Disclaimer: This is a fictional story any circumstances that you may find similar to real life situations are purely coincidental. The characters are not furthermore affiliated to any living being. This story contains themes that are not suitable for audiences that can't handle heavy dialogues and scenes.
Happy Reading, Chings!
××××
"walang hiya!" napa-sabunot ako sa sarili ko. 7:20 na at 7am ang first class ko.
Hindi man lang nila ako naisipang gisingin. Nag-madali akong naligo, hindi na ako nakapag almusal. Sa pantry na lang ako bibili.
naka-cross fingers akong lumabas ng bahay dala-dala ang backpack ko. Hindi na ako nag-abalang mag-suklay dahil late na ako.
"tangina," sinisipa ko na ang mga bato sa harapan ko dahil walang dumadaan na jeep o kahit tricycle man lang.
Malayo ang bahay namin mula sa University na pinapasukan ko kaya kailangan talaga isang oras bago ang scheduled time ay umaalis na ako, pahirapan ang pag-c'commute rito sa lugar namin.
"para!" kinaway-kaway ko ang mga kamay ko para mapansin ng driver.
Dali-dali akong bumaba sa jeep nang huminto ito sa tapat ng University.
Tumatakbo ako papunta sa gate nang harangin ako ng school guard namin kaya napa-hinto ako sa pag-takbo. Hinihingal na ako.
"ID?" masungit na tanong niya, naka-taas pa ang kaliwang kilay.
Nag-mamadali kong hinanap sa bag ko ang ID ko nang mapansing hindi ko pala suot iyon.
Tanginang buhay 'to.
Naiwan ko pa 'yung ID ko!
"hehe.. naiwan ko po ata" ngumiti ako sabay kamot sa ulo.
"nako napaka iresponsable na talaga ng nga kabataan ngayon" umiling-iling siya halatang dismayado.
Maka-iresponsable naman si kuya, di ba pwedeng nag-mamadali lang?
"kuya sorry po, papasukin niyo na po ako late na po kasi ako kaya naka-limutan ko po 'yung ID ko" pag-mamakaawa ko.
Pina-pirma ako sa student's log book at binigyan ng violation slip. Ugh! mag-r'reflect ito sa report card ko!
Bahala na. 8:30 na nang maka-rating ako sa harapan ng classroom namin. Kinakabahan akong pumasok dahil na-tiyempo pang ang terror teacher namin ang attendant ngayon! Dalawang subject ang na-miss ko.
"Good Day, Miss. Pardon me for being late. May I come in?" kinakabahang sabi ko
Nabaling naman saakin ang atensyon ng buong klase. Wtf, Lord kunin mo na 'ko.
"you're too early for tomorrow, miss Ximena," masungit na sabi niya na di man lang ako tinapunan ng tingin at tuloy pa rin sa pag-susulat.
"I'm so sorry, Miss. I had a hard time finding a mean of transpo," Magalang na pagpa-paumanhin ko.
"ahuh, white lies," she said, still not looking at me
"quickly, go to your seat you're interrupting our discussion," Masungit niyang pag-utos.
Yumuko ako at mabilis na tumungo sa upuan ko. Fuck, ang sungit ng matandang 'to ah. Palibhasa tumandang dalaga kaya tuyot na tuyot.
YOU ARE READING
Gambling With Havoc [On-going] [Havoc Series #1]
Teen FictionHi, This is a story of a teenage girl who may seem carefree and wildly extravagant at your first glance, but little did we know that this lively young lady is dead in the inside. She was revived by this young man whom at the end buried her totally. ...