♠One♠

26 1 0
                                    


KEZIAH'S POV

*KRIIIING *KRIIIING* *KRIIIING*

Isang malakas na alarm clock ang gumising sa buong diwa ko. Anong oras na ba?

O____

>____O

O____O

10:15am?! Halaaaa!! Ngayon 'yung launch ng bagong album ng favorite band ko! Baka maubusan na'ko! Haiissttt.

Tumakbo na'ko sa loob ng cr at naligo na syempre.

**

Asan na ba 'yung album na 'yun? Naalala ko may star star effect pa 'yun eh. Bakit ba kasi walang saleslady o salesman dito?! Hayyss.

Ayun! Ayun 'yun! Tinakbo ko na yung album! Nag-iisa nalang eh. Ayan na. Malapit na. Mahahawakan ko na. Malapit na malapit na talaga. Ayun na. Nakuha ko na! Pero may isa pang humawak! Aba! Nakuha ko 'to una! Tumingin ako doon sa kaagaw ko, gwapo pero halata sa aura niya na masungit siya

"Miss, bigay mo na." Sabi niya na medyo cold. Aba! Ako unang nakakuha, ikaw makakakuha? Aba! Syempre hindi ako magpapatalo!

"I'm sorry mister, but I got this album first." Pagkasabi ko n'un, hinablot ko yung album. Diba? I won.

Tumingin ako 'dun sa lalaki, kinuha niya yung phone niya at may diniall siguro. May tinawagan siguro, nakinig ako syempre.

"I'm sorry sis, pero hindi ko nakuha 'yung album eh. Sorry, may nakakuha na eh."

Bwiset! Pinarinig pa kasi eh! Konsensya ko pa! Edi no choice!

Akma na sanang aalis 'yung lalaki pero hinawakan ko yung braso niya. "Sige na, kunin mo na. Marami pang next time." Tumingin siya sa'kin at nag-bow. Pumunt siya sa cashier at binayaran na 'yung album tapos lumabas na siya.

Tinititigan ko pa'rin siya hanggang paglabas niya nang bigla siyang ngumisi.. What? Loko-loko?

Ibig sabihin, hindi totoo yung kanina? Hindi totoong may sister siya na pagbibigyan niya ng album?

BWISETTTTT!!! FUUUUDDDGGGEEE!

Maka-uwi na nga lang! Badtrip! Lumabas ako ng store na parang nalugi sa lotto. Badtrip!

**

Pag-bukas ko ng pinto, si mama na may maleta agad ang bumungad sa'kin. Hala? May trip ba kaming dalawa? Wala naman siyang sinabi ah?

"Sakto Keziah anak, magma-migrate na'ko sa South Korea. Sabi kasi ng papa mo, kailangan niya daw ako 'dun para sa business natin." What? Migrate? Agad-agad?

"Paano 'yan ma? Wala akong kasama?" Hala. For pete sake! I can't live alone. "Don't worry, tinawagan ko na 'yung anak ng bestfriend ko at siya ang makakasama mo. Binigay ko na 'din ang number mo sa kanya." Sabi ni mama. Ah ganun ba, okay.

Our Twisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon