Teaser

6.8K 146 2
                                    

SHIT! This is not enough information, detective!" singhal ni Gaurish at kaagad na napatayo sa swivel chair. Nagpalipat-lipat ang masamang tingin niya sa folder at sa lalaking detective na nakaupo sa harapan niya. He looked scared but fuck, he doesn't give a damn. He didn't hired the detective for nothing.

"Mr. Del Fredo, I'm sorry to say this but the subject is hard to find right now. Mahirap ang ganitong kaso lalo na kung ni isang picture ng babae ay wala kayong maibigay. Hindi sapat ang lahat ng impormasyong binigay mo para matukoy kung siya nga ang hinahanap natin," kalmadong wika ng detective.

Napasuntok siya sa lamesa. Bahagyang natinag ang mga gadgets na nakapatong roon. "That's why I'm paying you an enormous amount of money. Find the right girl and bring her to me, right away."

"But it's---"

"Talk back and you're fired," banta niya. Hindi lamang simpleng banta iyon kundi isang babala. He can do whatever he say. Hindi niya sasayangin ang milyones na binabayad rito para lang bigyan ng walang kwentang dahilan ng detective na ito.

Napalunok ito at mabilis na yumuko. "Patawad, Mr. Del Fredo. Pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya para mahanap ang tagapagmana."

"Good. You can leave now," umupo siyang muli sa swivel chair at marahang hinilot ang sentido. He pressed the intercom and speak to his secretary. "Dianna, ask the receptionist if the bunch of girls are still at the main entrance."

"Yes, sir." Then she ended the line. Maya-maya ay nakakonektang muli ito. "Sir, nasa labas pa sila ng kompanya. Ang mga security guard naman po natin ay mahigpit silang hinaharangan. They are still waiting for your signal, sir. Masyado na silang dumadami at sinasabing isa sa kanila ang tagapagmana ng mga Pajanel."

Naikuyom niya ang kamao. "Pakisabi sa security team, paalisin silang lahat. Kapag nanlaban, ipakulong."

"Copy, sir."

Pabagsak siyang sumandal sa upuan. Naibato niya ang walang kwentang folder na naglalaman ng kakarampot na impormasyon tungkol sa tagapagmana.

Now, lalo lamang siyang mahihirapan ngayon. Those bitches are scattered around his company and claiming that they are the rightful heiress.

Again, he pressed the intercom. May sasabihin siyang importanteng bagay na nais ihabol sa sekratarya. "I changed my mind. Huwag mo na silang paalisin. I will talk to them one by one." At saka niya pinutol ang linya. Tumaas ang linya ng kanyang labi. Kung hindi niya mahahanap ang tagapagmana, bakit hindi siya maghanap ng maaaring maging tagapagmana?

Heiress for Hire Book 1 (Completed) Available on DreameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon