PARENTS
Ano ba para satin ang salitang parents?
=diba sila ang dapat igalang, mahalin, alagaan, at irespeto?Sa buhay natin ibat iba tayo ng kinikilalang magulang. Sa bawat magulang na yun may mga mababait mapagmahal at iba pa.
Pero yung nararanasan ng ibang mga anak ay nararansan ko.
Yung feeling na wala ka ng magawang mabuti para sa kanila kasi lagi nalang nilang napapansin yung mali mo hindi sila marunong makaappreciate ng mga nagagawa natin..
Minsan nagawa mo naman lahat ng inuutos nila pero para sa kanila wala lang yun, may isa kalang na hindi nagawa walang kwenta kana agad
Hindi nila naiintindihan kapag nagpapaliwanag ka sa kanila. Kasi para sa kanila sila ang laging tama, sila lagi ang may karapatan, sila lagi ang bida.
Ang ibang parents ay di marunong tumanggap ng mali nila, mas pinapairal nila ang pride nila para di nila mattangap na may mali silang nagawa, kahit di man sinasadya.
Mahirap ba sa kanila na makaappreciate kahit maliit na bagay lang na nagawa mo?
Bakit hindi sila marunong makuntento kung anong kaya mo lang gawin?
Bakit ang hirap nilang intindihin, kahit sabihin pa ng iba na hayaan nalang intindihin nalang....pero ang hirap eh sobrang hirap..Dahil sa sobrang hinanakit mo sa parents mo nagiging depress kana
Sobra sobra na yung naiipon mong sakit sa puso mo, yung galit,tampo mo sa parents mo.Dimo na alam gagawin. Puro nalang tayo mali sa paningin nila..pero yung ibang tao na wala man ginagawa yun pa ang naaappreciate nila
Ito pa.....
Yung mga magulang na IKINOKOMPARA TAYO SA IBANG TAO
Bakit nga ba sila ganyan?
Kasi nga lahat ng gusto nila gagawin natin kahit labag sa loob natin.Hindi naman tayo yung pinagkukumparahan eh. Iba tayo sa iba.....iba nga
Kung gusto nila sila nalang anak nila diba
Nakakainis na nakakaiyak lagi na kinocompare sa iba
Dahil naiisip natin na
Lahat naman ng best natin ginagawa naman natin pero hanggang ngayon wala eh yung ibang tao parin ang gusto nila ang naaappreciate nila.Ito pa....
Yung mga magulang na sinasaktan ang anak ng pisikal
Sobrang sakit nun para sa anak dahil nasasaktan sila..
Di nila maipagtanggol ang sarili nila dahil kapag ginawa nila yun mas lalo silang masasaktan.
Minsan nagiging makasarili ang mga magulang dahil sa ibat ibang dahilan at nagiging mapride, walang appreciation sa anak,, saka minsan di natin nararamdaman yung love nila satin.
Siguro nga may mga ganyang mga magulang at meron ding mapagmahal na magulang yung nakakaintindi tlga sa anak
Na minsan hinihiling natin na sana sila nalang parents ko
Pero hindi eh sila ang binigay ng Diyos para satinKaya dapat tanggapin natin
Kung nangyayare man satin to
Magpray nalang tayo
Wag tayong susuko na ipakita at sabihin natin sa parents natin na may mali din sila
Kung ayaw nilang tanggapin hayaan nalang natin sila
Wala naman mawawala satin ehKung naiiyak tayo tuwing nanngyayare to iiyak lang natin lahat
Dahil para mawala ang bigat kahit papano sa loob natin
YOU ARE READING
HEARTBREAKS
Short StoryHanggang kailan ba makakaranas ng sakit ang isang tao kung ang mga tao na sana siya ay minamahal ay sinasaktan siya ng paulit ulit hanggang sa mawala na sa kanya lahat. Makakaya niya pa kaya na lumaban sa buhay? Dahil sa sobrang sakit na nararamdam...