"Hansol-ah? Hansol-ah?" nagpapanic na tawag ni Yoonji sa asawa niya. Kinakabahan siya dahil may nakita siyang lalake kanina sa parking lot habang pinapasok ang mga maleta niya sa kotse, kinabahan siya dahil ka-korte ng katawan ng lalake ang katawan ng asawa niya pero laking pasalamat siya dahil hindi iyon ang asawa niya.
"Hansol-ah" nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang asawa niyang natutulog sa sa kanilang kwarto. Tumulo ang mga luha niya at lumapit sa kanya. Hinahaplos niya ang buhok nito "Akala ko iniwan mo na ako" natakot kasi siya na baka itutuloy ni Hansol ang paghihiwalay nila. Minsan na siyang nawalan ng anak kaya ayaw niyang mawala ang pinakamamahal niya.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina nila para magluto ng pagkain. Niluto niya ang paboritong pagkain ng asawa niya, ang Yukgaejang (Spicy Beef Soup with vegetables). Inayos niya ang pagluto nito dahil gusto niyang makita ang ngiti ng kanyang asawa.
Tama-tama lang ang gising ni Hansol dahil katatapos lang din iayos ni Yoonji ang hapagkainan. "Gising ka na pala. Tena't kumain na tayo" tiningnan siya ni Hansol, kinakabahan siya, baka di siya pansinin. Laking tuwa naman niya nang naglakad papalapit sa lamesa si Hansol. Umupo siya sa upuan at tiningnan niya ang mga pagkain. Gyeran mari, Yukgaejang, kimchi, at kanin ang nakahain sa lamesa. "Alam kong paborito mo ang Yukgaejang. Kumain ka na"
Kinuha ni Hansol ang kutsara at sumandok ng sabaw ng Yukgaejang. Kinakabahan si Yoonji, magugustuhan kaya niya? Napawi ang kaba niya dahil nakita niyang ngumiti ang asawa niya. Sa wakas, nakita na rin niya muli ang ngiti ng asawa niya. Nagsimula na silang kumain.
"Hansol-ah" panimula ni Yoonji habang kumakain sila "Pwede ba tayong magsimula muli?" Hindi umimik si Hansol at pinagpagtuloy ang pagkain. "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya.
Napahinto sa pagkain si Hansol sa tanong ni Yoonji. Mahal niya parin ito pero napagod na siya. Nakita niyang tumulo ang mga luha ng kanyang asawa. Hinawakan niya ang mukha ni Yoonji at pinunasan ito. "Mahal na mahal kasi kita, Hansol. Hindi ko kayang mawala ka sa akin"
"Mahal rin kita" sumigla ang mukha ni Yoonji nang marinig niya iyon galing mismo kay Hansol. Matagal tagal na rin ang nakalipas nung huli niya ito narinig sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang asawa.
>>>>
Laking tuwa ni Yoonji dahil nanumbalik na sila dati. Niyayakap na siya ni Hansol, sinasabihan na siya ng 'mahal kita', hinahalikan na rin siya. Napakasaya niya dahil muli ay nagmamahalan sila. Sa muli, magpapatuloy ang storya ng pagmamahalan nila. Sa muli, nangyayari na ito sa realidad niya at hindi na sa isipan niya.
Kakadating lang ni Yoonji sa condo unit nila, hinanap niya agad ang asawa niya dahil hindi niya ito makita.
♫You're mine, my everything
You're mine, my everything
Why don't you know
Nothing can replace you♫
"Hansol?" sa muling pagkakataon, kinakabahan siya. Hindi kasi sumasagot si Hansol sa tawag niya. pumunta siya laundry room, wala siya doon. Pumunta siya sa kwarto nila, wala rin siya doon. Pumunta siya sa banyo, wala rin ito. Pumunta siya sa isang bakanteng kwarto pero wala rin siya doon. Kinakabahan siya. Napaupo siya sa sahig dahil nanghihina ang katawan niya. "Iniwan na niya ako. Hindi maari. Sabi niya mahal niya ako. Mahal niya ako. Hindi niya dapat ako iiwan. Hindi ako papayag" napahagulgol sa iyak si Yoonji. Pinagsusuntok-suntok pa niya ang sahig habang umiiyak.
Di nagtagal ay may naririnig siyang ingay. Ingay ito ng TV nila. "Hansol" agada gad siyang tumakbo papalabas ng kwarto at doon sa sala ay nakita niya ang walang ka-emo emosyon na asawa niya na nakaupo sa sa sofa, nanunuod ng TV. "Hansol-ah, san ka ba galing? Kanina pa kita hinanap—"

BINABASA MO ANG
Concealed Reality
Historia CortaSeventeen Oneshots #9 THIS STORY IS PURELY A WORK OF FICTION