Oo nga pala (One shot)

1.2K 46 4
                                    

HE:

"Noah, bagay kayo ni Sam. Kayo na noh?" tanong ng isang kabarkada namin

"Psh. Hindi." Sabi ko.

SHE:

Gusto ko sanang magalit nung tumanggi ka sa tanong na yun kaso oo nga pala hindi nga pala tayo.

"Paano magiging kami niyan eh friends lang talaga kami? Kayo talaga ang issue niyo!" Sabi ko nalang.

HE:

Friends.

Friend lang talaga ang turing niya sa akin. Gusto kong magwala. Gusto kong magtampo kaso oo nga pala hindi nga pala tayo.

SHE:

"Sus! Friends friends niyo ulol niyo. Sa lovers din ang uwi niyo." Asar pa nila.

Napatingin tuloy ako kay Noah. Nakakahiya. Baka maging awkward kami pagtapos nito.

HE:

Napatingin ako sakaniya at nakitang nakatingin din siya sakin.

Bwisit! Namumula siya. Gusto ko siyang halikan ulit.

"Hindi naman kami gagaya ni sam sa iba. Friends forever kaya 'to." Sabi ko pa habang inaakbayan siya.

SHE:

Dahil sa sinabi niya, nanghina ako bigla. Nakakaasar!

Inalis ko yung pagkakaakbay niya sakin.

Nagwalk-out ako. Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Naasar ko sa sarili ko. Bakit ba ako nagagalit sayo? Eh wala naman akong karapatan diba? Hindi kasi tayo. Walang tayo.

HE:

Nagulat ako sa pag-alis niya. Natulala lang ako habang tinitignan siya na papalayo.

"Anong nangyari dun?" Tanong ng ibang kabarkada.

"Sundan ko lang ah. Baka kung ano pang mangyari dun." Sabi ko.

Binigyan nila ako ng makahulugang tingin.

Bakit? Masyado ba akong naging halata? Halata ba na gusto ko siya? Ah shit!

Bahala na. Hinabol ko si Sam.

SHE:

"Sam!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

Pakshit na yan akala ko nakalayo na ako eh.

Hingal na hingal siya.

"Sam teka!" Patuloy lang ako sa pag lalakad.

"Sam galit ka ba?" Napaharap ako sakaniya.

HE:

Nagulat ako nang humarap siya saakin. Nakabusangot ang mukha niya.

"Hindi." Sabi niya sa pinakacold na tono.

Naiinis ako sakanya. Bakit niya ba ko pinahihirapan?

Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya napasigaw na ako.

SHE:

"Sam bakit ka ba nagagalit?" Pasigaw niyang tanong kaya napatigil ako pero hindi ako humarap sakaniya.

Bakit nga ba?

"Naiinis ako sayo Sam! Ang paasa mo!"

"Ano? Ako pa ang paasa ngayon?" Nasa harap ko na siya ngayon.

"Di ko mapigilang isipin na kaya ka nagagalit kasi sinabi ko sa mga kaibigan natin na friends lang tayo." Sabi niya.

HE:

"Na kaya ka nagwalkout kasi ayaw mong hanggang friends lang tayo." Dagdag ko pa.

"Ang paasa mo talaga." Bulong ko habang nakayuko.

"Ako pa ang paasa huh?" Nagulat ako sa tono ng boses niya.

"Eh sino kayang manghahalik nalang bigla tapos hindi ka papansinin ng halos isang linggo?" Sabi niya.

Shit! Yun yung halik na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

SHE:

"Oh? Ano! Sino satin ang paasa?" Sabi ko.

"Oo na! Naasar ako dun sa sinabi mo kanina. Ayoko na hanggang friends lang tayo."

"Nakakainis ka sa totoo lang. Bakit kailangan mo pang ipagdiinan na hanggang dun lang tayo?" Naiiyak na ako pero pinigil ko dahil gusto ko malaman niya.

Pagod na ako eh. Di ko na kayang itago.

"Gusto kong magalit sayo! Ang paasa mo eh pero haha oo nga pala hindi nga pala tayo. Anong karapatan ko?"

END.

Thank you for reading! Sana basahin niyo din iba kong story. Hehe feel free to vote, comment and follow me kung gusto lang oks bye.

Oo nga pala (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon