A/N: Warning: Grammatical errors ahead. 😊😂bare with me po.
Phoebe Pov
"What took you so long para hindi maibigay sakin yang mga schedule na yan for this week?!" nang-gagalaiting usal ni Alexa
Dahil nakakatamad! Ano pa nga ba tss
"I-i'm sorry po" tanging naiusal ko
Sorry not sorry, pwe!
Although kasalanan ko naman,nakatulugan ko ang pag hahagilap. Sa sobrang stress ba naman sa babaeng ito. Sunod sunod ang utos, walang humpay.
Okayy Phoebe! Pinili mo 'tong trabaho na to so be it.
"Whatever!" mataray na sambit nito at tinalikuran na ako.
So that's her! The feeling entitled, Alexandra Cortez. Hindi ko na siya idedescribe pa dahil sayang lang oras ko. Hindi worth it!
Move on. Lemme introduce myself hehe
So yeah, unfortunately I am the alalay. Ni Ms. Cortez. Celebrity Assistant "daw"pero mas nagmukha pa akong slave ng isang 'to.
Mahirap maging isang assistant, lalo na kung napunta ka sa isang ubod ng kaplastikan na artista.
Hindi ko naman sinasabe na si Alexa to ah. Pero parang ganun na nga. Ewan ko ba kung bakit karamihan sa mga artista eh lumalaki ang ulo at pasimpleng pahambog porket kilala sila or whatsoever.
At ayun nga, siguro tama yung gasgas na kasabihan nila na 'don't judge a book by it's cover' dahil hindi porket maganda ang panlabas eh maganda narin ang loob. So let's just be careful nalang sa pag idolize nyo ng sino mang artista or kung sino man. Make sure that they really deserve their fans.
Like now! assistant ako ni Alexa Cortez, hindi pa man sya ganun kasikat pero grabe na kung umasta daig pa mga legendary artist sa pag
a-atittude. Kala mo naman humakot na ng sandamakmak na awards."Hey! you twig! Pakikuha naman ako ng tubig, paki bilisan din" anang Alexa
Speaking of the devil. see? utos again!
Hindi naman sa nagrereklamo ako ah, pero parang ganun na nga. Ayos lang naman sana kung prutos sya kung maayos mag approach. Kasu hindi eh. Sarap sungalngalin ng ngala ngala.
"Opo sandali lang po" tanging naisagot ko nalang
Kung pwede lang talaga mamili ng artistang sasamahan, baka wala ng alalay tong isa na to.
Sinimulan ko ng lumakad palabas ng studio para bumili na ng maiinom ng impaktang iyon. 22l
"BRUHA!?" lumingon lingon ako para hanapin kung san nang-gagaling ang boses na tumawag saken
"Over here!" si Amber
Gaya ko rin na isang assistant pero maswerte sya dahil napunta sya sa mabaet talagang artista.
"Uy tignan moto" pinakita nya saken ang isang news update sa cellphone nya.
~ "Mr. Reed Nicholas the World Class Celebrity, finally arrived here in Manila to take part on a segment show airing this week as a special judge ..." ~
"Ano meron dyan?" simpleng tanong ko
"Seriously? anang Amber na akala mo dismayado sa buhay
Tumango lang ako at pilit na ngumiti sabay lakad uli habang ang isang to panay parin ang buka ng bibig.
"Si Reed Nicholas to girl! Pride ng bansa natin dahil sa pagkakaroon ng pambihirang kasikatan world wide..tapos... tapos, ganiyan lang reaction mo?" sambit ni Amber na may pagmamalaki sa tono ng kanyang pananalita.
BINABASA MO ANG
Destined Heartbeat
Non-Fiction"He grabbed my hand and that's when I felt my heart beat for the very first time" (On Going)