Chapter 2
TOK~TOK~TOK
Naalimpungatan ako dahil may kumatok sa pinto ko,kinusot ko muna ang mata ko bago pumunta sa tapat ng pinto. Ng buksan ko ito ay bumungad sa akin ang nakangiting babae na maganda at maitsura din. Kaya nginitian ko lang din ito.
“Hi,sabi ni mama baba na raw kayo at maghapunan.”nakangiti na nahihiyang sabi nito
“Ah,sige puntahan ko lang kapatid ko sa kabila.” pagpapaalam ko pero pinipigilan nya ako..
“Ah,pinuntahan na sya ni mama. Pero,ayaw nya muna rawng kumain dahil masakit pa raw ang katawan nya.” sabi pa nito kaya napatango nalang ako
“Ah,sige susunod nalang ako--.”pinutol ko ang sasabihin ko kase hindi ko pa sya kilala
“Ah,Nhessy or pwede mo rin akong tawaging Nhes.”sabi nito at ngumiti bago nya ako tinalikuran kaya ngumiti lang din ako bago pumunta sa banyo at naghilamos bago bumaba.
Nadatnan ko sina Nanay Netta at si Nhessy na nakaupo sa upuan sa mesa,umupo nalang din ako sa tapat nilang dalawa na parihong nakangiti sa akin kaya nginitian ko lang din ito.
“Magandang gabi,hija.”nakangiting sabi ni Nanay
“Magandang gabi,Dichie.”nakangiting bati ni Nhessy
“Magandang gabi din sa inyo Nanay at Nhes.” sagot ko bago umupo sa tapat nila.
“Sige kain na kayo,si Allen pala mamaya na raw ata sya.” sabi ni nanay kaya tumango nalang ako at kumain. Ang sarap talaga ng luto ni nanay,kanina ang adobo at lomi ngayon naman ang sinigang at pansit.
“Oo nga pala Dichie, sa Cassban Academy ka rin ba mag-aaral?.” tanong ni Nhes
“Ah,Oo.” nakangiting sabi ko
“Sana magkaklase tayo nuh?.”sabi nito
“S-Sana.”hindi siguradong sagot ko
“Ilang taon ka na pala Dichie?.” tanong nito
“16 ikaw ba?.”tanong ko dito bago uminom ng tubig
“Ah,magka edad lang pala tayo.”sagot nito at ngumiti kaya nginitian ko lang din ito. Ako na rin ang nagpresenta sa kanila na maghugas ng pinggan at pumayag naman sila kaya naman ng matapos akong maghugas ay agad na akong tumungo silid ko.
Tumungo ako sa rooftop at umupo sa bobong,tumingala ako sa langit at napangiti nalang ako ng pagmasdan ko ang mga bituin at ang buwan sa himpapawid. Kinuhanan ko ito ng litrato dahil sa ganda nito.
Humiga ako sa bobong habang pinagmamasdan ang mga bituin. Iniisip ko na ano kayang kapalaran ko bukas sa Cassban Academy? siguro katulad lang rin ng nakasanayan na binubully. Tsk,wala naman talagang pinagbago. Lahat naman sila mga judgemental,wala talagang tao o mga kaklase na hindi mangjujudge sa akin. Lahat naman talaga sila.
May mga nagkakagusto nga naman sa akin pero,nakakahiyanaman din. Kase nga pangit ako,hindi ako tulad ng iba na maganda. Hindi ako nagmamayabang ah?, share ko lang. Minsan nga naiinis ako kapag may nagsasabi sa aking napaka pabebe ko raw,ayaw pa raw sagutin eh gwapo naman raw. Tsk.
Talagang tama nga sila,binabase nila ang nararamdaman nila sa mukha. Tss. Bakit sa mukha ba may pag-ibig?. Kung meron man mga ulol lang ang kokonsidera nun!.
Hayst,sana hindi ako mamatay bukas. Sana bigyan mo ako ng lakas ng loob bukas,naiinis talaga ako eh. Palagi nalang kase akong mabait,gusto kong baguhin ang aking katangi'an pero bawal ayokong makasakit ng tao. Maganda sigurong ganto nalang ako habang buhay,i was born to be like this. I was born to be a pretender. And i love it.
Medyo hindi rin ako nakapag-pipigil pero nasa insaktong oras naman rin iyon,medyo nakaka-chamba naman ako.
______
“Dichie,bilisan mo dyan sa taas naghihintay na si Nhessy sayo.” sigaw ni Rhinx sa baba
“Oo,teka.”sigaw ko pabalik
Binilisan ko ang bihis ko,nagsuot lang ako ng brown hoodie na hanggang itaas ng tuhod ko at leggings na black. Tinali ko rin ang liston ng highcut ko na itim bago sinu'ot ang eyeglass ko at bumaba ng kwarto.
“Kumain kana muna baka ma-pano ka.”nag-aalalang sabi ni Nhes
“Ah,wag na. Sige na alis na tayo baka malate pa tayo.”sabi ko at nagmano muna kay nanay bago lumabas at sumakay sa kotse ni Rhinx. Ayoko kaseng dalhin ang kotse ko,baka masira pa ito. Baka pagnanasaan ng mga bullies kaya wag nalang,mahal ko pa naman iyon.
*MEAN WHILE*
Nakarating na kami sa Cassban Academy,hindi naman ako kinakabahan eh. Bahala na ang mga bituin sa kapalaran ko ngayon. Bumaba na kami ng kotse at ipinark naman ito ni Rhinx kaya pumasok na kami ni Nhes sa paaralan.
“Ah,Dich. Samahan kita dun sa office para kumuha ng schedules mo.” pagprisinta ni Nhessy. Kaya tumango nalang din ako at pumunta na kami sa Principals office. Agad namang binigay ni Mrs. Buenavente ang schedule ko,sya ang principal o president ng paaralang ito.
“Hayst,sayang hindi tayo magkaklase sa first subject kaya kita kits nalang Dich.” sabi ni Nhes at kumaway sa akin kaya kumaway nalang din ako.
“Nasan kaya ang Room 502 dito.”bulong ko sa sarili at inilibot ang tingin. Naglakad ako papuntang Second floor at..finally nandito na ako.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto,ng kumatok na ako ay agad namang nagsilingunan ang mga kaklase ko,este bagong kaklase ko.
“Good morning ma'am.”bati ko at yumuko dito
“Newbie?.”ngiting sabi nito at tumango lang din ako
“Okay come in. Class this is you new classmate,and miss kindly introduced your self.” sabi nito at agad naman akong humarap sa mga kaklase ko
“Hey,I'm Ditchie Vlesca.” maikling sabi ko. Ayokong ngumiti sa kanila. Ngumiti naman ang iba,may mga nagsasabi sa akin ng positive comments, maganda raw ako tapos cute. Basta may mga positive, pero mas malakas ang negative. Lalo na yung mga kaklase kong babae na clown yata marami sila napaka oa naman nila. Ang panget ko raw,bawal raw nerd dito. Dumumi lang paaralan at classroom raw nila dahil sa akin. Tsk,ang OA..bakit?ako lang ba ang nerd dito?. Porket nerd lang dumi na agad sa paaralan nila?. Gaga.
Hindi dumi ang tawag sa mga nerd nuh,baka kayong mga clown o bar girls ang dumi,tsk. Amputa! Aga-aga iniinis ako!
Cassban Academy,maganda ba kapalaran ko dito sa paaralan mo?. Madumi raw ako kainis!. Basta bahala na ang mga bituin sa langit mamayang gabi HAHAHA,basta stay calm,chill,stay good self. Don't ruin your beauty on hearing and minding their comments over you!.
To be continue..