PROLOUGE

49 3 3
                                    

ringing...




[Oh Lly napatawag ka?] rinig niyang sabi ni Renz sa kabilang linya.




[Lly? Why? Do you have a problem?] sunod sunod na tanong nito sakanya.




Tumikhim muna si Lly bago sumagot sa kaibigan,



kaibigan lang ba?  Tanong ng nasa isip niya.



[Ah w-wala naman Renz ahm..' huminga sya ng malalim '.. may itatanong sana ko p-pero sana hindi ka m-mailang kasi alam m-mo na et----]



[Etong satin?] putol ng nasa kabilang linya.


Napapikit s'ya ng marahas [Ah oo me-medyo naguguluhan na kasi ako a-ah ano bang meron t-tayo? Kasi di'ba alam mo naman na may girlfriend ako..] parang sasabog ang puso niya sa kaba.



[Llyque mahal kita] ani ng nasa kabilang linya na nakapag patigil sa kanyang pag hinga.




[Five months na tayong ganito pero kung hindi mo kayang bitawan yung girlfriend mo ihinto nalang natin 'to, para walang masaktan. Para hindi tayo parehong mahirapan.]



shit.


Huminto si Azel sa tapat ng cr dahil kanina pa n'ya napansin na nandun si Lly ng akmang kakatok siya at sa hindi inaasahan narinig n'yang may kausap ito sa.. cellphone?


"...isang buwan Renz hayaan mo tatapusin ko na 'tong relasyon namin, mahal din kita."


Nung hindi niya na makayanan ang sakit bumalik nalang siya muli sa kusina at sinubukang hintayin si Llyque na lumabas ngunit masyado itong nagtatagal na kausapin ang..


sino nga ba 'yon?




Ano bang pag-kukulang ko? Ano pa bang kailangan kong gawin.. Pag kausap niya sa sarili at hindi namalayang may tumulo na palang luha sakaniyang mga mata.


Mapait s'yang napangiti. Kung saan ka sasaya, nangako akong susuportahan kita. Nag labas s'ya ng mabigat na buntong hininga.



Kaya ko'to, kakayanin ko.


___________



[Aasahan ko 'yan Lly.. sige na baka nag tataka na si Azel masyado ka nang matagal sa cr] meron syang hindi mapangalanan na emosyon sa boses ng binata. Hayaan na nga.


[Sige bye, i love you] matamis nyang bigkas at pinatay na ang tawag.


Siya ay nakalabas lamang ng cr after 50 minutes, ganun niya katagal na nakausap sa telepono ang binata.


Pumunta siya sa kwarto nila ni Azel dahil baka nandoon ang kasintahan ngunit wala ito, nag punta rin siya sa kusina ngunit ang naabutan na lamang nya ay ang sulat na naka dikit sa pinto ng mini ref nila na sulat kamay ni Azel.



'Lly tumawag kasi sakin si mama emergency raw tawagan mo nalang ako kung naka labas kana sa cr, hindi na kita kinatok kasi mukhang busy ka, tsaka kumain kana d'yan tanghali palang naman i-ref  mo nalang yung matitira tutal hindi naman mapapanis yan. Text ko nalang sayo kung kelan ako uuwi. I love you'

Un'ultima Volta (one last time) | ON-GOINGWhere stories live. Discover now