanan ni Aireen sayo? Bakit mo ba siya sinasaktan ng ganito?!" iyak ni Kayla sakin, "Alam mo bang ikaw ang kaisa isang lalaking minahal niya? Ha? At heto ka, ikaw din ang kaisa isang lalaking nanakit sakanya ng ganito." patuloy niya habang tinutulak ako.

"She loves you so much, Shaun. Kahit na ang pagmamahal na yon ay nakakasakit na sakaniya pero ikaw parin ang pinipili niya sa lahat ng oras."

"Sorry—," saad ko pero di ko napigilan ang panginginig ng boses ko.

"Sorry? Sorry lang? Mawawala ba niyan lahat ng sakit na binigay mo kay Aireen? Mababawasan ba yung sakit nung pinili mo si Rain na iniwan ka nung kailangang kailangan mo siya samantalang yung kaibigan ko," iyak na saad ni Kayla. Tiningnan niya ako sa mata na para bang hindi siya makapaniwala, "Yung kaibigan ko, hindi ka iniwan kahit tinalikuran ka na ng buong mundo. Andon lang sya sa tabi mo. Pinili ka niya kahit mas kailangan ng sarili niya mismo ng atensyon!" patuloy niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Next Time, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon