PROLOGUE

1 0 0
                                    

[Note: Typographical and grammatical errors ahead. This part is barely edited.]

FB Account: Athena Suzette
FB Group: Athena's Stories

Enjoy reading!

- - -

@Montago's Residence

Abala sa pagbabasa si Lucy nang may kung anong tumama sa cover ng librong binabasa. Pinagsawalang bahala niya ito saka pinagpagtuloy ang pagbabasa.

Kasabay ng paglipat niya ng pahina ng libro ay ang muling pagtama ng kung ano sa libro niya.

'Putek. Isa pa. Isa pa talaga,' pagbabantang sarili niya lang ang nakaririnig.

Nag-focus ulit siya sa pagbabasa.

'What's in a name?
That which we call a rose by any other name,
would smell as sweet.'

Madrama niyang paulit-ulit na binasa ang linya ni Juliet sa isip.

Ipinhihiwatig kasi ni Juliet Capulet dito na siya ay "in love". She has fallen in love with Romeo, who belongs to the family of their rivals, the Montagues, and his name makes it very difficult for them to be together. 

Kaya't iginigiit ni Juliet Capulet na ang pangalan ng mga bagay ay hindi mahalaga, ang importante ay kung ano ang bagay na pinangalanan.

In Juliet's case, Romeo being a Montague doesn't matter to her, as long as it is Romeo that she loves.

For the third time, something poked her book. Kaya naman, namumula niyang ibinaba ang libro, at handa na sanang murahin ang nagbabato nang saktong pumasok ang isang piraso ng adobong mani sa bibig niya. 

"3 POINTS FOR MONTAGO!" sigaw ng bunso niyang kapatid na si Kian na para bang isang announcer sa isang basketball game.

Lucy angrily munched the nut on her mouth as her sharp gaze went to Kian.

"Wala akong kinalaman ate!" depensa ni Kian, di pa man nagsasalita ang ate niya. "Naglalaro lang ako ng NBA dito sa phone,"dagdag pa niya. 

"Sinong "Montago" ang naka-3 points, Kian?" madiing tanong ni Lucy.

"Ako--"

"Naman pala--"

"Pero ate, yung player ko dito sa phone yung sinasabi ko," halos mangiyak na si Kian kakapaliwanag sa ate niya.

Ayaw na ayaw kasi ni Lucy ang naiistorbo, lalo na kapag nagbabasa.

"Not me!" Marco, Lucy's elder brother waved both of his hands infront of his chest.

Lumipat ang mga mata niya kay Nico, ang nakatatandang kapatid nila na abalang nagbabasa. 

Si Lucy na ang umiling para sa kuya. 'Nah. He wouldn't do it, Lucy,' she scolded herself as she eyed her suspected brothers.

"Oh sige. Ako na! Ako na ang bumabato sa sarili ko habang nagbabasa. Ako na'tong may tatlong kamay na binabato ang sarili. Magaling na Lucy," sarkastikong hayag ni Lucy saka hinampas sa sariling noo ang librong hawak.

"I didn't know that my girlfriend was born with Polymelia Disease," lumabas mula sa likuran ng inuupuang sofa nina Kian at Marco si Romeo, na may hawak na isang paketeng adobong mani.

[A/N: Polymelia Disorder- is a birth defect in which an affected individual has more thanbthe usual number of limbs. A baby born with four arms, for example.]

Napanguso si Lucy. 'Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?'

"Good morning, my sunshine," ngising bati ni Romeo sa kanya.

Leap (a Novelette)Where stories live. Discover now