Prologue

12 2 0
                                    

10 years ago

"Habulin mo ako!", pang-aasar ni Garrett, ang aking best friend. Tumakbo siya papuntang slide. Nasa playground ng park kasi kami sa tapat ng bahay namin.

"Ano ba?! Alam mong hindi ko kayang tumakbo nang mabilis!", Hingal na hingal na ako. May asthma rin kasi ako. Kaya hindi ko kayang tumakbo nang matagalan.

Tumigil si Garrett sa pagtakbo para tingnan ako. "Ang taba mo kasi eh! Ang hilig mo pa sa chocolate at junk foods. Hay nako!", umupo siya at nagre-ready mag-slide.

"Masarap kasi pinapakain sa akin ni Mama kaya chubby ako, e ikaw? Payatot! Walking Skeleton! Bahala ka diyan",

"Hoy Katrina! Ang pikon naman nito", tinalikuran ko na siya. Sakto namang nakita ko si Mama papalapit sa amin.

"Rina! Rett! Kain na sa bahay, naghi-hintay na sina Ate Kate mo. Dali na", sabi ni Mama, naka-tsinelas siya at may hawak na dalawang lampin. May birthday party sa bahay. Birthday kasi ni Ate, 8th birthday. Ako naman ay next year na rin magiging 8.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan niya ako. Nakita ko si Garrett na nag-slide at lumapit na rin.

"Hi Tita!", ngiting-ngiti naman na bati niya.

"Oh bakit nakasimangot itong si Katrina, Garrett?", takhang tanong ni Mama habang pinupunasan ang likod ni Garrett. Si Garrett naman ay napakamot naman ng ulo.

"Ang bilis kasi mapikon ni Rina, Tita. Sinasabi ko lang naman ang totoo", nakangusong sagot niya.

"E ano ba ang sinabi mo?", pinunasan naman ni Mama ang ulo nito dahil basang-basa ng pawis.

"Na mataba siya kasi mahilig siya sa chocolate at junk foods hehehe", kinurot ko siya sa braso at nabigla siya.

"Asus naman, Katrina. Totoo naman pala sinasabi ni Garrett eh. Atsaka parang di ka naman nasanay diyan", sabay kurot sa aking pisngi. Lalo lang ako napasimangot dahil parang ipinagtatanggol niya pa itong stick na ito.

"Oh tingnan mo, Katrina! Agree si Tita sa akin", ngiting tagumpay na sabi niya.

"Hay nako, Garrett. Baka paglaki ni Katrina at pumayat siya ay maging crush mo na siya. Nako nako", sabi naman ni Mama.

"H-ha? Tita naman! Imposibleng pumayat iyang si Rina! Sa takaw niyan?", nagsimula siyang mamula.

"Hindi natin alam, anak. Halika na nga at nagugutom na ako", ngiting sabi ni Mama. Kami naman ay natahimik na lamang.

Naglakad na kami pauwi. Tatlong minuto lang ay nasa bahay na kami. Naririnig ko na rin ang ingay ng mga bisita, mga kaibigan ni Ate.

Sa aming magkakapatid, si Ate lang ang may maraming kaibigan. Parehas kami ni Kuya Kevin na pili lang ang mga kaibigan. Sa totoo lang ay palagi akong inaasar ng mga kaklase (kaibigan na rin) ni Ate kapag nakikita nila ako. Hindi nalang kumikibo si Ate kasi ayaw niyang mawalan ng kaibigan.

Pumasok na kami sa bahay at nakita ko lahat ng kaklase ni Ate. Buong klase ang inimbita niya. Nakita ko rin ang aking crush na si Kuya Aaron. Siya naman ang aking tagapagtanggol sa mga kaklase ni Ate.

Nakita kong nagbubulungan ang mga kaibigan ni Ate, nagsisimula nanaman sila. Pumunta na si Mama sa kitchen at kami naman ni Garrett ay naiwan sa sala kaya talagang sinamantala na nila ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost (Forever Your Favorite Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon