Pafall [ONE SHOT]

241 7 3
                                    

"Kyaaaaahhh!!"

Ayan na naman siya, tinitilian ng mga babae. Biruin mo, dadaan lang sa hall way magtitilian na? Kung sabagay, ang gwapo naman niya kasi. Kahit na nakakunot ang noo, gwapo parin.

Oo, aaminin ko, may gusto ako sa kanya. Ang kaso hindi nga lang halata. Ang alam nga nung mga kaibigan ko hater ako ng lalaking yan eh. Ang hindi nila alam, gusto ko siya. Gusto ko si Drake.

"Oh, Yana. Nandito ka lang pala. Tara na?" Ang sabi sa akin ni Mandy. Tumango na lang ako. Break namin ngayon at bababa kami ng canteen.

Kinakabahan ako. Makakasalubong kasi namin ni Mandy si Drake. Hindi naman ito yung unang beses na masasalubong namin siya. Ang kaso lagi na lang akong kinakabahan kapag malapit lang siya sa akin.

dug.dug.dug.dug.

Teka? Akin ba yun? Phew! Grabe yung kaba ko. Hooo! Ano ba nangyayari sa akin? Parang masasalubong lang naman.

Umayos ka nga, Yana! Dadaan lang si Drake. Makakasalubong nyo lang naman! Nababaliw na ako. Kinakausap ko pati sarili ko.

"Ohmygod! Ang gwapo niya talaga kapag seryoso!"

"Kyaaaaaahh! Gorgeous as ever!"

"The man of my dreams... *0*"

Napalingon naman ako sa nagsabi ng the man of my dreams. Parang ang OA naman yata nun?

At punyeta naman! Si Mandy pala?!

"Oh bakit? Don't worry. Hindi si Drake yun! Si Vash yung tinutukoy ko!" Biglang sabi sa akin ni Mandy.

Vash?

Nakalimutan ko. Kaibigan pala ni Drake yung si Vash. Crush yata ni Mandy si Vash eh. Ewan dyan.

"Ang OA naman kasi. Hindi naman kapanga-pangarap yun kung si Adams nga." Sabi ko naman sa kanya.

See? Ganito ang alam nila. Hater ako. Hindi lang ni Drake kundi pati lahat ng lalaki. Ewan sa mga yan. Nagsusungit lang naman ako, hater na agad? Hindi ko na rin dinedepensahan ang sarili ko dahil okay lang naman sa akin ang title ko, "Yana, the man hater"

"Grabe ka naman! Ang harsh mo kay Drake. Ano ba ginawa niyan sa'yo? Kung makapagsalita ka parang ex mo!" Sabi niya kaya bigla akong naubo sa sarili kong laway. Alam kong yuck, okay?

cough.cough.cough.

"Excuse lang Mandy ha?! Yang Drake Adams na yan?! Ex ko?! Wala sa pangarap ko yang sinasabi mo! Pwe!" Pagtanggi ko. Pero siguro matutuwa pa ako kung naging ex ko nga yan. Pero mas matutuwa yata ako kapag naging kami forever.

"Malamang wala sa pangarap mo yan! Eh pangarap mo kaya maging kayo in the end." Sabi niya kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin.

"Joke lang!"

"Tumahimik ka nga Mandy! May makarinig pa sayo at baka sabihing naging ex nga ako ni Drake. Alam mo namang nagpapalit palit siya ng girls simula nung nagbreak sila ng sineryoso niyang girlfriend!" Mahabang litanya ko at nanlaki ang mata ko nang nasa harap na pala namin sina Vash at Drake.

"A-ah, hi Vash! Hi D-drake." Ang sabi ni Mandy. Binati niya pa talaga yung dalawa.

Ewan ba diyan. Grabe. Kinakabahan ako. Nakatitig lang kasi si Drake sa akin. Seryoso?

dug.dug.dug.dug.

"Hi?" ~ Vash

"Ah, Mandy. Hehe." ~Mandy

Pafall [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon