That Rainy Day | Prologue
— - —
"Love, anong sasabihin mo?" nakangiti bati niya sa akin ng lumapit ako sa kaniya.
"Let's stop this." I said.
Because of what I said, agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Love, what do you mean?" puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Kita rin ang takot mula rito.
"Let's break up." pagkasabi ko noon ay agad na tumulo ang luha sa mga mata niya. Ibinaling ko ang mga mata ko sa ibang direksyon. I can't look at her.
"Love, ano bang sinasabi mo?" tanong niya. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
"Let's stop this. Let's break up." I said at tiningnan ko siya ng walang ekspresyon. Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
"Dahil ba 'to sa nangyari kahapon? Love, hindi talaga ako 'yon. Alam mo namang hindi ko gagawin 'yon." she said while crying. Isinuot ko ang hoodie ng jacket ko.
"No. It's not about that. Let's stop this. Sawa na ako." I said. Tinalikuran ko na siya at naglakad papaalis. Ngunit napahinto ako ng magsalita siyang muli.
"B-bakit?? Hindi mo na ba ako mahal?" her voice is shaking, rinig din ang hikbi niya.
Biglang bumagksak ang malakas na ulan. Shit, the timing.
"S-sagutin mo 'ko...Hindi mo na ba ako ako m-mahal?" she said at nanginginig parin ang boses niya. Hinarap ko siya at sinagot.
"Hindi na. Umuulan na, nababasa ka kaya umuwi ka na." I said at tatalikuran ko sana ulit siya ng hawakan niya ang kamay ko.
"Ayoko." sambit niya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ayaw mo ang alin? Ayaw mong umuwi? Sige. Ako na ang mauuna." sambit ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad papaalis hanggang sa makatawid ako sa kabilang kanto.
"Angelo!!!!" kasabay ng malakas na pagsigaw niya ng pangalan ko ay ang malakas na busina mula sa isang kotseng—bumangga sa kaniya.
Halos ma-istatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Halos hindi ko maramdaman ang katawan ko.
Kasabay ng malalakas na patak ng ulan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya.
"Nabangga natin yung babae!!! Ambulansya! Tumawag ka ng ambulansya!!!" sigaw ng babae sa kasama niya ng makababa siya ng saksakyan.
Hindi ako makaimik. Tuloy parin ang pagpatak ng malakas na ulan kasabay ng tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha ko habang hawak-hawak ko siya.
Inilapit niya sa'kin ang kamay niya at binuksan ito. Yung kwintas ko.
"Nahulog mo..." sambit niya.
Pagkatapos ay tuluyan na niyang naipikit ang mga mata niya.
"Love!" nanginginig ang boses ko habang umiiyak. Bakit ganito? Hindi dapat ganito ang mangyayari. Bakit??
Dumating ang ambulansya at isinakay nila siya sa loob.
— End of Prologue —
E R A: Wiiiwooo~ Another story. I would appreciate if you press that vote button! Mwaps! (○゚ε゚○)
That Rainy Day
ALL RIGHTS RESERVED © 2020 by CatastropheraNO PART OF THIS BOOK MAY BE PRODUCE IN ANY FORM. IF YOU COPY/STEAL/PUBLISH/SELL THIS BOOK WITHOUT MY PERMISSION, YOU WILL BE SUED!!!
BINABASA MO ANG
That Rainy Day (Soon!)
RomanceKasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. "Sino ka? Hindi kita kilala." sambit niya. -- Story Title: That Rainy Day Written By: Catastrophera All Rights Reserved © 2020