CHAPTER 8

2 0 0
                                    

LEXINE RAIZE'S POV

Sa totoo lang, ngayon nalang ulit ako kakanta. Ilang buwan na ring hindi nagagamit ang gitara ko sa bahay. Kaya ngayon, grabe ang kaba ko.

'Kung hinde mo lang kaarawan, malilintikan ka saken, Heli!'

Nang maiayos na ang music ay umakyat na ako sa stage. Sinulyapan ko ang table namin. Nagcheer pa sakin ang tatlo. Tsk! Hinde ko kasalanan kung masira ang eardrums niyo. Hehe'

Nagsimula na ang intro. Grabe maghiyawan ang mga imbitadong tao sa party. Akala naman may nangyayaring concert. Baka batuhin ako ng mga to pag hindi nila nagustuhan ang boses ko.

{When I Look At You} by Miley Cyrus

-Everybody needs inspiration, Everybody needs a song-♪

-A beautiful melody, When the nights so long.-♬♪

-Cause there is no guarantee, and this life is easy....-♩♬

Kung maghiyawan ang mga nanonood. Parang nagcoconcert na ko. Intro pa lang ang kinakanta ko pero parang nasa the voice ako. Hinde naman maganda ang timbre ng boses ko.

-Yeah when my world is fallin' apart, when there's no light to break up the dark.-♬♪

-That's when I, ahh, I look at you.-♬

- When the waves are flooding the shore and I can't, find my way home anymore-♬♩♪

-That's when I, I, I look at you, when I look at you.♬♪

Grabe humiyaw si Heli, nakatayo pa. Sina Ashly at Rian ay napahawak pa sa dibdib. Hinde naman to lupang hinirang ah? Nagpatuloy lang ako sa pagkanta. Kahit grabe ang kaba ko, pinagpatuloy ko parin. Para hindi ako sapukin ni Heli.

Nang matapos ko ang buong kanta ay mabilis akong naglakad at bumaba sa stage matapos kong magbow. Dumeretso ako sa table namin. Ramdam ko ang paningin sa akin ng mga tao.

Pagkarating ko sa table namin ay bigla nalang akong hinila ni Heli dahilan para mapaupo ako sa mismong upuan ko. Agad akong niyakap ng tatlo. Anong nangyayari sa tatlong to?!'

"H-hoy! H-hindi ako makahinga!" Bumitiw na sila ng pagkakayakap. Si Heli ay parang naiiyak na. "B-bakit ka umiiyak?!" Tanong ko sa kaniya.

Pinunasan pa muna niya ng tissue ang luha niya saka nagsalita. "Namiss ko kasi yung boses mo. Ilang buwan ka nang hindi kumakanta o naggigitara man lang." Sagot niya.

"Ang ganda ganda ng boses mo, Ize! Totoo ba ang sinasabi ni Heli? Ilang buwan ka nang hindi kumakanta? Bakit?" Takang tanong ni Ashly.

White NinWhere stories live. Discover now