ISSBILY

498 6 0
                                    

Naalala ko pa nun. Nagtataka ako kung bakit may lalaki sa bahay ng tita ko. Naisip kong baka eto yung nagdeliver ng tubig nila tita. Mejo gwapo ka. Tall, dark, handsome. Mga ganun? Hahahahaha. Sabi ko kay tita pagpasok ko na " bat nandyan pa yung nagdeliver ng tubig nyo?" Nagtaka si tita at lumabas. " gago! Pamangkin ni mar yan" which is pamangkin ng asawa ni tita. Natawa ako. Mejo mahiyain sya kase kapag dumadaan ako napapansin kong lagi syang nakayuko.

After 2 years..

Pumunta ako sa bahay ni tita. Makikiwifi. Para mabawasan yung galit at inis. Sinong hindi magagalit lintik yan. Anniversary namin ng boyfriend ko ex boyfriend . Di nya ako tinext or tinawagan man lang. Di nako nagtaka kase kapag ganun may suprise sya sakin. Pero letchugas yan! Toungeina! ako yung nasurpresa. Nakita ko syang may kamake out sa condo nya. Bwisit lang. Sa sobrang inis ko hindi ko napigilang maiyak.

Kaso nakita mo ko. Inabutan mo ko ng panyo Sabi mo sakin. "ang magaganda hindi dapat umiiyak, dapat sila yung iniiyakan" Kinuha ko yung panyo. Pero ayaw pa din tumigil ng luha ko kaya ang ginawa mo. Yinakap mo ko. Nabigla ako pero. Nawala yung paninikip ng dibdib ko at gumaan yung pakiramdam ko. Dun nagsimula ang lahat. Exchange numbers, kasabay kumain, kakulitan at etc.

May girlfriend ka nun. Pero Long distance relationship kayo. Sa facebook lang kayo nagkakilala. Lagi mo syang kinukwento sakin. Turing ko na sayo nun bestfriend. Linoloko mo ko nun dati na baka may gusto nako sa yo nun. Ang sabi ko wala. Which is yun ang totoo. Sabi mo pa "ang mainlove talo"

And then, isang araw. Nagulat ako sayo kase hinalikan mo ko. Tas nginitian moko. Pero sh^t yan nafafall nako sayong kumag ka. Lahat ng ideal boyfriend ko na sayo na. Gwapo, matalino, mabait, caring, sweet.

Dun na nagsimula na fall na. Nasabi ko sayong gusto kita at sinabi mo rin saking gusto mo ko. Dun lang pumasok sa isip ko na may girlfriend ka nga pala. Tinanong kita ang sabi mo wala. So yun na. Naging tayo na. Hindi ka nagtetex or tumatawag kase nagkikita naman tayo. Pero nung pinahiram mo sakin yung phone mo. Edi tinignan ko yung message mo. Nabasa ko yung my future wife. Yun yung number ng ex girlfriend mo. Nanikip yung dibdib ko. Di ko namamalayan tumulo na pala yung luha ko. Masakit? Oo. Kinompronta kita. Ang sabi mo nasanay ka ng ganun yung pangalan nya sa contacts mo. Pero yung number ko? Walang pangalang nakalagay. So pinalagpas ko yun. Kase ayokong nagagalit ka. Understanding girlfriend ako. Ayokong maramdaman mong clingy girlfriend ako at ayokong mawala ka kase mahal kita.

1 month na tayo. Pero bat ganun magkatext parin kayo ng ex mo? Di ka pa din ba nakakamove on dun? Pinipilit kong itago lahat ng hinanakit ko.. Mahal pa din tawagan nyo? May asawa ko pa kayong tawagan? Samantalang ako first name basis? Ganun? So rebound? Di kita kayang hiwalayan. Di ko din alam kung meron ba dapat hiwalayan kase. Parang hindi tayo. One time inaya mo kong makipagsex pumayag nako. Kase isip isip ko lulubayan mo na ako kapag nakuha mo na yung virginity ko. Di ko magawang magalit sayo kase nangingibabaw yung pagmamahal ko sayo. Im stupid to believe that forever do exist. So yun na may nangyare satin lumayo ako. Di nakita tinext. Di moko tinawagan kahit alam kong di mo talaga ako tatawagan.

3 months

I found out im pregnant.

Tinext kita sabi ko magkita tayo.

Nagkita na tayo. Sinabi ko sayo na buntis ako.. pero wala kang sinabi nakatingin ka lang sakin. Sabi ko ipalaglag ko yung bata sya ang sumagot ng gastos. Kahit ayokong ipalaglag yung bata. Ayokong lumaki yung anak ko na walang ama. Yun na sinamahan moko. Nagising na lang ako na puti yung nasa paligid ko. Yun na. Wala nakong maramdaman. Manhid nako. Bumukas ang pinto nakita kitang pumasok. Kinausap kita gamit ang boses kong malamig pa sa baby ko. Umalis nako. Alam mo ba sobrang stress ko. Sumama ako sa kanya. Naririnig ko pa ang mga hagulgol na ng mga tao sa paligid ko... naririnig kita... nagsosorry ka....

Huli na ang lahat.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im so sorry but i love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon