Letter.

41 0 0
                                    

Dear Fictional Character,

                I believe in you.

                Noong unang basa ko pa lang ng pangalan mo, alam ko ng mababago mo ang pananaw ko. Sa umpisa pa lang ng naturingang storya mo, alam ko na. Maeenjoy ko to. Sa bawat paglipat ko ng page nadadagdagan ang mga bagay na alam ko sa iyo. Nakakatuwa nga ang pagkahilig mo sa libro. Yung sobrang naglalaan ka talaga ng oras sa bawat araw makapagbasa ka lang.

                Nalaman ko ring may paninindigan ka pala. Nung sinabi mong gusto mo na siya hindi dahil sa mukha kung hindi sa ugali, natuwa ako ng sobra. Sana may pag-asa. Ikaw rin kasi ang nagpaintindi sa akin na kahit na may magawang masama sa iyo ang isang tao, wag mong lalahatin. Ikaw nga naloko na ng mga tao sa paligid mo at kung anu-anong hirap na sa buhay ang napagdaanan pero ganyan ka parin. Ikaw na nga lang yata ang natitirang may ugaling mala-cinderella, snow white at ang iba pang mga prinsesa. Prinsesa nga dapat.

                Alam mo kahit mapasok ka sa sobrang bibigat na problema nandito lang ako. Nagmamasid sa bawat galaw mo. Pilit na iniintindi ang bawat desisyon mo. Bakit mo hinahayaang mabalewala ka ng pinaniniwalaan mong Prince Charming? Sayang kasi, hindi na lang ako.

                Naiintindihan mo rin ba ako? Hindi ko na mabitawan itong librong hawak ko. Sa aking imahinasyon may tayo. Kahit sobrang hirap ng sitwasyon na ito. Magpapaka-commited ako para lang sayo. Ako kasi alam yung halaga mo. Hindi katulad ng lalaking sinasamahan mo ngayon. Wala naman akong magagawa kasi yun yung nakatadhana sa atin. Yung relasyon na lang sa imahinasyon. Doon sa lugar na pwede tayong magkatagpo.

                Hindi mo nga alam ang epekto mo sa akin. Tuwing natutuwa ka kasama siya, hindi ko maiwasang masaktan. Gusto ko na sanang isara ang libro kaso naisip ko na mawawalan tayo ng koneksyon. Sa bawat pag-iyak mo sa taong hindi naman dapat sayo mas nasasaktan ako. Masakit kapag sobra-sobra ang nararamdaman mo at hindi mo man lang alam ang nararamdaman ko. Gusto kong sirain yung libro mas lalo na kapag siya parin ang hinahanap mo. Nagpapakatanga ka kahit na nandito naman ako.  Sana lang kasi alam mo.

                Tayo ang nagpapatunay sa magkabilang mundo. Kung saan sa bawat page hindi pwedeng magkasama tayo. Kahit na subukan ko hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paanong magkakasama tayo bukod sa imahinasyon ko. Yung kaya nating gawin lahat ng bagay ng walang nakaharang. Sana nga no? Sana…

                Naalala mo pa ba yung naturingang second lead guy sa kwento mo? Parang ako rin yun. Nagmamahal na nga sayo mas pinipili mo parin ang ibang tao. Lagi namang kasama mo pero siya pa rin talaga hinahanap mo. Makakasama mo kapag feeling mo wala ng gusto pang sumama sayo. Magtatanggol sayo sa maling Prince Charming mo. Pero sa dulo hindi mo pa rin pipiliin.

                Naalala ko pa na sa sobrang frustration ko sa ating dalawa nagsubok akong maghanap ng iba. Yung makakasama ko talaga. Kasi ikaw mayroon ka naman, mali nga lang. Noong una nainis pa ako sa kanya kasi ang kulit niya talaga. Kasama kita noon sa ilalim ng puno, inaalam ko kasi kung anong nangyayari na sa iyo. Gusto ko kasi updated ako. Gusto ko kasing nandoon ako kapag narealize mong hindi pala siya ang Prince Charming mo. Nakiupo lang siya noon sa tabi ko at ginulo na ako. Puro siya tanong kung bakit ako palaging nag-iisa at nagbabasa lang ng libro. Nagalit pa nga ako sa kanya ng sabihin niyang wala akong mapapala sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung dahil hinduhusgahan niya ang ginagawa ko o pinapamukha lang niyang hindi pwedeng magkaroon ng tayo.

                Gusto ko mang iwanan niya na lang tayo ay hindi ko magawang paalisin siya. Alam mo bang sa mga kwento niya magkasingtulad kayo? Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang sabihin yun para nasa kanya na ang atensyon ko pero bigla ko na lang naisip na simula pa lang pala nakuha na niya ang atensyon ko. Baka kasi siya na ang hinahanap kong ‘ikaw’ sa mundo ko. Baka siya na yung pwedeng makasama ko. Yung walang harang, yung walang napakalaking gap. Kasi siya abot kamay ko na. Ikaw nasa kamay ko nga pero istorya mo lang ito at wala akong ibang magagawa kundi basahin ang kwento mo.

                Ilang araw ko rin siyang nakasama at aaminin kong imbes na yung oras na nilalaan ko palagi sayo ay para sayo lang talaga, minsan nakukuha na niya. Napakasaya niyang kasama. Parang nagkakatotoo yung ‘ikaw’ dahil sa kanya. Siya na nga yata ang version mo sa mundo ko. Ang swerte ko.

                Isang araw nakita ko na lang na malapit na pala sa dulo ng libro yung bookmark na may pangalan mo. Ginawa ko yun noong birthday mo para sana regalo ko sayo kaso hindi ko naman maibibigay sayo. Hindi kasi kasing dali lang ng paglalagay sa sobre at isulat kung kanino at saan ibibigay para lang makarating sayo. Masakit tanggapin ang realidad ng mundo. Natakot akong ipagpatuloy ang pagbabasa sa kwento mo. Ayokong matapos na agad. Ayokong makitang iba pa rin ang pipiliin mo at hindi ako. Hindi kasi pwedeng ako.

                Mag-isa lang ako noon at bigla ko na lang naramdamang gusto ulit kitang makasama. Matagal rin simula noong nakilala kita ay buong oras ko palaging nasa iyo. Palagi naman akong kuntentong pinagmamasdan lang ang nangyayari sa buhay mo. Kaso alam mo yung naduduwag ako? Hindi ko kakayaning matapos ka na lang bigla sa buhay ko. Pwede ko pa namang basahin ulit mula sa simula. Pero ayoko namang palaging masaktan. Kasi sa kwento mo saksi ako sa pagkakakilala niyo, sa pagkakagusto mo, sa bawat pag-iyak mo, at hindi ko pa kayang makitang siya pa rin ang pipiliin mo hanggang dulo. Ayoko man ay binasa ko pa rin. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin.

                Nabasa ko sa isang chapter ng kwento mo na nagbalik ka na pala sa pagbabasa ng libro. Naalala ko kasi simula noong nagkagusto ka na sa pinaniniwalaan mong Prince Charming, nawalan ka na ng oras sa hilig mo. Naaalala mo pa ba yung librong nagustuhan mo? Yung librong may bidang lalaki na walang ginawa kundi magpantasya sa love story nila ng taong hindi niya makakasama. Yung lalaking sobrang nagmamahal sa taong hindi niya kayang maabot.

                Nagulat pa nga ako sa naging reaksyon mo. Akala ko kasi matutuwa kang ikaw ang bidang babae sa kwento ko. Ikaw yung tinutukoy ko na taong hindi pwede sa akin. Ikaw yung nasa mundong hindi ko kayang tawirin. Akala ko nandun na tayo sa puntong hindi mo ako matataggap. Kasi nga hindi tayo pwede di ba? Pero mas nagulat ako ng bigla kang magkwento sa harap ng librong hawak mo. Sa harap ng librong may kwento ko na nagpapakabaliw sayo.

                Nabanggit mo noong bigla mong tinigil ang pagbabasa sa kwento ko. Sinabi mong hindi ka lang tumigil dahil sa pagkakakilala mo sa Prince Charming mo, ikaw rin kasi nahuhulog na. Naalala ko pang ugali ang pinagbabatayan mo. Inamin mong sa bawat salitang nagde-describe sa akin sa kwento kong ito, ikaw rin ang nahuhulog. Ikaw rin naman pala nagkakagusto. Pero ang pagkaka iba natin ay nung na-realize mong nahuhulog ka na kumapit ka. Pinigilan mo dahil hindi pwedeng maging tayo. Hindi natin kayang maging tayo. Samantalang ako hinayaan kong patuloy lang na mahulog.

                For every line we are connected. In every word we know we’ll be together. Even just in our imagination. Our reality hurts our fictitious existence.  Loving a fictional character was falling for someone we can never be with. We fell and realized that we are fictional characters in our different world.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A letter to a Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon