.

14 2 0
                                    

Tumatakbo ako ng sobrang bilis.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko kailangan kong lumayo.

Habang patuloy ang pagtakbo ay unti unti akong bumabagal.

Huminto ako sa pagitan ng dalawang eskinitang nasa harapan ko.

Kaylangan kong pumili, yan ang sinasabi ng utak ko.

Mabilis akong nag isip saka patuloy na tumakbo ulit papasok sa kaliwang eskinita.

Takbo ako ng takbo haggang sa mapatid ako dahil sa isang bato.

Agad akong tumayo at napalingon sa likod ko.

Ngunit pag lingon ko isang lalakeng naka itim ang tumambad sa harapan ko at nakatutok saakin ang baril na hawak nito.

Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw at napatulala lamang sa lalaking nasa harap ko. Nabalik lang ako sa realidad ng tumunog ang baril na hawak nito.

Naramdaman ko nalang na parang may tumama sa balikat ko kaya naman tinignan ko ito.

At doon nakumpirma ko na may tama ang balikat ko. Agad muli akong tumakbo na parang walang paki alam sa nangyari sa balikat ko.

Pero ng hawakan ko ito walang dugong dumadaloy sa tama ng baril sa katawan ko.

Para bang walang nangyari saakin, na wala man lang akong maramdaman na kahit anong sakit sa balikat ko.

Hindi ko alam pero bumilis lalo ang takbo ko na para bang may humahabol saakin na kung ano.

Paglingon ko saka ko lang naaninag ang isang napaka liwanag na ilaw ang papalapit saakin at bigla nalang tumilapon ako.

Oo, nabunggo ako. Pero kinwestyon ko ang sarili ko.

Wala akong nararamdaman na kahit ano. Kaya nama'y natakot ako.

Namanhid na ata ako.

Wala sa sarili akong tumayo bigla bigla na namang tumakbo.

Sobrang bilis ko na para bang may humahabol sa akin na kung ano.

Dirediretso lang ako hanggang sa padami na ng padami ang mga tao. May ilang tumatakbo rin gaya ko.

Luminga-linga ako sa paligid ko at pinikit ang mga mata ko.

Pero hindi ko inaasahan na may biglang matigas na bagay na tumusok sa dibdib ko.

Nagulat ako kaya naman napadilat ako. Nakikita ko ang sarili ko na naka higa sa isang kama.

Kama ng hospital.

Katabi ay ang pamilya ko.

Nakita ko na nag kakagulo sila. Sinubukan ko silang tawagin ngunit parang hindi nila ako naririnig.

Napatingin nalang ako sa pintuan ng may pumasok na isang medyo may edad na babae.

Base sa suot nito alam kong doktor ito.

May ginagawa sya sa katawan kong nakahiga.

Hindi ko na alam ang nangyayari.

Hanggang sa tumigil ang doktor sa ginagawa nya at tumingin sa relo nya.

Ng muli kong tignan ang katawan ko ay tinatakpan na ako, doon ko lang nakumpirma na patay na pala ako.

×××××
To be more updated you can follow my official twitter and instagram account : @FuerteDébiles
I haven't made a facebook account yet but I will, soon.

FuerDés will be my fandom name, no one asked kaya skl lol.

Feel free to comment anything in the comment section. If may mga suggestions or ano man yang gusto nyong sabihin, comment lang kayo. You can also message me on my Official Twitter Account if you have something IMPORTANT to say.

Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Read at your own risk.

Don't forget to Vote and Share my story/stories. Hindi sya sapilitan kaya don't worry.

“It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.”
-Confucius

Thank you and God bless.
Lovelots :)

-FuerteDébiles

Nightmare Where stories live. Discover now