Sana Ako Na Lang Siya

2 0 0
                                    

Kasalukuyang naghahanda ang mga ssg officers sa kanilang ginawang booth. Damang-dama mo ang espirito ng Valentine's kahit late na. Ang daming heart na mga design at kahit anong pakulo pa nila.

Excited ang karamihan sa pagpapalista ng mga pangalan ng gusto nilang maikasal sa marriage booth at ikulong sa jail booth. Ang iba ay sekretong inilagay ang pangalan ng kaibigan nilang humahaba ang leeg sa pagmamasid sa crush nito. Kahit sino ay 'di kayang magpahuli sa selebrasyon.
Lalo na ang mga kaklase ko, naguusap-usap na ang mga ito sa kung sinong maswerteng couples ang mapagtripan.

“Dapat si Claude at Marie ang isulat nila sa marriage booth” sabi ng kaibigan kong si Merlyn.

“Hala oo nga bagay naman kasi sila” sabi ni Dalen.

“Tsk, nakalimutan niyo atang broken si Claude kay Marie ngayon.”

“Kaya nga eh, para naman maexperience ni Claude na ikasal sa babaeng mahal niya.”

“Aasa lang siya kung iyon ang ibig niyong sabihin.”

“Hala, huwag mong sabihing inlove ka pa rin kay Claude?”

Napatahimik ako kasi sa totoo lang nasasaktan ako na nakikita kong naging matamlay si Claude, ang dating Claude na palabiro bigla na lang naging tahimik. Bali-balita raw noong Valentine's Day ay may surpresa sana siya kay Marie pero 'di niya alam may nauna na sa kaniya, ang best friend niya. Naputol ang hinanakit ko nang kumaripas na ng takbo ang lahat patungo sa marriage booth.

Nagsisimula na ang lahat na sumaksi sa pagiisang dibdib ng mga namumulang pisngi ng babae at tenga ng mga lalaki.
Ang pari ay ang kaklase kong si Claude na kahit nakapari man ang suot ay kitang-kita mo ang kagwapuhan.

Ang ibang ssg officers ay naglibot na sa kung sinong nakalista ang pangalan. Namataan ko na nilapitan nila si Marie ang gusto ni Claude at si Ivan na best fried ni Claude. Marami sa aking kaklase ang nagulat dahil alam nila ang sitwasyon ni Claude ngunit wala silang nagawa dahil hinila na ang dalawa.

****
Parang nanonood lamang kami ng teleserye na ang lalaki ay natupad ang kaniyang hiling na makitang lumalakad ang kaniyang mahal patungo sa altar pero 'di sa kaniya at ang masaklap pa ay siya pa ang pari ng kasalan.

Nakita ko nang kahit anong isuot ni Marie ay maganda na siya pero ang makita siyang nakasuot ng puting bestida at belo na may hawak na bulaklak ay sapat na upang malunod ako sa inggit. Dahan-dahan siyang naglalakad papunta kay Ivan at malungkot namang tumingin si Claude sa kanila.

Tulad ng orihinal na kasal ay sinambit ni Claude ang mga katagang sinasambit ng pari.

“Marie Pallejo do you take this man Ivan Racad to be your lawfully husband? In sickness and poor, in healthy and rich?” gasgas na tono ni Claude.

“I do father.”

“How about you Ivan Racad, do you take this woman Marie Pallejo to be your lawfully wife?...”

“I do father.”

Napaiyak na lamang ako sa panonood kay Claude na pigilan ang kaniyang luha. Alam kong nasasaktan siya ngayon dahil triple ang sakit na makita ko siyang nasasaktan. Kung pwede lang sana na ako na lang ang mahalin niya, kung sana makita niya ako na babaeng nagmamahal sa kaniya at hindi isang kaklase lang niya. Matagal ko ng pilit na tinatago ang nararamdaman ko, alam ko kasi iba ang hinahanap ng puso niya, nakakaiinggit si Marie kasi kahit na sinaktan niya si Claude patuloy pa rin siyang minamahal nito. Hindi ako mahilig humiling pero sa unang pagkakataon, hinihiling ko na sana ako na lang si Marie, sana ako na lang siya— ang babaeng minamahal ni Claude.

Broken Fragments Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon