Nakakasawang pakinggan ang
"Break na kami"
"Sobrang nahihirapan nako"
"Iniwan niyako"
"Di niyako mahal"
"Niloko niyako"
"Pinaasa lang niyako"
"May iba/mahal na siya"
at marami pang iba! Those words can break your heart into pieces! at dahil yan sa salitang 'PAG IBIG' ! Lagi kung tinatanong, Bakit kailangan kapa magmahal? Para san ba yan!? Oo nga, para san ba yan? Bakit kailangan ka pang masaktan pag nagmamahal ka? Bakit di nalang panain deretsyo ni 'kupido' yung taong para talaga sayo!? Bakit kailangan pa masaktan!? ang daming katanungan na gustong gusto kung hanapan ng sagot, kaso parang 'mundo' na yata mismo ang 'ayaw'!
"B-Break n-na kami" Carla. Habang yakap yakap ako...."P-pag-god na s-siya" pagpapatuloy niya, at humagolhol sa iyak. Bakit pa ba kasi kailangan pumasok sa isang relasyon? Meaning ba nun, di ka pa kontento sa anong meron ka? Isa na naming katanungan ang pumasok sa isip ko..*sighs*
“Huwag kana umiyak Carla, magiging okay ka rin” kahit kalian di ko naman alam ang mag-advice, pero ba’t ganon,pag may ‘broken’ ako lagi takbuhan? Kahit wala akong love story, namromroblema parin ako. Hanggang dito lang ba ang kapalaran ko? Maging taga ‘advice’ lang sa mga broken? tanong na naman na gustong gusto ko nang malaman ang kasagutan..
“Salamat andry, at nakinig ka sa kadramahan ko ngayon” sambit ni Carla at ngumiti. Kinuwento niya kase ‘lablyf’ niya. Lahat ng nagpapa-advice saken pare-pareho yung kwento, nagsimula sa ‘masaya kami dati’ at dinugtungan ng ‘hanggang’ nakakalungkot yung ending.. laging.. “ Break na kami!” Magmamahal pa ba ako? panibagong katanungan na naman. Baka matulad lang ako sakanila. Tanging naisip ko.
“Wala lang yun” sambit ko at nginitian siya. Naubusan naba ako ng kupido?Wala kase akong ‘lablyf’ tulad nila. Kung ganon, ang ‘swerte’ ko kung wala man, kasi di ako ‘masasaktan’.sana nga.
Umuwi nako pagkatapos, ayoko ng magkaroon ng panibagong ‘customer’ na magsasabing “Andry! B-Break na k-kami” Diyos ko! Di ko na yata kakayanin, mauubos na yung laway ko kaka-advice, at masyadong nakakapagod mag comfort! Pero kahit ganon ok lang naman, kahit nakaka-irita minsan, kahit nakakasawa, mawawala lahat ng yun pag marinig mo ang salitang ‘salamat.’
Naligo nako at nagbihis, sinuot ko yung black na t-shirt na may batman, ta’s nagpajama ako ng kulay pink, umupo nako sa edge ng kama ko para magsuklay, tumingin ako sa salamin, maganda naman ako, matangkad, maputi, makinis ang balat..Ok naman ah, siguro minalupitan ako ng mundo, ayaw niyakong magka-lablyf..hanggang taga advice lang ako ng mga broken, hindi naman sa nagmamadali, pero kase, nakakainggit, hindi naman ako ‘man hater’ sadyang marami lang akong 'what if's' sa buhay..at 'baka'! -_-"
-Flashback-
“Andry..ma-m-maha-al k-ki-ta” sambit ni John, kaklase ko. Nandito kami ngayon sa Grand Stand, kase P.E namin ngayon, tsaka maglalaro kami ng Volleyball. [Grade 6 pa ako sa mga panahong iyon]. Kahit pautal-utal ang pagkasabi niya, at halos di marinig, at maintindihan, alam kung ‘mahal kita’ ang lumabas sa bibig niya.
“John,siguro di mo pa ako mahal..siguro ‘crush’ lang” sambit ko at nginitian siya. Nakita ko siyang namumula at parang naiiyak, dala siguro ng ‘hiya’ niya, at alam kung halo halo ang emosyon na nadarama niya ngayon..
“Eh kahit n-na! G-gan-non parin y-yun, An-ndr-ry, g-gusto k-kit-tang m-mag-ging g-girlfriend s-sana p-pwede k-kita-ng l-li-ga-wan.” he said with his shaking voice. Pagkatapos niyang sabihin yun, yumuko siya. Gusto ko si John, noon, pero pinigilan ko, kase lahat ng love story, di nagtatapos sa ‘happily ever after’ nangyayari lang yun sa fairytale, masasaktan lang kami, ang reyalidad ay walang Happy ending! Walang forever! at yan ang dahilan, kung bakit ako ganito, lahat ng ‘bagay’ ay inu-unahan ko, ako yung tipong ayaw magsisi sa huli. .Bakit pa ako magmamahal? tanong ko sa sarili ko..*sighs* humarap ako sakanya..
“J-John..a-ay-yoko..—“ sambit ko ng nanginginig..di ko kase alam kung anong mangyayare...kinakabahan ako. Pero di niyako pinatapos, bigla nalang siyang tumayo at tumakbo..
-End of Flashback-
Siguro, di kasalanan ni kupido yun! o nang mundo! kundi…Ako! Binibigyan ako ng ‘love life’ ako mismo ang ‘ayaw’..Ngayon.’.nagseselos’ ako sa kung anong nakikita ko sa daan..sa eskwelahan..mga mag nobyo’t/bya…naiiyak ako tuwing ‘Valentines Day’..kase feeling ko..nag-iisa ako..Feeling ko..di ako nag-e-exist sa mundo, sa araw ng mga puso..at ang drama amputa! -.-“
Ngayon…ganon parin…di parin ako nagbabago..hindi ako bitter sadyang ganito lang ako…at mas lalong hindi ‘bato’ ang puso ko..at ngayon natatakot na naman ako..paparating na naman ang pesteng ‘valentines day’ nayan! Ako na naman kawawa..para na naman akong nanunuod ng soap opera sa telebesyon..ako na naman ang ‘loner’..ako na naman ang pagtatawanan..pagpe-pyestahan ng chismis.. ‘Maganda nga, single naman!’ yan ang palagi kung naririnig..ang sakit lang.. T^T
Masyado nakong madrama, ayoko nang pag-usapan, iiyak na naman ako na parang wala ng bukas...at ang sakit na ng katawan ko..masyadong nakakapagod ang araw nato, kaya pagkatuyo ng buhok ko humiga nako..pipikit n asana ak--. Gusto mo ba magka- lablyf? muntikan nakong mahulog sa kama ko ng marinig ko yun, hinanap ko kung sino yung nagsalita, wala naman. -,-“ lumabas ako para hanapin yung nagsalita..
‘Gusto mo bang magka-lablyf?’ [Radyo] -,-“ Radyo lang pala! Putek! Teka ano daw? Lablyf!? O_O
Lablyf? Anong kalokohan yan!? Bakit maibibigay niyo ba? ang tanging nasa isip ko,mga tao talaga ngayon, kung anu-anong kalokohan ang nalalaman..*sighs*
‘Alam kung wala kang lablyf hahahaha’
O_O T-too b-ba to!? Hindi coincidence lang ang lahat! kontra ng isip ko. Nilipat ko yung station, di ko na kakayanin ko anong susunod sasabihin ng baliw na ‘DJ’ na yun! Paglipat ko sa ibang station, naboboring ako, parang.. parang…hindi ko alam kung bakit binalikan ko ang station na iyon, siguro masyado akong nako-curious kaya binalikan ko.
‘Kung gusto mong magka-lablyf say ‘yes’ yun lang’
Say yes? ano yun? rude?! Can I have your daughter for the rest of my life? Say yes, say yes! tsk! Kalokohan! Pag nag ‘Yes’ ba magkaka-lablyf na!? parang sasabog na yung utak ko, kung ano iniisip ko! Siguro kung tao to! Kanina ko pa to binatukan! (-,-“) Ano to!? Magic!? Sasabog yung radyo kase nag ‘yes’ ka ta’s lalabas yung prince charming ta’s may lablyf kana!? Ganon ba!? Aalis nako dahil walang kwen—
‘Akala mo ba niloloko kita? Hindi to kalokohan! Ano namang mawawala sayo pag nag ‘yes’ ka?’
Ang weird! O_o Seriously, para niyakong kinakausap! Coincidence lang ba talaga ang lahat ng to!? At isa pa “Ano namang mawawala sayo pag nag ‘yes’ ka?” Oo nga! Ano ba mawawala saken!? Ay Andry ano ba!? Huwag kang magpapaloko! Uso ‘lokohan’ ngaun! Per—
“Yes” Nagulat ako sa sinabi kung yun! L-lumabas b-b-ba t-tal-laga s-sa b-ibig k-ko y-yun? Binatukan ko ang sarili ko, at totoo nga! >.<
‘Yes!? hahaha napa-yes karin! By the way, mag antay ka lang at magkaka-LOVE LIFE karin’
Agad akong tumakbo sa kwarto ko. Ni lock ko yung pinto, baka maya maya may paa pala yung radyo namin eh! (-,-“) O di kaya sasabog yun, lumabas yung prince charming ko, ta’s susundan ako dito! Ta’s tatanungin ako, ‘Will you be my Girlfriend?’ Accchhkk! Ang OA! Amputa! -_- Masyadong akong nababaliw kakaisip sa pesteng radyo nayun! (>.<)
“Magkaka-lablyf din a-ako?!” sambit ko. Waaaaa! Diyos ko wag naman sana! Sasabog na yung utak ko sa mga bagay bagay na ‘walang katotohanan’. Andry isipin mo nalang, nananaginip kalang! Agad nakong humiga…
“Love Life!?” sambit ko uli't...pumikit na ako at natulog..
Please Comment, Vote, & Be a Fan! –Author (^.- )
BINABASA MO ANG
Bakit pa ako magmamahal?
Teen FictionPrologue: " Bakit pa ako magmamahal? Ganon parin, " BREAK NA TAYO " ang ending! "