CHAPTER 4

19 4 0
                                    

*****

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit sa bagahe, dahil maya maya ay babalik na ako ng maynila at mag iistay duon ng ilang araw para makapag sabi sa mga kaibigan  na uuwi akong Mindoro kong nasaan ang pamilya ko, Naroon ang iba naming negosyo, mga resorts na nakikilala na dahil sa ganda ng lugar

Duon din ako lumaki, nag aral ng elementary sa isang kilalang eskwelahan, ng maging high school ay pinili kong lumipat sa isang pampublikong paaralan ang katwiran ko, " pare parehas lang iyang paaralan , parehas ng tinuturo depende na yon sa estudyante kung gusto nilang matuto o hindi" nakipag talo pa ako kina mom and dad nun dahil ayaw nila but because i'm their only daughter napapayag ko sila sa kung ano ang gusto ko dahil gusto ko ding maranasan ang buhay ng estudyanteng nag aaral sa pampublikong paaralan

Napapailing na lang ako, ayaw ko mang umalis ay hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.

Dahil sa tuwing mag tatagal ako sa isang lugar kung nasaan siya ay bumabalik sa isipan kong naging isa akong kabit ng hindi ko nalalaman, para bang tinatakasan ako ng hangin kapag ka ganun

Tumagal din ng mahigit isang taon ang relasyon naming dalawa ni tom, ang tingin ko sa kanya ay isa siyang ideal man, mabait, sweet, maalaga at may roong plano sa buhay kaya lang nag iyon na nga sa dami ng plano niya nakaligtaan ko yung isa at di namalayang naging isa akong kirida ng hindi ko nalalaman

Matapos kong makapag ayos ay hila hila ko ang maliit na itim na traveling bag na dala ko, nakasuot ako ng isang puting tube na tinatabunan ng polong hindi naka butones, short na maong na hanggang kalahati ng aking binti, naka fliplops din ako na kulay asul at naka messy bun ang buhok mapula din ang aking labi, ngumunguya pa ako ng bubble gum na nabili ko kahapon

Nang nasa lobby na ng hotel palabas ay may naka bangga ako, napapikit ako sa takot na matumba ngunit may roong brasong sumalo sa akin kaya't napasandal ako sa dibdib niya ramdam kong matipuno ito kahit mayroong pumapagitan sa aking palad at kanyang dibdib nasasalat ng palad kong maganda ang pangangatawan nito

"Ohh damn, your chest are so hard, I felt like, I was falling into a hard ground"

Mahinang Ani ko na kaming dalawa lang ang nakakarinig at tiningnan ang mukha ng lalaking sumalo sa akin

Oh shit! Ang gwapo naman nito,may roon pa palang tulad niya na nag-eexist talaga mala adonis ang dating

Teka! Parang siya iyong lalaking umupo sa tabi ko kagabi

"You should be careful nextime miss"

Pati ang boses gwapo, napa ayos naman ako ng tayo at lumayo ng konti sa kanya, may mga taong naka tingin sa aming dalawa

Maya maya pa ay may lumapit sa aming isang lalaking hindi naman katandaan, naka suot ito ng itim na slux at polong puti naka suklay din patalikod ang buhok, ang manager ng hotel

"Is there something wrong here Miss Havier?"

Tanong nito sa akin at ngumite

"Nothing's wrong i'm fine"


Napalingon naman ako sa lalaki

I show him my sexy smile, baka isipin nitong nandidiri ako kaya lumayo sa kanya

"I will mister,"
Sagot ko sa kanya "thank you, need to go now baka maiwan ako, by the way i'm Quinzel you can call me baby"

Ani ko at kinindatan ito napatitig nanaman ito sa mukha ko, hindi ko na ito hinintay mag pakilala at tinalikuran ko na ito at baka maiwan ako ng bangka pabalik sa kabilang isla kung nasaan ang port pabalik ng manila

Narinig ko pang kinakausap ito ng manager pa layo

Nang makalabas ng hotel ay nag hintay lamang ako ng masasakyan patungo sa kung nasaan ang mga bangka

Panay bati lang ang ginawa ko sa mga turistang nakaka kilala sa akin, may roon ding mga nag papakuha ng litrato karamihan ay mga dalagita

*****

THANKS A LOT FOR READING!
DON'T FORGET TO VOTE & COMMENT!


 LOVE GAMEWhere stories live. Discover now