Chapter 2

0 0 0
                                    

"Oh! Ka musta naman yong una mong pasok sa Las Encinas University?"

Tanong sa akin ni Nicole. Kaibigan ko slash kapit-bahay ko na rin. Sya iyong kaibigan kong sinasabi na pumasok sa ibang campus.

Nandito kami sa harap ng aming bahay. Nakaupo sa isang di-kahoy na upuan na pahaba ang style.

Napabuntong hininga ako dito.

"Ayon, ok lang naman. Nag-a-adjust pa sa paligid doon. Nakakalungkot rin dahil wala pa akong naging close, sa ngayon" sagot ko sabay tingin dito.

"Bakit ba kasi sa iba ka pumasok, kong pwede naman doon para magkasama tayong dalawa" maktol ko dito. Tinawanan niya lang ako kaya mas lalong napasimangot ako sa kaniya.

"Mahina kasi yong IQ ko kumpara sa iyo. Paniguradong di talaga ako papasa sa entrance exam. Kong doon naman ako papasok paniguradong butas yong bulsa ko sa sobrang mahal ng tuition fee" natatawa nya paring sabi sa akin. "Nakapasa nga ako sa scholarship pero sa school lang kong saan ako nag-aaral ang kaya ng sponsor ko. Hindi kagaya sayo na ang yaman ng sponsor kaya doon ka nakapasok"

"Ang sabihin mo lang ayaw mo talaga. Madami pa namang gwapo do'n" biro ko dito.

Agad naman itong napalingon sa akin.

Tingnan mo 'tong babaeng to, kapag usapang gwapo titingkad agad agad ang tenga.

"Di nga?" di naniniwalang tanong sa akin. Inikotan ko lang ito sa mata.

"Totoo?" Pangungulit nya sa akin.

Muntik na akong mahulog sa inupoan ko dahil sa biglang pagyogyog sa balikat ko. Binigyan ko ito ng masamang tingin pero hindi ito nadala sa takot ng tingin ko dahil panay parin ito sa pagyogyog sa akin.

Kung makayogyog akala nya isang papel lang ako.

"Manahimik ka nga" inis kong singhal dito. Umayos ako sa inupoan ko at hinaplos yong balikat kong nasaktan dahil sa pangyogyog sa akin. "Sakit mong mangyogyog. Muntik mo narin akong ihulog dito. Bruha ka talaga"

Napa-peace sign ito sa akin. Inirapan ko lang ito.

"Sayang naman. Sana pala doon ako pumasok. Usap-usapan din kasi yan sa campus namin na ang ganda daw doon. Doon daw nag-aaral iyong sikat na Basketball player na si Joshua Lee Saragena. Totoo ba?" Tumingin ito sa akin. Umayos ako sa kinauupoan ko.

"Di lang maganda. Sobrang ganda. Kumpleto sa mga gamit. Meron na sila lahat doon. Kaya nga ang mahal ng tuition eh. Hindi lang bulsa mo ang butas, pati narin tiyan"

Napatawa si nicole sa sinabi ko kaya napatawa na din ako.

"Hahahaha, grabe ka naman. Pati talaga tiyan!"

"Eh, ganon talaga"

"Pero totoo talagang doon nga nag-aaral yong crush ko?" Kunot noo ko itong tiningnan.

Naguguluhan kong sino bang crush ang tinotukoy nya na nag-aaral din daw sa pinapasokan kong paaralan.

"Sino?"

"Si Joshua Lee Saragena, iyong sikat na basketball player ng campus nyo. Kasasabi ko nga lang sa pangalan nya. Tinaguriang campus crush nga siya ng paaralan nyo" sungit nito.

"Sorry, huh! Di ko kasi kilala iyang tinatawag mong campus crush na crush mo" sungit ko rin sa kaniya. "Bakit, pagkain ba yan?"

"Oo" agad na sagot nya sa akin kaya napasapak ako dito sa braso nya.

"Ang landi mo talaga" imbis na magalit napatawa na lang ako sa bestfriend ko. Kahit kelan talaga ng babaeng ito.

Naputol lang iyong pagku-kwentohan namin ni Nicole ng tawagin ako ni nanay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon