una hindi pangalawa

6 0 1
                                    

Hi! My name is Jaypee. Yes jaypee pangalan ko. Bat ako nandito? Na bored lang. HAHAHA. Guess what? Walang scratch scratch kung ano maisip ko tinatype ko lang ngayon. Lemme just tell u the other reasons why I'm here. Alam mo kasi mahirap pag maraming kulang sayo especially pag nasa pinas ka. Madali lang akong magkagusto sa babae, pero I always ended up saying " hanggang gusto nalang kita, malabo kitang makuha". Sino ba naman kase maiinlove sa mukha to? Meron siguro, nung unang panahon, nung di pa nag babase sa itsura ang mga tao. Aminado akong isa ako sa nag babase sa itsura ng magugustuhan ko, pero kahit gano ka kapanget pag nagustuhan ko ugali and mindset mo gusto na rin kita. Madami na kong naka chat ngayong quarantine, karamihan friendzone. Takot sila kase baka quaranfling lang daw. I'm not that type of guy. Di ko pag pupuyatan ang isang babae para makipaglaro lang ng nararamdaman. Oh baka sabihin mo puro harot, umalis ka na dito kung ganon HAHAHA jk. Alam mo kase iba yung feeling pag masaya ka dahil sa isang tao. Iba yung saya. Tipong di ka mabobored, at kahit ma bored man alam mo sa sarili mo na di lang saya ang habol ko dito. Ito yung time na masasabi mo sa sarili mo na "Gusto ko syang makasama habang buhay" , "lord pag ito nakatuluyan ko, ako na pinaka masayang tao sa mundo", "lord gusto ko bumuo ng pamilya kasama sya". Gabi gabi kang mapapadasal na "lord pag ito nakatuluyan ko mag babago ako". Feel mo ko?
Sana feel mo ko. Sorry kung medyo magulo to. Bored lang talaga ko, pero salamat sa time. Sana di ko nasayang oras mo. HAHAHA putek bat parang ending agad wait lang hindi pa!

.
.
.

Madaming tanong sa utak ko.
Mga tanong na alam kong tinatanong nyo rjn sa sarili nyo.
Andaming bakit.
Andaming pano.
Pero may isang tanong na pinaka tinatanong ng lahat
"Bakit naghihiwalay kung mahal na mahal nila ang isa't isa?"
Maraming sagot jan, dipende rin kase sa situation. Pero i ta-try kong ipaintindi sainyo.
Majority na reasons ng ganyang break up is thirdparty. Mahal pala nila isat isa bat nag hahanap pa ng iba. Alam mo kase maraming pagkukulang satin e. Walang taong perpekto. Kaya kahit anong pagmamahal mo jan, kung hindi ka tapat sa jowa mo, mag hahanap yan or ikaw mismo ng wala sa kanya na meron sa iba. Isa lang naman sikreto ng matibay na relasyon. Yung tiwala lang.
Tiwala ka sakanya, kaya sakanya ka nag oopen ng mga rants mo sa buhay.
Tiwala ka sakanya kaya di ka overprotective.
Tiwala ka lang, kase kung may tiwala naman sayo yan di rin mag hahanap ng iba yan.
                                 TIWALA
Isa sa pang patibay ng relasyon,
Matibay ang relasyon pag may tiwala.
Para sa relasyong may direksyon,
Para sa pagmamahal na di mawawala.
Naniniwala ka ba sa pag ibig na walang hanggan?
Sa hanggang dulo walang iwanan?
Sa kahit anong mangyari di kita sasaktan?
Pero iniwan ka paring luhaan,
Sa gitna ng walang tigil na pag ulan,
Ng mga salitang binitawan,
Para ikay saktan.
Oo, mahal ka nya.
Pero di sapat yung "mahal kita"
Para masabing hindi ka na luluha pa.

Ops ops kala mo broken oh HAHHAHAHA
may pinag huhugutan ka boi?
Paalam na! Mamaya ulet okaya bukas pag wala paren nag chat. HAHAHHAHAHA

____________
||June 25, 2020 ||
—————————

Ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon