LOVE HAS NO GENDER

15 0 0
                                    


It's already 3:30am pero gising pa rin ako. Ang hirap matulog. Nagsimula 'to ng iwan niya ko. Madalas 2 - 3 hours lang tulog ko or worst hindi ako nakakatulog. Ginugugol ko lang ang oras ko kakaisip kung ano bang mali sa'kin? Kung saan ba ako nag kulang? Ang hirap ng ganito. Ako mismo nananakita sa sarili ko. Minsan umiinom ako ng pampatulog pero naubos ko na 'yun no'ng nakaraang linggo pa. Dahil quarantine ngayon ay hindi pa ako nakakabili. Tinatamad ako lumabas.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

“Hello, Zianara, na patawag ka?” Zianara is my best friend. Siya 'yung laging nand'yan kapag kailangan ko ng makaka-usap. Never niya akong iniwan.

“'Di ka na naman makatulog 'no?” Alam niyang may insomnia ako. Actually lahat ng sakit ko alam niya. Kahit may Boyfriend ako sakanya ko pa rin kwenikwento mga nangyayari sa buhay ko. She's my human dairy.

“Oo eh,” nasa sala ako ngayon. Nakatingin sa mga bituin habang kausap siya.

“Hay naku, Xyla. Sabing tigilan mo na pag-iisip kung anong kulang sa'yo eh. Alam mo bang walang kulang sa'yo? Kung tutuusin sobra-sobra ka pa, sadyang 'di lang siya marunong makuntento,” hindi siya nagsasawang bigyan ako ng advice. Wala atang kapaguran bibig niya. “Ang swerte niya kaya sa'yo kasi kahit nasaktan ka niya siya pa rin gusto mo. Sana ako na lang siya,” nabingi ata ako. Iba ata ang narinig ko.

“Ano 'yon?” Gusto ko maka-sigurado baka namali lang ako ng rinig.

“Gusto kita, matagal na. Natatakot lang ako umamin baka kasi isipin mo pinagtritripan lang kita kasi parehas tayong babae. Oo, babae ako pero babae rin gusto ko at ikaw 'yon.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Kaya nga hindi ako nagbo-boyfriend kasi hinihintay kita. Hinihintay ko kayo mag-break ng walang kwentang lalakeng 'yon. Babae ako pero mas kaya kitang alagaan higit pa sa pag-aalaga niya sa'yo. Hayaan mo lang akong patunayan sarili ko sa--” hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Agad kong pinatay ang phone ko. Ginugulo niya utak ko.

After that night maslalo siyang naging malapit sa'kin. No'ng una nagkailangan kami pero no'ng tumagal ay bumalik din kami sa dati. Naging mas close kami. Kinukulit niya ako na manliligaw daw siya ayoko sana pero dahil makulit siya ay pumayag na rin ako.

Makalipas ang amin na buwan ay sinagot ko na siya. Naging masaya ang aming relasyon. Maraming tutol sa relasyon namin pero pinagpatuloy pa rin namin. Hindi kami nagpa-apekto sa mga sinabi ng iba. ‘Love has no gender’ ika nga nila. 'di ba gano'n naman talaga kapag mahal mo? Ipaglalaban mo.

Today is our second anniversary. Imbes na kumain kami sa labas ay naisipan na lang namin mag movie marathon. Ilang araw na rin kasi kami 'di nagkaka-usap nang maayos dahil parehas kaming busy sa trabaho. Kaya mas pinili na lang namin mag movie marathon sa bahay nila total siya lang naman ang tao do'n ngayon.

“Happy 2nd anniversary, Baby." Bungad ko sakanya na nag-aayos ng sofa. Agad siyang lumapit sa'kin at kinuha ang dala-dala kong regalo para sakanya. Nilapag niya ito at niyakap niya ako nang mahigpit.

“I love you, Baby. Nag-abala ka pa,” sobrang higpit ng yakap niya kulang na lang 'di na ko makahinga. “Na-miss kita,” hinalik-halikan niya ang ang noo ko habang nakayakap pa rin siya sa'kin.

“Baby basa na ng laway mo noo,” parang batang pagkakasabi ko.

“Ayaw mo ba? 'di mo na ba ako love ha?” pagpapa-cute niya.

“Syempre, gusto ko. Na-miss kaya kita. Na-miss ko kaya Baby ko,” 'Di ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayon. Napaka-perpekto ng araw na 'to.

“Wait lang Baby ha, may kukunin lang ako sa labas,” agad na nga kami bumitaw sa pagkakayakap sa isa't isa. “Sige po,” lumabas na siya at naiwan ako mag-isa. Habang hinihintay ko siya ay naghanap na ko ng papanoorin namin.

Natigilan ako ng bigla na lamang umingay sa labas. Nagsisigawan sila? Ano meron? Sa sobrang curious ko ay naisipan kong lumabas. Nagkukumpulan sila sa gitna. Kaya lumapit ako para tingnan. Pero habang palapit ako nang palapit ay palakas nang palakas ang tibok ng dibdib ko. 'Wag naman sana. Sana mali hinala ko.

“'Andyan na raw ang ambulance tumabi na kayo para madala agad 'yan sa hospital,” agad na pinatabi ni manong ang mga tao. Mukha siyang tanod.

Maslalo akong kinabahan ng makita ko ang kulay ng damit na suot ng babaeng nakahiga ngayon sa kalsada. Gumuho ang mundo ko ng makita ko mukha nito. Si Zianara nga, ang girlfriend ko.

Hindi ako makagalaw, parang senimento ang buong katawan ko. Patuloy na umaagos ang mga luha sa mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Parang kanina lang masaya pa kami tapos ngayon puno na ng dugo ang buong katawan niya. Ni halos hindi na siya makilala.

“Miss, ikaw po ba ang kamag-anak ng na aksidente?” tumango lamang ako habang nakatingin pa rin sa katawan ni Zianara. Patuloy ang pag-agos ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na unti-unti binabawian ng buhay. “Halika Miss," inalalayan niya ko patungo sa katawan ng taong mahal ko. Gusto ko magwala, gusto ko patayin ang may gawa nito sakanya. Ilang segundo lang ay dumating na nga ang ambulance. Habang pinapasok sa ambulance ang katawan niya ay patuloy lamang ako sa pag-iyak.

“Ayon sa mga saksi patawid ang biktima upang kunin ang in-order nito sa shoppee ng may biglang sumulpot na track at nasapol ito,” rinig kong sabi ng police.

Bigla na lamang may lumapit sa'king lalaki. “Ma'am ito po 'yung in-order niya.” tinitigan ko muna ito bago tanggapin. Maslalo akong naiyak ng makita ko ang laman nito. Tama, ito 'yung hoodie na sinabi ko sakanyang gusto kong bilhin. Agad ko siyang niyakap. “B-baby lumaban ka ha, 'wag mo ko iwan, p-please. malapit na tayo sa h-hospital kunting tiis na lang.” pero bago pa man kami makarating sa hospital ay tuluyan na siyang binawian ng buhay. Tuluyan ng binawi sa'kin ang kaisa-isahang taong nagparamdam sa'kin ng tunay na pagmamahal. Tuluyan ng binawi sa'kin ang babaeng pinakamamahal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now