ANG sarap siguro kung lahat ng kahilingan mo natutupad.Kapag may gusto kang libro nabibili mo,kapag gusto mong makapunta sa mga booksigning events napupuntahan mo.Kaso di lahat ng oras sangayon ang iba sa gusto mo.
Sa isang tahimik na gabi,isang babae ang di pa tulog at patuloy na nagbabasa sa kanya cellphone.Bigla nyang itinigil ang pagbabasa ng marinig niyang bumukas ang pinto at doon ay sumilip ang kanyang ina.Dahil sa pagkabigla hindi na sya nakapagtulog tulugan.
"Liz bakit gising ka pang bata ka anong oras na, sa susunod na maabutan kitang gising ng gantong oras kukunin ko na yang cellphone mo,puro ka nalang basa ng basa puro ka puyat kapag ikaw nagkasakit nako kang bata ka,matulog kana nga,akin na yang cellphone mo"sabi ng kanyang ina.Ngunit naging mabilis ang kilos ni Liz at natago na nya ang kanyang cellphone bago pa nito makuha.
"Ma naman matutulog nako,labas na"saad ni Liz na sinunod naman ng kanyang ina.Hindi na niya pinagpatulog ang pagbabasa at natulog nalamang .
KINAUMAGAHAN pagkagising si Liz ay kaagad siyang tumayo upang maligo at magbihis.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya sa hapag kainan upang kumain ng umagahan.Nakita niya ang kaniyang ina na naghahanda ng kanilang kakainin.
"good morning ma"sabay halik sa pisngi ng kanyang ina."Good morning pa"sabay halik sa pisngi ng kanyang ama.
"Buti naman at nagising kana, sa susunod na maabutan kitang gising ng ganong oras kukunin ko na talaga iyang cellphone mo"saad ng kaniyang ina na kaniyang binalewala lamang at kumain.
PAGKATAPOS magagahan ay dumiretcho siya sa kanyang silid upang maglinis.Dahil narinig na niya ang gate ng kanilang bahay na bumukas ay lumabas na siya ng kanyang kwarto upang maglinis ng bahay.Dahil umalis na ang kaniyang mga magulamg ay pumunta siya sa kawarto ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki.
"Kuya,gising na kumain ka na"sabi niya habang kumakatok sa pinto ng silid nito.Kaniya namang sininod ang kwarto ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki.
"Ace,gising na kumain ka na"sabi niya habang kumakatok.Hindi na nya hinintay na lumabas ang mga ito at dumiretcho na lamang sa kaniyang kwarto.
Habang hinahanap niya ang charger ng kaniyang cellphone ang bigla na lang may kumatok sa pinto ng kanyang silid,ng buksan nya ito ay nakita nya ang kanyang nakababatang kapatid na si Ace.
"Ate patulong naman abutin yung gatas sa cabinet di ko abot ehh"sabi nito."Sige,wait lang bababa din ako"saad nya at sinarado ang drawer ng kaniyang damitan dahil baka doon niya nalagay ang kaniyang charger.Pagkababa nakita niya ang kanya kuya na kumakain sa sala habang nanonood ng spongebob.
YOU ARE READING
The reader's wish
RomanceIsang babaeng mambabasa na madaming kahilingan sa buhay. Isang lalaking mayaman na ubod ng kabaitan. Isang kaibigan na hindi ka iiwan.