Amanda Avonne Ferrer is an Hotel and Restaurant Management graduate at kasalukuyang nagtratrabaho sa isang sikat na resort sa Cebu, ng makatanggap ng mensahe tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Nasa California, USA ang kanyang tunay na ina kaya naman naubos ang halagang ipinamana ng kanyang mga adoptive parents niya na sina Dr. Charles at Ma. Teresa Ferrer para sa kanyang pamasahe.
Pero worth it naman ang kanyang mga nagastos dahil naging masaya ang reunion nilang mag ina, kahit na may sarili nang pamilya ang ina.
Isang nursing student si Melanie Cuesta ng mabuntis kay Amanda. Dahil estuduante pa, napilitan ito na ilagay ang anak sa bahay-ampunan. Lumipas ang maraming taon at siya ay nakatagpo ng isang amerikanong businessman na kanyang pinakasalan at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na parehong nasa elementary ages pa.
"Mag stay ka nalang sana dito sa amin anak. Gusto kong magkasama na tayo".
"Ayokong maging pabigat sa inyo ma. Besides, you already have your own family now."
"Maraming kakilalang hotel and restaurant owners ang Tito Tom mo, anak. Matutulungan ka niyang makahanap ng trabaho".
" Talaga ma? Papayagan niyo rin po ba akong bumukod ng tirahan pag nagka trabaho na ako?"
"Oo naman anak." Pag sang-ayon ni Melanie. "Sana lang, dalasan mo ang pagbisita sa amin. Matagal na akong sabik na sabik sa iyo anak.""Thanks ma. Promise, dadalasan ko ang pagbisita sa inyo." Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi bilang pasasalamat.
Naging madali nga na nagkaroon ng trabaho si Amanda. Kasabay nito ang paglipat niya sa isang apartment, kasama ang isang ka trabaho at naging best friend na si Shane Smith na isang Amerasian para di gaanong mahirapan sa pagbabayad ng renta.Dahil kay Shane, nakilala niya si Franco Montemayor. At dahil kay Franco, nakilala niya si Zeke, ang lalaking pumukaw sa kanyang pusong bato, pinakasalan-- at tinakasan makalipas ang isang taong pagsasama bilang mag asawa.
Si Zeke Morillo, tanging lalaking nagpalasap sa kanya ng langit at impiyerno. Ang dahilan kung bakit na siya nakapagpakita sa ina. Madadalang na phone calls at unaddressed email messages na lamang ang kanyang kayang gawin para kahit papaano ay mayroong silang komunisyong mag ina.
Dalawang taon na ang nakalipas, pero nagtatago parin siya sa kanyang mapaghiganting ex- husband. Ang tanging naiisip lamang niyang solusyon sa problema ay ang pag file ng annulment, ngunit kulang pa ang savings niya para dito.
Hanggang kailan matatapos ang kanyang pagtatago??
------Follow me on my social media accounts
Facebook: Ivony Tajolosa
Twitter: Iboneyyytajolosa
YOU ARE READING
Zeke's ex wife
General FictionJetsetter playboy at jewelry tycoon si Zeke Morillo-Montealto. Bukod sa gwapo ay napaka macho niya, kaya naman lahat ng babae ay nakukuha niya sa isang tingin lamang--- pero hindi kay Amanda Avonne Ferrer. Walang epekto sa kanya ang kung ano-anong s...