~=~=~=~=~=~=~=
Ang mga tao sa paligid natin ay mahilig sa mga hayop. Mga hayop na katulad ng pusa, aso, rabbit at marami pang iba.
At hindi ako kasama sa mga taong 'yon kasi ayaw ko sa kanila.
Nakakapagod mag-alaga, lalo na aso. Kapag kasi pumupunta ako sa bahay ng mga pinsan ko, nakikita ko kung paano sila magbigay ng time sa mga alaga nilang aso. Araw-araw pakakainin o di kaya lilinisin yung kulungan. Diba? Nakakapagod.
Ayaw ko din sa pusa. Pero yung hinayupak na kasama ko sa tinutuluyan ko, meron. May breed pa nga. Amputa.
"Riley! Open the door!" sigaw ko mula dito sa labas ng apartment na tinutuluyan namin ng boyfriend ko.
"RILEY!!!" sigaw ko ulit pero sinasabayan ko na ito ng katok.
"Wait lang!" nang sumagot na siya ay tinigil ko na ang pagkatok at nag-antay.
"What took you so long to open the damn door?" Tanong ko pagkabukas niya ng pintuan.
"Pinagalitan ko yung pu-"
"Ano 'yan anak mo? Hindi ka naman maiintindihan niyan kahit pagalitan mo pa 'yan!" Galit na galit kong sabi at nang makita kong kalalabas lang sa kusina yung pusa niya, napairap ako.
"Chill! Hindi naman ikaw ang nag-aalaga niyan." Aniya habang nagkakamot ng ulo dahil sa inis at tumalikod.
Nahiga ako sa sofa para makatulog. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko, may naramdaman akong malambot sa paanan ko.
Tinignan ko kung ano ito at agad na nag-init ang ulo ko.
"tangina Riley alisin mo nga yung pusa mo dito!" sigaw ko at pilit na itinataboy sa sofa yung pusa.
"Kumain ka na daw sabi niya." Sambit ni Riley habang busy sa paglalapag ng mga plato sa lamesa. Lumapit ako para tulungan siya.
"Bakit ba galit na galit ka kay Gracy?"
Nagtataka ka ba kung sino si Gracy? Siya lang naman ang karibal ko kay Riley. Siya lang naman 'yon. Yung lintik na siamese.
"Nakakairita nga kasi 'yang pusa mo! parang siya yung girlfriend mo imbis na ako! Hinayaan mo pa'kong mag-antay dun sa labas kasi pinapagalitan mo? Parang tanga lang!" sumbat ko at tinawanan niya lang ako.