Kakaibang Dalaga (A tagalog poem)

14 0 0
                                    

Napakagandang nilalang
Na may kurba ang beywang
Buhok mo'y kasing liwanag
Ng bituin na kumikinang

O' kay sarap mong mahalin
Ngunit hindi tayo tatanggapin
Ika'y tumatakbo sa aking kaisipan
Mananatili hanggang sa hulihan

Isa kang prinsesa
Na matatagpuan sa kalawakan
Hayaan mo akong ika'y pagpantasyahan
Sa mundong puno ng kaligayahan

'Di ko inakalang ika'y may buntot
Buntot na pinoprotektahan ng kaliskis
Lumalangoy ka sa katotohanang di ka totoo
Sirenang mahal ko

~~~~~

Background story: (Tagalog)
Mahilig ako noon sa mga sirena (mermaids) basta anything na nasa karagatan. Feel na feel ko pa nga ang pagaala-Ariel habang naliligo. Hahahaha.

Sumakto rin ang pagsabi saakin ng guro ko na gumawa raw ako ng isang tula na may koneksyon sa Marine or Underwater. Ang unang pumasok sa isip ko ay mga Sirena kaya ito ang nagawa ko.

Ako'y natutuwa rin sa impresyong ibinigay nila saakin. Maganda raw ito at nakakabilib na ginawa ko ito sa harapan nila. Mayroon man akong mga mali sa pgasusulat ng tula, nagpapasalamat pa rin ako dahil inyo akong tinuturuan kung ano ang tama. Dios mabalos, mga mahal!

[Next will be the English Version]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Poetic Journey (Author's Story)Where stories live. Discover now